Entry #4: ANAstacia

52 8 29
                                    

Description: Naniniwala ka ba sa mga engkanto at kababalaghan? Sino nga ba si Ana? At sino si Anastacia? Halina at tungyahan natin ang kwento nila.

Why: Hindi ko alam kung bakit engkanto. Wala kasi akong maisip na pwede sa mystery genre eh. Di ako maalam magsulat ng detective story kaya siguro ito nagawa ko. Sorry na guyz. Pero siguro paraan din to para magkaroon ng awareness? Kasi isa ako sa mga taong naniniwala na nage-exist sila at may mga kababalaghan talaga lalo na sa mga probinsya. Nakukursunadahan ng mga engkanto. Ganon. Hehe.

How: Nagsearch ako ng tungkol sa engkanto. Hehehehehe. At nahirapan ako magsulat kasi after shift ko to ginagawa, imbis na tulog na ako, nagsusulat pa. 😭 Pasensya na sa nasulat ko. Corny. 😅

Nabuhay ako sa mundong ito na nabibilang sa pinakamamabang uri at ginugol ko ang aking buhay para iangat ang estado ko. Hindi ako papayag na muling bumalik sa kinasasadlakan kong kahirapan noon. Hindi pwede kahit na anong mangyari. Gagawin ko ang lahat, huwag lamang bumagsak muli sa kahirapan.

"Goodmorning, Ms. Ana. Kamusta po ang bakasyon ninyo?" Salubong sa akin ng sekretarya ko.

Ngumiti naman ako sakanya. "Ayos lang naman, nag-enjoy naman ako." Sabi ko pagkaupo ko sa aking swivel chair at agad na binuklat ang mga papeles sa table ko.

"Nahanap niyo na po ba ang forever niyo doon? Mukhang naging masaya po ang bakasyon ninyo." Usisa na naman niya sabay tawa ng malandi. Naging pula ang mga mata ko sa narinig nang maalala ko ang isang pangyayari sa aking bakasyunan.

Ngunit pagharap ko sakanya ay tumawa lang ako.

"Naku, matagal pa iyon darating. Sige na, trabaho na." Utos ko sakanya. Agad naman siyang lumabas ng opisina ko. Sumandal naman ako at ipinikit ang aking mga mata.

Nagbalik naman sa akin ang mga pangyayari sa aking bakasyunan.

"Naku, nandirito na naman ang babaeng iyan. Sa tuwing dumadating yan dito, maraming kababalaghan ang nangyayari. Tila ba isa siyang sumpa sa bayang ito."

"Huwag kayong maingay! Baka marinig niya kayo at kayo ang maging susunod niyang biktima." Turan naman ng isa pa. Kahit pa nasa isang metro ang kanilang layo ay rinig na rinig ko ang sinasabi nila at nakikita ko sa aking isipan kung sinu-sino sila.

Pinakawalan ko naman ang aking nakakapangilabot na ngiti at palihim na tumatawa habang bumubuo ng plano para mamayang gabi.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nahiga at ipinahinga ang aking sarili.

Pagpikit ng aking mga mata ay agad na bumungad sa akin ang isang mukha. Nagpupumilit siyang makawala.

Kaya nagdesisyon ako na puntahan siya, sa kaloob looban ko.

"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" Nagulat siya ngunit agad siyang nakabawi. Pinanlisikan niya ako ng mata.

"Pakawalan mo na ako rito! Gusto ko ng makabalik sa buhay ko!" Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas na pinagtawanan ko lamang.

"Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na kahit ano ang gawin mo ay hindi ka makakaalis dito? Wala kang magagawa laban sa kapangyarihan ko." Mahinahon kong sabi na may halong paniinsulto.

"Napakawalanghiya mo!" Sigaw niya habang lumuluha.

"Alam ko." Sabay tawa ng malakas at saka ko naman siya iniwan doon. Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod niyang sinabi dahil nais ko ng magpahinga.

Pagsapit ng dilim ay tuluyan nang nawala ang mga tao sa labas. Lahat ay nagsipasukan na sa kanya-kanyang bahay at walang nagtangka na lumabas kahit pa nagsimula ng magwala ang kanilang mga alagang hayop.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Sep 03, 2018 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Watty Writer's Guild Journal 2 Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum