CHAPTER 5

29 8 2
                                    

"Mommy, tapos na po ako dito," balita ng bata sa ina. "Nailagay ko na lahat ng gamit sa aking kwarto at naitupi na ang mga damit. Kailangan mo po ba ng tulong diyan?"

Dumalo naman ang ina.

Abala sina Mela at Christ sa paglilipat ng mga gamit sa kanilang bagong bahay. Pitong taon na ang nakalipas mula noong nasira ang kanilang lugar gawa ng mga terorista. Nag-abot ng tulong ang mga tao mula sa ibang bansa pati na rin ang gobyerno upang mabigyan ng bagong tahanan ang mga nakaligtas at nawalan ng tirahan. Isa na roon ang pamilya nina Mela at Christ.

"Huwag mo akong lokohin, Reng. Kilala natin dito kung sino ang tamad—"

Natigil si Mela sa pagsasalita nang makitang totoo ang sinasabi ng anak. Ang kama ay nasa ayos at malinis na ang sahig ng kaniyang kwarto.

"Tapos na po ako, Mommy. Kung hindi mo na po kailangan ng tulong, eh pwede na po ba ako pumunta sa simbahan?" ngiti-ngiti nitong tanong.
Napangiti sa isip si Mela. "Kailangan ko ng sasama sa akin sa palengke. May hindi pa ako nabibili kaya—"

"Ako nang sasama sa'yo," pagputol ni Christ sa sinasabi ng asawa. "Tapos na rin akong buhatin ang mga aparador mo. Payagan mo na ang bata, baka gusto niyang makita ang ate niya saka tumulong doon."

"Hindi tutulong si Reng doon. Imposible dahil tamad 'yan. Gusto niya lang tumakas dito –"

"Baby," ani Christ sa boses na nakikiusap.

"Ba't ba lagi niyo 'kong pinuputol?" Napabuntong hininga na lang siya at napangiti nang tuluyan.

"Sige, basta sabihin mo sa ate mo—"

"Thank you, Mommy, Daddy. Bye!" Tumakbo na si Reng palabas at hindi na hinintay matapos ang ina.

Nilapitan na lang ni Christ si Mela na nagbuntong hininga. "Manang-mana sa'yo ang anak mo, Christ."

"Baby naman eh."

---

Halos matisod si Reng sa pagtakbo papuntang simbahan dahil excited itong kitain ang kaniyang mga ate. Paniguradong busy ang mga ito sa pag-aayos at paglilinis dahil ka re-renovate lang ng simbahang nawasak sa digmaan.

Plakado ang ngiti sa bata at hindi 'yon nawala hanggang sa makarating sa labas ng simbahan. Naabutan niya ang grupo ng mga kalalakihang nagpipintura. Naagaw naman niya ang atensyon ng mga ito nang simulan niyang pumasok sa loob.

"Bata, hindi ka pwedeng pumunta riyan sa loob. Makaka-istorbo ka lamang sa mga magagandang binibini diyan," lingon ng isa sa kanya.
Ngunit nagtuloy-tuloy lang siya sa loob habang hinahanap ang mga pamilyar na mukha.

"Kuya, ate ko po ang nasa loob. Yanna pangalan niya." Sinabi niya iyon habang ang mga palad ay nakapatong sa ulo at naglalakad.

"Eh? Hindi naman kayo magkapatid, 'di ba?" sigaw ng isa sa kanila sa labas.

"Tol, bata 'yan ano ba," bulong ng isa.
Natigilan si Reng dahil doon. Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin pabalik sa mga katagang iyon. Nawala ang ngiti sa labi, nahulog din ang mga kamay mula sa ulo. Tumungo ito.

"Reng?" Hindi sigurado si Nyx kung si Reng ba talaga ang batang nakatungo sa umpisa ng simbahan kaya pinuntahan niya ito at iniangat ang ulo.

"Reng!"

"Hm?" anito at saka pinunasan ang luha. "Ninang Nyx!" bumalik ang kanyang ngiti at napayakap sa babae.

"Oh ba't umiiyak ka? Hindi bagay sa'yo," tanong niya habang nagyayakapan. Nakita niya sa likod ang nagpipinturang kalalakihan. Niliitan niya ito ng mga mata. "May nang-away na naman ba sa'yo?" Umalis siya sa yakap.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now