Chapter Eleven

3.9K 77 0
                                    


"MAGKUWENTO ka na, Jammy! I need details!"

Napailing si Jammy sa pangungulit sa kanya ni Jasmine. Kagabi pa nangungulit sa kanya ang kaibigan. Gusto nitong magkuwento siya kung ano ang nangyari sa kanila ni Joshua.

"Bakit ka pa magpapakuwento? Ang sabi mo nga, nakinig ka muna bago mo ipinaalam sa amin ang pagdating mo."

Jasmine rolled her eyes. "I heard everything. Pero hindi mo sinabi sa akin kung ano ang naramdaman mo noong umupo ka sa lap ni Joshua. Masarap ba? May naramdaman ka bang kakaiba?"

Bigla niyang naalala ang isang insidente kagabi kung saan nasangga niya ang 'kinabukasan' ni Joshua. Nahawakan niya ang pisngi na nagsimulang mag-init.

"Uy, bakit ka namumula? Ano 'yan, ha?"

"Wala 'to. Ituloy mo na lang ang pag-eempake ng gamit mo. Malapit na tayong umalis pero hindi ka pa rin nakakapagligpit ng gamit mo."

"I can always buy."

"Oo na, ikaw na ang mayaman," natatawang sabi ni Jammy. "Jas, saan ka pala galing kagabi? Nakita kitang lumabas ng kuwarto, ang tagal mong nakabalik. Almost two hours ka yatang nasa labas."

Nalungkot ang mukha nito. "Kausap ko si Jake. Masarap palang kausap ang doktor na 'yon."

"Jake? 'Yong isa sa kaibigang doktor ni Doc Iann? Pero parang ang tahimik niya at medyo suplado."

"On the contrary, mabait siya at masarap kausap. He's a good listener, too, at magaling din siyang mag-advice."

"So siya na ang crush mo? Hindi na si DJ Cook?"

Lalong nalungkot ang mukha nito. "Hindi ko crush si DJ Cook. He's my soul mate ko. Kaya lang..."

"Kaya lang?"

"Si DJ Cook mas complicated pa siya sa salitang 'complicated.' I don't get him..." Natigil si Jasmine sa pagsasalita nang may nakakuha ng atensyon nito. "Wala ka bang naririnig, Jammy? Parang may maingay sa harap ng cottage natin." Tumayo ito at binuksan ang pinto. Tuluyan na nitong iniwan ang ginagawa at lumabas ng kuwarto nila.

"Uy, Jasmine, 'yong gamit mo tapusin mo nang iempake. Baka maiwan ka."

"Jammy! Halika dali! May nanghaharana sa atin! Ay, sa 'yo lang pala!"

"Nanghaharana?"

Tumayo si Jammy at sumunod sa kaibigan palabas ng kuwarto. Nagulat siya nang makita ang mga kaibigan at si Joshua na nakaupo sa harap ng kuwarto nila. Si Joshua ay may hawak na gitara at nakangiting kumakanta. Ang mga katabi nito ay nakangiting pinapanood ito habang kumakanta. Agad na napatingin sa kanya si Joshua paglabas niya ng kuwarto.

"Cause all of me loves all of you. Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections. Give your all to me, I'll give my all to you. You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning. 'Cause I give you all of me and you give me all of you..."

"Ang haba ng hair mo, girl. Ingat ka baka matapakan ko," pabirong bulong sa kanya ni Jasmine.

"Stop it, Jas. I'm sure nagkakatuwaan lang sila."

Umismid ito. "Alam mo, girl, minsan may pagkamanhid ka rin,'no? Pakinggan mong mabuti ang lyrics ng kanta. Sa tingin mo, ganyan ang kakantahin ni Joshua kung nagkakatuwaan lang sila?"

How many times do I have to tell you? Even when you're crying you're beautiful, too. The world is beating you down, I'm around through every mood. You're my downfall, you're my muse. My worst distraction, my rhythm and blues. I can't stop singing, it's ringing in my head for you...

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن