Chapter Seven

3.9K 94 1
                                    

2014. Present time

"DJ HEART?"

Napahawak si Jamaica sa suot na earphones nang marinig ang pagtawag sa kanya. Saka lang niya naalala na may kausap siyang listener on-air.

"'Yon nga po, DJ Heart, nagkita kami ulit ng ex-boyfriend ko. Nagpapahiwatig siya na gusto niyang makipagbalikan sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Makikipagbalikan ba ako sa kanya o mas magandang maging magkaibigan na lang kami?"

Tumapat siya sa microphone sa harap niya. "Ate Mae, bago ko sagutin ang tanong mo, gusto ko sanang malaman kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ng ex mo?"

"Nagkaroon siya ng ka-fling noong kami pa. Pinagsabay niya kaming dalawa."

Isang buwan nang DJ si Jammy ng RJ Music Station. Alas-otso ng gabi ang simula ng radio program niya na tumatagal ng tatlong oras. Bukod sa pabati at pag-grant ng song requests, nagbibigay din siya ng advice sa programa niya. Bawat listener niya ay may iba't ibang kuwento at problemang idinudulog. Malaking tulong ang pagiging writer niya sa pagbibigay niya ng advice. Bukod kasi sa pagiging DJ sa gabi, writer naman siya sa libreng oras niya sa umaga.

Seryoso siya sa pagbibigay ng advice sa mga listener. Naniniwala kasi siya na malaki ang impact ng sinasabi niya sa buhay ng mga nakikinig sa kanyang radio program. Hindi siya katulad ng ibang DJ na ginagawang biro ang pagbibigay ng advice. As much as possible, hindi niya sinusungitan o tinatarayan ang mga tumatawag sa kanya. Boses lang ang naririnig sa kanya sa radio, pero gusto niyang maramdaman ng lahat ang kanyang sincerity sa trabaho. Mukhang effective naman ang ginagawa niya dahil patuloy ang pagtaas ng ratings ng program sa kabila ng late na ang kanyang radio program at baguhan lang siyang DJ.

Jammy cleared her throat. "Iba-iba ang stand ng tao pagdating sa fling. May iba na tanggap ang ganoon. May iba naman na hindi. Personally, I'm against it. Naniniwala kasi ako na once na niloko ka ng isang tao, there's a possibility na gawin niya uli iyon sa 'yo. Ang panloloko once na nasimulan na, it became a habit for some people. Parang pagsisinungaling, nagsimula sa maliit na 'pag nagtagal ay lumalaki nang lumalaki hanggang sa tuluyan mo nang ilubog ang sarili mo sa sarili mong kasinungalingan.

"But that scenario doesn't apply to everyone, Ate. Minsan, depende pa rin 'yan sa character ng tao. May tao na nagkamali minsan at hindi na umuulit. Mayroon namang pinangatawanan na ang pagkakamali nila. Pag-isipan mong mabuti, Ate. Mahirap ang masaktan kaya maging matalino ka sa pagpili. Hindi lahat ng nagbalik ay second chance ang dala. Minsan mas mahalagang natuto na tayo sa nakaraan at iyon ang closure natin. At the end of the day, only time can tell."

"Thank you, DJ Heart. Malaking tulong ang mga sinabi mo sa akin."

"You're welcome, Ate Mae. I hope it helps. Good luck sa 'yo. Call me again if you have some good news." Pinindot ni Jammy ang isang button sa harap niya. Nagsimula siyang makarinig ng music sa background. "This song is for you, Ate Mae. Happy listening."

Moment of honesty, Someone's gotta take the lead tonight, Whose it gonna be? I'm gonna sit right here and tell you all that comes to me. If you have something to say, you should say it right now...

Narinig ni Jammy na nag-vibrate ang cell phone niya. Napangiti siya nang makitang nag-text ang ate niya. Gabi-gabi ay nakikinig ito sa program niya. Proud na proud ito sa kanya.

The person you love the most has the capacity to make you the happiest person in the world. He may also give you the worst heartache you can never imagine. :) Iyon ang text ng kapatid sa kanya.

Nagsimula siyang mag-compose ng message para dito. Hmm... saan galing 'yon?

Hindi nagtagal, muling nag-vibrate ang cell phone niya.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now