Chapter Four

3.8K 78 0
                                    

"YOU ARE now dismissed!"

Nakahinga nang maluwag si Jammy pagkarinig sa mga salitang iyon. Sa wakas, natapos din ang training nila. Napatingin siya kay Joshua na nakatayo sa gitna ng trainees at officer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang backer niya ang may pinakamataas na ranggo sa mga officer. Kaya pala malakas ang loob nitong sagut-sagutin si Grace. Mas mataas pala ang posisyon nito kaysa sa babae.

Mula nang i-announce ni Joshua sa barkada ni Grace na ito ang backer niya, nabawasan ang officers na nagpahirap sa kanya. May mga nag-uutos pa rin sa kanya pero madali na, hindi katulad ng ibang trainees na pinahihirapan ng ibang officers. Habang tumatagal, nare-realize ni Jammy na bahagi iyon ng training nila. Paano nga naman sila magiging effective officers sa hinaharap kung hindi nila kayang patunayan ang sarili nila? Kailangan nilang matutong sumunod sa mga superior nila. It was all part of their training.

Nagsimula na ang tag-ulan. Halos lahat ng estudyante ay nagrereklamo sa araw-araw na pag-ulan. Para kay Jammy ay blessing in disguise iyon. Laking tulong sa kanya ang tag-ulan. Sa halip na mag-training sa labas, nalipat ang training nila sa gym ng eskuwelahan. Hindi na niya iindahin ang sikat ng araw na tatama sa balat niya. Bukod sa gabi, paborito niya ang tag-ulan. Dahil wala siyang pangingilagan na araw.

"Crisostomo, ibalik mo nga ang mga librong ito sa library," utos sa kanya ni Ailyn, isa sa officers nila.

"Yes, Ma'am."

"Isama mo na rin ito." Inabot ni Jammy ang dalawang libro mula kay Kristine. Magkaklase at magkaibigan ang dalawa.

Hindi nagtagal, nagkanya-kanyang alis na ang mga officers. Ang ibang trainees na tulad niya ay nilapitan ng ibang officers at may inutos din. Hindi na niya nakita si Jasmine, may humila sigurong officer dito at inutusan ito sa kung saan.

Sinubukan ni Jammy na hanapin si Joshua ngunit hindi niya ito makita. Disappointed, naglakad siya palabas ng gym.

"Hindi ka pa uuwi?"

Natigil siya sa paglalakad at napatingin sa kanyang likuran. Animo tumalon ang puso niya pagkakita kay Joshua. Kanina ay tinatanaw lang niya ito mula sa malayo; ngayon ay nasa harap na niya. Intense emotions filled her heart.

"Bakit ang dami mong dalang libro?" nagtatakang tanong ni Joshua habang nakatingin sa hawak niya.

"Ipinapasauli sa akin sa library."

Napailing ito. "Pati ba naman 'yan kailangan pang iutos sa trainee?"

"Okay lang 'yon. Hindi naman ito mahirap."

"As much as possible, hindi ako nag-uutos sa trainee lalo na kapag kaya ko namang gawin. Hindi ako naging officer para lang mag-utos. I just like the responsibility na kakabit ng pagiging officer."

Napangiti si Jammy. Napakabait talaga ni Joshua. She felt a strong surge of admiration for this man. Warm emotions were filling her heart.

"Samahan na kita," anito.

"Naku huwag na! Nakakahiya sa'yo. Kaya ko na 'to," naiiling niyang sagot. Wala pa siyang nakitang officer na sinasamahan at tinutulungan ang isang trainee.

"It's okay. Pupunta rin ako sa library. Magsabay na tayo."

"Okay."

"Ako na ang magdadala ng mga 'yan."

Bago pa makapagprotesta si Jammy, nakuha na ni Joshua ang mga libro sa kamay niya. "Salamat."

Natigil sila sa paglalakad nang makalabas ng gym. Umuulan pa rin pala. "Ang lakas ng ulan," aniya.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن