Chapter Two

4.5K 87 6
                                    

"AALIS na po ako, Lolo," paalam ni Jammy sa kanyang Lolo Jerry. Kasalukuyan itong nasa veranda at may binabasang dokumento.

Mula sa binabasa ay dumako ang tingin nito sa kanya. "Nasaan ang kapatid mo? Bakit mag-isa ka lang?"

"Mauna na raw po akong umalis, Lolo. Mamaya na siya papasok."

Binitiwan nito ang hawak na dokumento saka tumango. "Hindi ka puwedeng umalis mag-isa. Maghintay ka lang dito. Susunduin ko ang kapatid mo."

"Okay lang po ako, Lolo. Nandiyan naman po si Mang Goryo para ihatid ako. Hayaan na lang po natin si Ate."

"Pero, Jamaica..."

"Don't worry, Lolo, ayos lang po talaga ako. Aalis na po ako." Lumapit siya sa lolo niy aat hinalikan ito sa pisngi. Bago pa siya mapigilan, nagmamadali siyang naglakad palabas ng bahay.

"Mag-iingat ka, apo."

Tumango siya at kinawayan ito.

Jammy had a twin, ang Ate Jaime niya. Ngunit hindi katulad ng ibang kambal, hindi sila magkamukha. Suwerte ito dahil hindi ito katulad niya na may kakaibang allergy. Ang Lolo Jerry nila ang nag-alaga at nagpalaki sa kanilang magkapatid. Bukod sa kanilang magkapatid, abala rin ito sa palaisdaan nila. Iyon ang source of income nila.

Mahal na mahal nila ang kanilang Lolo Jerry. Hindi nito itinago sa kanilang magkapatid na sila ay bunga ng pagsasamantala sa kanilang ina noong eighteen ito. Kung hindi sa lolo nila, baka hindi sila nabuhay na magkapatid. Masyadong consumed ng galit at hinanakit ang kanilang ina na kahit ang tumingin sa kanilang magkapatid ay halos hindi nito magawa. Galit ang kanilang ina sa kanilang ama na nagsamantala rito; ang resulta ay galit din ito sa kanila. Ang lolo nila ang pumuno sa lahat ng pagkukulang ng kanilang ina. At gagawin ni Jammy ang lahat para sa matanda.

Paglabas ng bahay, agad siyang sumakay sa naghihintay na sasakyan. Lumang sasakyan iyon ng kanilang lolo na ginagamit na panghatid at pangsundo sa kanilang magkapatid.

"Magandang umaga, Mang Goryo," bati niya sa kaibigan ng lolo na naging driver nilang magkapatid.

"Magandang umaga, Jamaica. Dito ka banda sa may gitna para hindi ka tamaan ng araw."

Umisod si Jammy sa bandang gitna ng sasakyan. Doon ay safe siya. Bawal sa kanya ang mainitan dhail sa pagkakaroon niya ng polymorphic light eruption o PMLE.

Napatingin si Jammy sa labas ng bintana. Napakaliwanag sa labas, hindi katulad sa bahay nila na palaging madilim. Ang buong bahay nila mula sala, kusina hanggang sa kuwarto niya ay napapalibutan ng makapal na kurtina na proteksiyon niya sa araw. Kahit ang sasakyan na ginagamit niya ay patong-patong ang cover. Ipinagawa iyon ng lolo niya para sa kanya.

"Hindi yata lumalabas ang kapatid mo?" tanong ni Mang Goryo.

"Mauna na po tayo. Mamaya pa raw po siya papasok."

Nagsalubong ang mga kilay nito. Silang magkapatid, they were inseparable. Kung nasaan siya, asahan mong naroon din ang kapatid niya. Literal itong ate sa kanya. Dahil sa sakit niya, overprotective ito sa kanya. Ang kapatid ang umaaway sa lahat ng batang nanunukso at nang-aaway sa kanya. Wala siyang maalalang panahon na nag-away sila, maliban ngayon.

"May problema ba kayong magkapatid?" tanong ni Mang Goryo, there was a hint of concern in his voice.

"Ayaw po kasing pumayag ni Ate na mag-transfer ako ng school."

"Hindi mo masisisi ang ate mo. Kinder pa lang kayo ay magkasama na kayo sa iisang eskuwelahan. Kahit sa bahay lagi kayong magkasama. Magkatabi rin ang mga kuwarto ninyo. Kahit noong ipinagbubuntis kayo ng mama n'yo, magkasama na kayong dalawa. Ngayon lang kayo maghihiwalay na dalawa."

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon