Entry #2: Between Love and Friendship

35 6 29
                                    

DESCRIPTION: Friends over love. Alin nga ba ang matimbang sa kanilang dalawa. Ano ba ang mas lalamang? Iyan ang katanungang pumasok sa utak ko habang isinusulat ang kwentong ito. Hindi ito tungkol sa tagumpay ng isang relasyong pampag-ibig kundi sa isang sitwasyon na kung saan ikalilito mo kung bakit mabilis ang tinatawag nilang di pagkakaunawaan.

WHY: Gusto kong ipahiwatig na walang magandang maidudulot ang kasakiman sa pag-ibig. Na kailangang timbangin at alamin muna ang lahat bago magpadalus-dalos sa desisyong gagawin.

HOW: Dahil may pagka-mystery ito kaya napakakumplikado.

***CATHY POV***
KAGAT ang ibabang labi na sinuyod ko ng tingin ang kabuuan nitong airport. I shouldn't be here, ngunit kailangan kong sunduin ang siraulo kong bestfriend. She just came from Paris. Mukhang bakasyon niya dahil kung may pasok ang isang iyon tiyak na hindi ako magagawi sa maingay at amoy bagahing lugar na ito.

"Nasaan na ba ang isang iyon? Oras na makita ko siya patitikimin ko 'yon ng isang malakas na batok sa ulo. Nakakaano na siya." Kakamot-kamot na angal ko habang panay ang aking pag-atras. Nagbabakasakali na makita ko ang kaibigan ko. "Ay kabayo!"

Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumama ang likod ko sa kung ano. Marahil dahil sa kakisigan ng may-ari nawalan ako ng supurta at ikinalugmok ko iyon sa semento.

"Aray ko po." Mahinang angal ko sa pagitan ng paghimas sa nasaktan kong pang-upo.

"Miss are you okay?"

Putik na malagkit! Tinanong pa talaga?!

"Tinanong mo pa..." Gigil na ingat ko ang aking paningin. Ang lahat ng ngitngit ko sa katawan ay tila nilamon ng lupa. Hindi ko inakala na matutunghayan ko ang mala-adonis na pagmumukhang ito. "ta... la... ga?"

"Miss I'm so sorry." wika ng lalaking nagmamay-ari ng magandang boses. May bunos pang handsome face.

Saglit kong kinusot ang aking mga mata. Tila kasi may nakikita akong ulap sa ibabaw niya. May ilaw na lumabas sa gitnang bahagi niyon at tumatama sa pogi kong kaharap.

"Miss?"

Nahigit ko ang aking hininga pagmulat ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa kapogian niya, inilapit pa talaga ng isang ito ang kanyang handsome face. Maawa naman siya sa puso kong walang kasing ganda. Hustisya bes!

"A..."

"Let me help you." Gaya ng sinabi niya, maingat niya akong inalalayan. Itong pasaway kong mga mata ay ayaw humiwalay sa kanya.

"T-thank you."

"You are welcome... Miss?" Hayun na naman ang pamatay niyang ngiti.

"Catherine." Agad kong inilahad ang aking mga palad saka tinanggap ang kanyang pakikipagkamay.

"I'm Vincent Aldeguer."

Darn! Kamay pa lang ulam na. Paano na lang kaya kung pati siya? Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-excite.

"So Vincent, do you mind, kung ilibre mo ako ng makakain. Makabawi ka man  lang sa pagkakabangga mo sa kagandahan ko?"

"Aren't you going to meet someone today?" Inayos niya ang backpack niyang dala.

Biglang pumasok sa isip ko ang bff kong si Zyle.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now