Chapter Fifteen

3.9K 78 7
                                    

MAAGANG umuwi si Joshua mula sa trabaho. Bitbit ang isang pumpon ng white roses at favorite chocolate ni Jammy, excited siyang bumaba ng sasakyan. Halos liparin niya ang papasok sa bahay. Nagtaka siya nang mapansing tahimik ang bahay pagpasok niya.

"Jammy?"

Mula sa kusina, lumabas ang kasambahay niya. "Sir, nakauwi na po pala kayo. Gusto n'yo pong kumain na?"

"Si Jammy? Nasaan siya?"

"Umalis na po, Sir. Sinundo siya kanina ng mama at lolo niya."

Napatayo siya nang tuwid. "Anong oras siya umalis? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?"

Nagkamot ito ng ulo. "Hindi ko po alam, Sir. Basta ang sabi niya po sa akin uuwi na raw siya. May iniwan daw po siyang sulat sa kuwarto ninyo."

Tinakbo niya ang kanyang kuwarto. Sa gitna ng kama ay may nakita siyang stuffed toy. Hindi iyon kanya. Marahil galing kay Jammy. Sa ilalim ng stuffed toy ay may sulat. Umupo siya sa kama at binasa ang sulat na naka-address sa kanya.

Josh,

Sorry but I need to leave. Promise babawi ako sa 'yo. Tungkol doon sa pinag-usapan natin kagabi, let's talk one of these days.

Salamat sa lahat.

Love,

Jammy

Disappointed na tumingin si Joshua sa hawak na bulaklak at chocolates. Para saan pa ang mga iyon? Umalis na ang taong pagbibigyan niya.


------------------------------------------------------------


"WHAT'S wrong with you, pare? Nahihilo na ako sa kakaikot mo sa opisina ko."

Huminga nang malalim si Joshua at pabagsak na umupo sa visitor's chair. He spent almost thirty minutes pacing in Ryan's office and running his fingers through his hair. Hindi na siya magtataka na hindi na pantay ang carpet sa opisina ng kaibigan sa kakalakad niya.

"May problema ba? Do you want to talk about it?" Si Ryan uli. Tuluyan na nitong iniwan ang ginagawa at tumingin sa kanya.

He took a deep breath. "I'm in love, Ry."

"Matagal ka nang in love. Wala nang bago do'n."

Matagal na silang magkaibigan ni Ryan. Halos kapatid na ang turing dito ni Joshua. Bukod sa kanila, magkaibigan rin ang pamilya nila. Muntik na niya itong maging brother-in-law kung hindi nakilala ng kapatid niya ang fiancé na doktor.

"Let me guess. Si Jammy na naman ang problema mo?"

"You play chess, right?" Tumango ito. "Alam mo 'yong pakiramdam na inilabas mo na lahat ng alas mo, but right in the middle of the game you feel lost. You don't know how to move forward. Malapit ka na sa dead end but you're not willing to give up just yet. The game is eating you you don't know what to do next."

"Ano'ng kinalaman ng chess sa problema mo?"

"Katulad ng chess, inilabas ko na ang lahat, Ry. Sinabi ko na lahat ng dapat sabihin. Ginawa ko na lahat ng kaya kong gawin. Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang status ko kay Jammy. May pag-asa ba ako? Does she even like me?"

Three days ago, dinala ni Joshua si Jammy sa bahay niya pagkatapos ng nangyari sa bahay nito. Napilitan siyang iwan ito kinabukasan dahil nagkaroon ng emergency sa opisina niya. Nagulat siya nang sulat na lang mula rito ang datnan niya kinagabihan. Natutuwa siyang malaman na nagkaayos na ito at ang mga magulang nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na si Sir Tolentino ang tunay na ama ni Jammy. Kaya pala ganoon na lang ang concern ni Sir Tolentino sa dalaga. Mag-ama pala ang dalawa.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon