Chapter Thirteen

3.8K 89 2
                                    

"JAMMY, we're here."

Nagising si Jammy sa marahang paghaplos sa kanyang pisngi. Inaantok na iminulat niya ang mga mata. Hindi niya napansin na nakatulog na siya. Marahang humahaplos ang mga daliri ni Joshua sa kanyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata. His eyes were warm as he stared at her. Para siyang na-trap sa isang panaginip, ayaw na niyang magising pa.

"Where are we?" she asked while she was under his spell.

"Nasa tapat ng bahay ko."

"Bakit mo ako dinala rito? Sana hinatid mo na lang ako kina Jasmine."

"May problema rin si Jasmine. I'm not comfortable bringing you there. At least dito, maaasikaso kita. Let's go."

"Shall we go? Saan?"

"Sa loob. Hindi ka magiging comfortable dito. After what happened, you need complete rest."

Parang binuhusan si Jammy ng malamig na tubig. Saka lang niya naalala ang tinakasang tagpo sa bahay niya. Ang mga sekretong nalaman niya. Nagsimula na namang bumigat ang pakiramdam niya.

"Pumasok na tayo sa loob. Please, Jammy..."

"Pero..." Huminga siya nang malalim. Masyado na siyang pagod physically and emotionally para magprotesta. Natagpuan niya ang sariling tumatango. "Okay."

Mabilis na bumaba si Joshua ng sasakyan at binuksan ang pinto sa may gawi niya. Nagulat siya nang bigla siya nitong kargahin. He smelled so good and he felt so warm. Natutunaw ang puso niya dahil dito.

"You don't have to do this."

"Gusto kong buhatin ka."

Ayaw nang makipagtalo ni Jammy. Natahimik siya habang karga nito. She could feel his hard frame against her soft body. She felt safe and secure in his arms. Pakiramdam niya lumilipad siya. Tumigil ito sa tapat ng pinto. Binaba siya nito saka nito binuksan ang bahay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong siya ng katahimikan at malamig na hangin. His house was immaculate clean. Lahat ay nasa tamang lugar. Puwedeng gamiting commercial ng Mr. Clean ang bahay nito.

"Do you live alone?" hindi niya napigilang itanong kay Joshua. Napatingin siya sa binata. He was more breathtaking underneath the bright lights.

Ngumiti ito. "Matagal ko nang nabili ang bahay na ito. Minsan ko lang puntahan. Mas madalas pa rin akong umuuwi sa bahay ng parents ko."

"Nakakahiya. Sana hindi mo na lang ako dinala rito. Puwede naman akong mag-check in muna sa hotel."

"No. Gusto ko nandito ka. You belong here."

Hindi na niya natanong si Joshua kung ano ang ibig nitong sabihin dahil naglakad ito sa kung saan. Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang binata bago ito pumasok sa isang bahagi ng bahay na ang hula niya ay kusina.

Umupo siya sa sofa habang naghihintay. Ang bahay ni Joshua ay parang ang lalaki rin. It was warm and comforting. Sumandal siya at pumikit. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit. Nagmulat siya ng mga mata nang may maramdamang humaplos sa kanyang pisngi. It was Joshua. She couldn't help but smile. Ang sarap gumising kapag ito ang unang nakikita ng mga mata niya.

"Kinakabahan ako sa ngiti mo," anito.

"May naisip lang ako."

"Ano'ng naisip mo?"

Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. "Secret."

"Hindi ka pa rin nagbabago. You blush easily, katulad din noon."

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now