KABANATA 2

26 7 8
                                    

ISANG malakas na sampal ang ipinadapo ni Madam Mela sa kanyang tauhan na si Hulyo, hindi niya inakala makakagawa ang kanyang tauhan ng ganoong bagay.

"Mga estupido!" Nanggagalaiting dinuro ni Madam Mela ang lalaki na ang tanging ginawa ay ang umatras at hindi siya matitigan ng direkta sa mga mata. "Inutusan ko kayo na pag-igihan ang pagbabantay at pagbenta ng maayos sa rasyon ngunit ano itong pinanggagawa ninyo? Pumatay kayo ng tao!"

"M-Madam, nadulas kami. Baka magsumbong ang patay gutom na babaeng iyon. Nagbanta siya na isusuplong niya sa kinauukulan ang operasyon natin." Paliwanag ni Hulyo na sapo pa rin ang mukha, marahil iniinda parin nito ang sakit buhat sa malakas na pagkakasampal ni Madam Mela.

"A-anong sabi mo?" Tila nanigas naman ang Ginang sa kanyang kinatatayuan. Kahit siya ay nagulat sa ipinagtapat ng kanyang tauhan.

"Tama si Hulyo Madam Mela. Pinatahimik na lang namin para hindi na sumatsat pa." Nakangising sang-ayon ng isa pa niyang tauhan.

"Nasaan na bangkay niyon?" Nandidilat ang mga matang wika ni Madam Mela habang isa-isang pinupunan ng tingin ang mga ito.

"Naisilid namin ng maayos sa sako at itinapon sa talahiban madam. Tiyak na matatagalan pa bago nila matunton ito. Sa hinaba-haba ba naman ng giyera, at sa dami ng mga namatay. Nasisigurado ko na mapapabilang ang babaeng iyon sa mga nasawi sa gulo dito sa Marawi."

"At isa pa, tiniyak namin na walang may nakakita aming ginawa." Nagtitigan ang dalawang lalaki na pinagkakatiwalaan niya dito sa kanyang tahanan.

Napabuga si Madam Mela ng isang marahas na hangin. Gamit ang isang kamay ibinagsak niya ang kanyang hawak na manipis na kahoy na pamaypay. Nang umayos ito mabilis na ipinaypay iyon ng ginang sa sarili. Hindi maalis sa kanyang katauhan ang kabahan. Maraming posibilidad na maaaring mangyari sa katangahang nagawa ng kanyang tauhan ngunit wala na siyang magagawa pa. Ang kailangan niya na lang gawin ay ang magpatuloy. Kasalanan din naman ng pulubing iyon kung bakit naging ganoon ang kinahinatnan nito.

Saglit na pinagmasdan ni madam Mela ang gabundok na rasyon na ngayon ay nakahelira sa kanyang bodega. Hindi magkandahumayaw ang dami nito. Tiyak na marami siyang malalakap na salapi oras na maibenta ang lahat ng mga ito. Siya ang unang makakaahon sa biglang pagkadapa sa lupa ng Marawi. Siya din ang unang makakatikim ng karangyaan at hindi ang mga hampas-lupang mamamayan ng siyudad na kanyang kinalakhan.

Isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa gilid ng labi ni madam Mela sa mga naiisip. Walang sinuman ang maaaring makaalam ng panggigipit niya sa sinasakupan ng kanyang butihing asawa. Kahit na ang Presidente. Sapagkat ang rasyon na bigay ng gobyerno ay hindi nararapat na mapunta sa mga dukhang mamamayan ng Marawi. Kailangan nilang paghirapan ito.

Natigil sa pagmamasid ang Ginang matapos dumating ang isa sa mga katulong niya sa bahay. Kagaya ng lagi nitong ginagawa, may paggalang na yumuko ang babae at hindi siya matitigan ng matagalan sa mga mata.

"Bakit ka naparito?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Madam Mela na nagpapiksi sa kanyang katulong.

"M-May mga inspektor po na naghahanap sa inyo sa labas Madam." ulat nito.

"A-anong sabi mo?" Hindi niya mapigilan ang panlamigan ng katawan sa labis na pagkagulat. Kahit ang mga tuhod niya ay nanghina sa nalaman ngunit kahit ganoon, hindi niya ito ipinahalata sa kanyang kaharap. Sa halip taas noo niya itong tinitigan kasama ang matapang niyang katauhan.

"M-may naghahanap pong inspektor sa-"

"Alam ko. Hindi ako bingi!" Nagbabaga ang mga matang sabi niya dito. Binilisan ni Madam Mela ang pagpaypay sa sarili. Sa pamamagitan nito nababawasan ang lumulukob na takot sa kanyang pagkatao.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now