Special Entry #2: After the Rain

36 7 2
                                    

Description: Sa Marawi, maraming nasawi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Description: Sa Marawi, maraming nasawi. Puso, isipan, dugo at kaluluwa ang kanilang naging katuwang sa labanan, labanan ng parehong magkababayan ngunit bakit nagkasakitan? Marahil, sakit na nating mga Pilipino iyan. Atin sanang tulungan ang ating kapuwa mamamayan ngunit crab mentality ang ginagawa ng karamihan. Anong nangyari pagkatapos ng hidwaan? Anong kahihinatnan pagkatapos ng ulan?

Why: Upang magising ang ating nauudlot na dugong Pilipino. Ang pagiging palaban dahil tayo’y makabayan. (Sobrang seryoso naman...Maahy ghhaass...)

How: Complicated...Komplikado kong ginawa ang storya😐

----

“Aray ko! Aray ko! Hindi na po mauulit, Ina” naiiyak na sabi ng isang binata sa kaniyang Ina. Nasasaktan ang binata dahil pinipingot siya ng kaniyang Ina sa tainga. Itinulak siya ng kaniyang Ina at pinaluhod sa sahig na may mga monggo. Walang nagawa ang binata dahil mas masakit pa rito ang kaniyang dadanasin kung magmamatigas lamang siya. Tinignan niya ang kaniyang Ina sa mga mata nito ngunit nanlilisik na mga mata ng kaniyang Ina ang tumitig sa kaniya. Napayuko na lamang siya at impit na napa-aray.

“Ikaw na bata ka! Kung saan-saan ka pumupunta! Alam mo bang delikado sa kagubatan? Hindi mo ba alam ang nagyayari sa lugar natin ngayon? Paano kung mapahamak ka? Ako ang mamamatay dahil sa mga kagagawan mo!” mahabang litanya ng Ina sa kaniyang anak habang siya’y pinipingot pa rin. Hindi naman nakinig ang binata sa kaniya, sa halip ay napaluha na lamang siya dahil nakaluhod siya sa sahig na may mga monggo at kasama na rin ang tainga niya na ani mo’y parang ito’y mapupunit na.

“Ina, patawad po. Hindi ko na uulitin. P-puwede niyo na pong tanggalin ang pagkakapingot sa tainga ko, Ina. Nagmamakaawa po ako” pagmamakaawa ng binata sa kaniyang Ina ngunit sinampal lamang siya ng kaniyang Ina. Napayuko ang binata at taimtim na umiyak, tanging paghikbi na lamang niya ang naririnig sa kanilang silid. Inalis na ng kaniyang Ina ang pagkakapingot nito sa tainga ng kaniyang anak at tumalikod saka naglakad palabas.

Naiwan ang binatang nakaluhod pa rin at saka niya mas lalong ibinuhos ang kaniyang mga nagraragasang luha mula sa kaniyang mga mata. Sanay na siya sa mga parusang nararanasan niya araw-araw mula sa kaniyang Ina ngunit suwail pa rin ito at patuloy nitong pinapainit ang ulo ng kaniyang Ina. Ngunit hindi lamang sa parusa siya sanay, sa pag-iyak na rin ay nasanay siya dahil lubhang masakit ang mga parusang nararanasan niya. Isa lang ang kaniyang sinisisi, ang kaniyang sarili. Kung hindi sana siya suwail sa araw-araw na dumaraan, hindi sana siya paparusahan.

Binata na siya ngunit parang bata pa rin kung umasta. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kaniyang nararamdaman. Pinunasan niya ang kaniyang mukhang basang-basa ng pinaghalong luha’t pawis. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang tuhod na may mga nakadikit pang monggo. May mga galos siya sa kaniyang binti at braso ngunit ito’y ‘di niya inalintana, bagkus siya’y napangiti na lamang. Hindi man mawari kung bakit siya nakangiti na parang baliw ay nag-unat na lamang siya. Napawi ang kaniyang ginagawa nang nakarinig siya ng nagtitilian sa labas. Agad siyang tumakbo papalabas at nakita niyang nagtatakbuhan ang mga mamamayan na parang may dulubyong darating.

“Tumakas na tayo! Nandiyan na sila!” sigaw ng isang Ginang na kaniyang tinitignan na halos hindi na makatakbo ng maayos. Nagtaka naman ang binata kung anong nangyayari. Wala namang bagyong darating sa pagkakaalala niya. Wala siyang nagawa kun’di ang kumunot ang noo at pagmasdan ang mga nagkakagulong tao sa labas.

Wala pang ilang minuto’y nakarinig sila ng mga putukan at dahil sa lakas ng mga tunog, ‘di mapagkakailang ‘di basta-bastang kalibre ng baril ang mga iyon. Mas lalong nagkagulo ang mga tao habang may mga hawak silang bagahe. Ang mga Ginang ay hawak-hawak nila ang kanilang mga anak upang hindi sila mawala. Sa kabilang banda, makikita sa kalayuan ang maitim at makapal na usok na umabot na hanggang sa kalangitan.

Agad kumilos ang binata, tumakbo siya sa kanilang kuwarto at nag impake ng kanilang mga gamit. Hindi man niya alam kung bakit may kaguluhan, nakisabay na lamang siya sa mga taong lumilikas. Bumalot sa binata ang matinding kaba nang makarinig ng malakas na pagsabog na sa tantya niya’y ‘di kalayuan lamang iyon. Malakas at mabilis ang kaniyang tibok ng puso na parang may karerang nangyayari. Nag-aalala rin siya sa kaniyang Ina na hindi niya alam kung saan siya. Hindi naman niya dapat iwana ang kaniyang Ina sa gitna ng kaguluhang nangyayari. Bago pa niya hanapin ang kaniyang Ina, isang kalabog ang narinig niya na sa pagkakaalam niyang nanggaling iyon sa pintuan nila. Biglang nanindig ang kaniyang balahibo dahil mas lalong lumakas ang ingay na nanggagaling sa labas lalo na ang putukan ng mga baril.

“Sumama ka sa amin!” isang sigaw na nakakapanindig balahibo ang narinig niya galing sa kaniyang likuran. Unti-unti siyang lumingon at nakita niya ang tatlong armadong lalaki na may mga suot pang balabal upang takpan ang kanilang mukha at ang kanilang mga mata lamang ang nakikita. Hindi maaaring magkamali ang iniisip ng binata na sila’y mga sindikato.

“Dakpin iyan” utos ng nasa gitnang lalaki sa kaniyang dalawang kasama. Hindi nakapalag ang binata nang siya’y hawakan sa magkabilang braso ng walang kahirap-hirap. Biglang pinagpawisan ang binata ng malamig, hindi niya alam kung makakaligtas pa siya.

“H-huwag niyo p-po akong sasaktan” nauutal na saad ng binata habang siya’y kinakaladkad palabas ng kanilang bahay. Para siyang nawalan ng dugo nang mga oras na iyon. Paglabas nila’y maraming mga bangkay ang nagkalata sa paligid. Usok din ang bumalot sa kanilang lugar.

Marami rin ang nagkalat na sa pagkakaalam ng binata na sila’y sindikato, may mga kinakaladkad din silang mga ibang binata na katulad niya. Ngunit nangilabot ang kaniyang pakiramdam nang makita pa siya ng mga batang lalaki na kinakadkad palabas. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagalit ngunit mas namayani ang kalungkutang nadarama niya.

Mga dugong nagkalat sa paligid galing sa mga namatay na mamamayan, mga nawasak na tahanan, mga iyak ng nagdadalamhati at mga batang lalaking kasama ang mga binata na parang wala ng pag-asa dahil sa kanilang mga nasusubaybayan sa paligid at dahil sila’y nadakip. Idinala sila sa dalawang truck na malaki at doon sila pinasakay. May isang nagtangkang tumakas ngunit kaawa-awa lamang ang sinapit nito sa mga armadong lalaki.

“Pakawalan niyo kami!” sigaw ng binatang nagtangkang tumakas ngunit hinampas lamang siya sa likod gamit ang hawak-hawak na rifle ng isang armadong lalaki. Napaluhod ang binata dahil sa sakit na natamo niya.

“Paka—-“ hindi natuloy ng binata ang kaniyang sasabihin nang isang putok ng baril ang kanilang narinig kasabay ng pagkabagsak ng binata. Dugo ang kumalat sa sahig ng sasakyan. Umiyak ang mga bata samantalang hindi makapaniwalang tumingin ang mga binata sa binatang nagtangkang tumakas.

