EPILOGUE

28 7 6
                                    

HABANG nakaposas at nakayuko, matamlay na naglalakad si Madam Mela kasama ang isang grupo ng mga pulis sa kanyang likuran. Kasama rin dito ang Mayor, ang gwapong inspektor na si Glenn, at iba pang mga piling pulis.

Kung kanina'y halos mapagkamalang nang baliw si Madam Mela dahil sa patuloy niyang pagtanggi sa kasalanang kanyang nagawa, ngayo'y nakatikom na lamang ang kanyang bibig. Para siyang isang taong namatayan kung kumilos ngayon.

Hindi 'yon dahil sa napagod lamang siya. May ibang dahilan ang pagiging tahimik niya.

Napaangat na lamang siya ng tingin ng sinenyasan siya ng isang pulis na tumigil sa paglalakad.

"Nandito na tayo sa kulungan mo, Mrs. Estrella. Pumasok ka na sa loob." Sabi ng pulis na nagpatigil sa kanya sa paglalakad kanina. Tinanggal na rin nito ang kanyang posas at binuksan ang pinto ng kanyang kulungan. Ngunit hindi manlang siya gumalaw. Blanko lamang siyang tumingin kulungan niya.

Isa lamang ang iniisip niya ngayon, at yun ay ang ayaw niyang makulong. At mayroon rin siyang naiisip na paraan upang hindi mangyari 'yon.

"Mrs. Estrella, pumasok na kayo sa loob. 'Wag ka nang magsayang pa ng oras dahil---Hoy! Anong ginagawa mo?! Ibalik mo 'yan!" Bayolanteng sigaw ng isang pulis ng biglang hinablot ni Madam Mela ang baril nito. Nagumpisa na ring mag-panik ang mga pulis dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Sinubukan nilang agawin ang baril sa ginang ngunit bigo sila. Ilang beses rin itong pinapaputok ng ginang upang layuan siya ng mga pulis na nakapaligid sa kanya.

"Mrs. Estrella, ano ba! 'Wag mo nang subukang tumakas! Huhulihin at huhulihin ka lang namin!" Sigaw ng gwapong inspektor na si Glenn na halatang nagulat dahil sa hindi inaasahang kilos ng ginang.

"Tumahimik ka!" Malamig na sagot ni Madam Mela sa inspektor.

"Mrs. Estrella! Bitawan mo 'yan! Sumuko ka na lang!" Tarantang sigaw ng iba sa kanila. Ngunit lumabas lamang sa kabilang tenga niya ang mga sinabi nito. 

Mas gugustuhin pa niyang mamamatay na lamang kaysa sa magdusa sa loob ng bilangguan.

Mas gugustuhin pa niyang tapusin ang buhay niya, kaysa sa harapin niya ang mga problemang sasalubong sa kanya sa hinaharap.

Itinapat na niya ang baril sa kanyang kanang sintido kaya't lalong nagpanik ang mga pulis na parang mga langgam na nabuhusan ng tubig. Akala nila'y tatakasan lamang sila ni Mela. Nagkamali pala silang lahat, mas malala pa pala ang binabalak ng ginang. Taranta nang pinuntahan ng mayor ang kanyang asawa dahil sa kanyang ginawa. Namumutla ito at nanginginig habang nakatingin sa kanya.

"Mela, please don't do this. Ang sabi ko sa'yo, harapin mo ang krimeng ginawa mo. Ngunit wala ako sinabing patayin mo ang sarili mo!" Bayolanteng sigaw nito sa kanya ngunit blanko lang siyang tumingin dito nang hindi pa rin tinatanggal ang baril nito sa kanyang sintido.

"I'm sorry." Ang tanging sinabi na lamang niya at nangyari na ang inaasahan ng lahat.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Kasunod no'n ay ang pagtalsik ng ilang dugo sa sahig, at ang pagbagsak ng isang katawan ng isang ginang na may ulong duguan.

* * *

Sikat na sikat na ang araw kaya't nakakapaso na ang init sa paligid. Ngunit walang tila walang pakielam ang isang ginoong nakatayo sa tapat ng isang puntod sa gitna ng init ng araw. Halos maligo na siya sa sarili niyang pawis ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Mela, sa pangalawang pagkakataon, muli ko itong sasabihin sa'yo. Kahit alam kong hindi mo na ako maririnig pa, sasabihin ko pa rin ito sa'yo. I told you to face your crimes, but not kill yourself." Lumuhod ang mayor sa puntod ng yumao niyang sakim na asawa matapos niyang sabihin 'yon.

Watty Writer's Guild Journal 2 Место, где живут истории. Откройте их для себя