CHAPTER 3

22 9 1
                                    

"Anak, sige na, mauna ka na. Iligtas mo ang sarili mo!" Wika ng ama ng isang dalagitang babae.

"Pero tay..." Sagot naman nito habang pilit na pinagtutulakan siya ng kanyang ama na umalis na.

Patuloy lamang ang pagluha ng babae at wala siyang ibang nais kundi ang makaalis sila ng kanyang ama na buhay at magkasama.

Sunod sunod na pagputok ang kanilang narinig kaya nagkayakapan na lamang sila.

Kasalukuyan silang tumatawid ng ilog dahil ito ang naisip nilang ligtas na paraan upang makatakas. Ngunit kakabalita lamang kahapon na naghihigpit na ang mga sundalo. Hindi na maaaring basta na lamang makalabas ng Marawi ang sinuman. Kailangan nilang makasigurado na ang lalabas ng bayan ay biktima at hindi terorista. Kaya't kasabay nang pagdedeklara ng Martial Law sa lugar ay ang pagpapatupad ng ID System. Kung saan, ang bawat mamamayan ng Marawi ay kailangan magpakita ng ID sa mga sundalo na nasa checkpoint para sa verification. Oras na makumpirma na hindi sila isnag terorista, maaari silang makalabas ng Marawi at patuluyin sa Evacuation Center.

Dahil dito kaya naiipit ang mag-amang kasalukuyang tumatakas.
Walang dalang ID ang kanyang ama, naiwan ito doon sa kanyang bag na nakasabit sa kanilang pintuan. Hindi ito nagawang makuha ng kanyang ama dahil sa pagmamadaling tumakas.

"Pakiusap anak, iligtas mo na ang iyong sarili. Heto ang iyong gitara, tuparin mo ang ating pangarap." Inabot ito sa kanyang ama habang lumuluha. Ginawaran siya nito ng isang halik sa noo.

"Tay, wala rin ho akong ID, hindi po tayo makakalabas. Sasama po ako sainyo, hindi ko po kayo iiwan." Pagpupumilit naman niya habang yakap yakap ang gitara.

"Nariyan sa loob ng bag ng iyong gitara, anak. Kaya sige na, mauna ka na doon at huwag mo na akong hintayin pa. Kapag nakuha ko ang aking ID ay agad akong susunod at hahanapin kita. Pero pag hindi ako nakabalik, alam mo na anak." Isang ngiti ang ibinigay ng kanyang ama sa kanya at saka siya tuluyang tinalikuran nito upang bumalik sa bahay.

Walang nagawa ang babae kundi ang umiyak habang yakap ang kanyang gitara. Nagpatuloy na lamang siya sa pagtahak sa ilog.

Sa kabilang banda naman, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong Marawi na dulot ng air strike ng Philippine Army.

Saksi ang lahat sa pagbagsak ng mga ito at walang nagawa ang mga residente kundi iyakan ang kanilang mga mahal sa buhay na nasawi dahil sa nasabing air strike. Matapos ng ilang minutong pagluha ay nagpatuloy na lamang sila sa paglalakbay patungo sa evacuation center. Masakit man ay kailangan nilang lisanin ang lugar na sentro ng bakbakan maging ang mga kamag anak nilang wala ng buhay. Ni hindi man lamang napaglamayan at magawang ilibing dahil sa kaguluhan.

Masakit. Kulang ang salitang iyan upang malaman kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman ng mga taong naiipit sa bakbakan.
Walang lugar ang mahina. Walang lugar ang iyakin. Walang magagawa ang mga luha.

Panibagong air strike ang bumagsak makalipas lamang ang ilang minuto at walang nagawa ang mga residenteng tumatakas kundi ang maghiwayan at tumakbo palayo sa mga pagsabog at barilan.

“Baby…” Turan ni Mela sa kanyang nobyo dahil sa takot na sila ay matamaan ng mga bala.

Dali dali ngunit maingat silang tumatakas mula sa mga rebelde. Hindi pwedeng huminto at magpahinga.

“Huwag kang magalala baby, nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan.” Sagot naman ng kanyang nobyo upang pakalmahin ang lumuluhang si Mela.

Mas hinigpitan ng kanyang nobyo ang paghawak sa kanyang kamay. Sabay nilang tinatahak ang daan patungo sa evacuation center kasabay ng mga iba pang residente.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now