Chapter Sixteen

6.6K 163 15
                                    

"WALA BA talagang sinabi sa 'yo si Sir Tolentino kung bakit niya tayo pinapapunta?" usisa ni Joshua kay Ryan.

"Ang sabi lang ni Sir, gusto niya tayong kuning judge. Doon niya siguro ipapaliwanag pagdating natin."

Humugot nang malalim na hininga si Joshua. "Bakit hindi ako ang tinawagan niya?"

"I don't know. Siguro nabanggit sa kanya ni Jammy na nasa Singapore ka."

Kinakabahang tumingin sa labas ng bintana si Joshua. Masakit pa ang ulo niya dahil sa jetlag. Kararating lang niya mula sa limang araw na pananatili sa Singapore. Ang unang tatlong araw niya ay nasa hotel siya para sa isang business conference. Ang natitirang dalawang araw ay itinuon niya sa pag-aasikaso ng tie-up ng drugstore nila sa isang kilalang pharmaceutical company sa Singapore. Ang kompanya nila ang napili ng pharmaceutical company na maging sole distributor ng bagong gamot ng mga ito sa Pilipinas. Siguradong matutuwa ang kanyang kapatid sa hatid niyang magandang balita. Pero bago makipagkita sa kapatid, kailangan muna niyang makipagkita kay Jammy.

May napansin si Joshua sa dinadaanan nila ni Ryan. Napatingin siya sa kaibigan na siyang sumundo sa kanya sa airport. Gusto niyang sorpresahin si Jammy kaya hindi muna niya sinabi sa dalaga na ngayon ang balik niya.

"Where are we going, Ry? Hindi ito ang papunta sa bahay ni Jammy," puna niya.

"You're not listening. Kanina ko pa sinabi na deretso tayo sa Pampanga. Male-late tayo sa event ni Sir Tolentino kung dadaan pa tayo sa bahay ni Jammy," paliwanag nito.

"What?! Ry naman! Bakit hindi mo agad sinabi? I really missed Jammy. Sandali lang tayo, sisilipin ko lang siya."

"Gusto mong ma-bad shot sa tatay ni Jammy? 'Yon ang mangyayari kapag na-late tayo. Bumawi ka na lang mamaya."

Huminga si Joshua nang malalim. May magagawa pa ba siya? Nasa highway na sila papunta sa Pampanga. Nilabas niya ang cell phone at sinubukang tawagan si Jammy. Weird, hindi nito sinasagot ang tawag niya.

"She's not answering my call."

"Baka busy lang."

Ilang beses pa niyang tinawagan si Jammy ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Bago umalis papuntang Singapore, ilang beses niyang sinamahan si Jammy sa clinic ni Doc Iann. Noong nasa Baguio sila, nabanggit na sa kanya ng doktor ang tungkol sa phototherapy na kilala rin sa tawag na light therapy. Phototherapy is a medical treatment in which the skin is carefully exposed to ultraviolet light. This would help the skin become used to or sensitized to the sun. Sa kaso ni Jammy, the treatment would help her skin become more resistant to polymorphic light eruption or skin rashes when she went into the sun.

Maganda ang response ng balat ni Jammy sa therapy. Unlike before, hindi na ganoon ka-sensitive ang balat nito sa sunlight. Ang sabi nga ni Doc Iann, ituloy lang daw ang therapy hanggang sa tuluyan nang mag-improve ang condition ng skin nito. Mahal niya ang bahaging iyon ni Jammy, pero masaya siya sa unti-unting pag-improve ng allergy nito.

Makalipas ang ilang oras ay narating nila ang St. Agustin School. Excited na bumaba ng sasakyan si Joshua. Ilang taon din siyang hindi nakabalik sa lugar na iyon.

"Bakit parang maingay yata sa loob?" pansin niya.

Nakababa na rin si Ryan at sinisigurong naka-lock ang kotse nito. "I heard high school week ngayon. Let's go."

Nagulat si Joshua nang sa pagpasok sa gate ay may kung anong malamig na bagay ang dumantay sa kamay niya. "Posas? Bakit ako may ganito?"

"Sorry, Sir, napag-utusan lang," sagot ng isa sa dalawang lalaking COCC na hindi niya napansin na nakalapit sa kanya.

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now