“Lagutan ng hininga ang mga magtatangkang tumakas. Pati na rin ang mga p*tang*nang mag-iingay” isang nakakapanindig na balahibong boses ang narinig nilang utos sa isang armadong lalaki na sa tingin ay siya ang pinuno ng mga sindikato.

Nagsimula namang umandar ang sasakyan. Sampung armadong lalaki ang kasama nila sa loob ng sasakyan na magsisilbing bantay sa mga nabihag nila. Tahimik na ang lahat sa loob ng sasakyan dahil sa takot na baka sila ang isunod na kitilin ang buhay ng walang kahirap-hirap.

Ilang oras silang ganoon lamang ang pangyayari sa loob ng sasakyan. Hanggang sa biglang tumigil ang sasakyan, ipinapahiwatig na nakarating na sila sa dapat na pupuntahan. Unang lumabas ang mga armadong lalaki at kinaladkad nila palabas ang mga bihag.

“Pablo” tawag ng kanilang pinuno at tumingin sa naiwang binata. Hindi narinig ng binata ang pagtawag sa kaniya dahil isang lamang ang nasa isip niya, ang kaniyang Ina. Kahit na minamaltrato ito ng kaniyang Ina araw-araw, hindi niya kayang magtanim ng galit dito dahil mahal na mahal niya ito saka kasalanan niya rin naman kung bakit iyon ang kaniyang dinaranas.

“Pablo” saka lamang natauhan ang binata nang narinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nagulat siya nang wala na ang mga kasama niyang bihag sa loob ng sasakyan.

Tumingin siya sa lalaking tumawag sa kaniya at iyon ang pinuno ng mga bumihag sa kanila, ang mga sindikato. Galit ang naramdaman ng binata at biglang uminit ang pakiramdam niya na parang nagsitaasan ang dugo papunta sa kaniyang ulo.

“Bakit mo alam ang aking pangalan? Sino ka? Bakit mo kami binihag?! Anong ginawa niyo sa bayan namin! Mga b*stardo kayo!” galit na sigaw ng binata. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas na magalit kahit na nakakatakot ang itsura ng tumawag sa kaniya.

“Kailangan namin itong gawin, Pablo. Hayaan mo, hindi ka namin sasaktan” sabi ng Pinuno ngunit hindi na kuntento ang binatang nagngangalang Pablo.

“Hindi! Pakawalan mo kami! Kailangan kami ng mga pamilya namin! Pakawalan mo kami!” galit na sigaw ulit ng binata at marahas na tumayo sa kaniyang kinatatayuan. Sumugod siya sa lalaki at sinuntok ngunit hindi kumilos ang pinuno na parang wala siyang nararamdaman. Hinablot ng binata ang balabal na nakatakip sa mukha nito at laking gulat niya nang makita niya ang matagal ng patay sa kaniyang isipan. Ang kaniyang Ama’y buhay pala.

“A-ama” tila humupa ang galit na kaniyang nararamdaman nang nakita niya ang mga matang nakatitig sa kaniya, mga matang nangungulilla na ng matagal.

“Buhay ako, anak. Buhay ako...” sabi ng kaniyang Ama ngunit hindi nagpatinag ang binata. Bumalik ang galit na nadarama niya at parang mas lumala iyon.

“Patawa ka! Matagal ka ng patay simula noong iwan mo kami ng Ina kong nagluluksa sa pagkamatay ng aking kapatid nang dahil sa’yo! Hindi ka nagbago, mamamatay tao ka pa rin” gigil na wika ng binata sa kaniyang Ama.

“Anak, matagal na iyon. May rason din ako kung bakit ko ito ginawa” sabi ng Ama ngunit hindi kumbinsido ang binata.

“Patayin mo na rin ako” mahinahong saad ng binata at unti-unting naramdaman ang panghihina sa buong sistema ng katawan niya. Sa labis na kalungkutanat galit, ito ang nangyayari sa binata kapag siya’y nakakaramdam ng ganoong pangyayari. Hanggang sa nagdilim na ang paningin ng binata na tanging nasa isip lamang nito ang kaniyang Ina. Agad kumilos ang kaniyang Ama at binuhat ang katawan ng  kaniyang anak palabas ng sasakyan. Pangungulila ang nasa kaniyang damdamin ngunit pagsisisi ang mas namamayani sa kaniya ngayon.

Written by: Striver_Amber

Cover by: RengRnsy



Watty Writer's Guild Journal 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon