Chapter Ten

3.8K 84 3
                                    

"NANDITO ka lang pala."

Napatingin si Jammy sa lalaking bagong dating. Hayun na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. Wala siyang sakit sa puso, pero kung palagi niyang nakikita si Joshua, baka ma-develop ang sakit na iyon sa kanyang puso.

Kanina habang magkasama sila sa outreach, muli niyang nakita ang Joshua na nakilala niya noon. Napakabait nito sa lahat ng taong nakilala at nakasalamuha. Kahit ang sariling pagkain ay ibinigay nito sa mag-inang lumapit dito. Hindi na siya magtataka kung walang laman ang wallet ni Joshua. Nahuli niya ito kaninang patagong kumukuha ng pera sa wallet at iniabot sa isang maysakit na bata.

"What are you doing here? Paano mo ako nahanap?"

"Sinundan ko ang amoy mo," pabirong sagot nito.

"Ha-ha. Very funny."

Tumabi si Joshua sa inuupuan niya. Isa iyong cottage na nakatayo malapit sa entrance ng resort. Ramdam na ramdam ni Jammy ang binata sa tabi niya. Para siyang niyakap ng presensiya nito.

"What do you want, Joshua? Sabihin mo na para makapagpahinga na tayo. I'm sure pagod ka na rin," aniya sa mahinang tinig. Pagod na siya, wala na siyang lakas para magtampo o mainis. It was getting harder and harder to resist him everyday.

"May nagawa ba ako noon, Jammy? Plano mo bang iwasan ako habang-buhay?"

"I have nothing to say."

Huminga nang malalim si Jammy. Ang akala niya ay okay na siya. Ang akala niya ay wala na siyang nararamdaman para kay Joshua. Ang akala niya ay naiwan na niya ang lahat ng damdamin niya sa nakaraan. Tumawa siya nang mapait sa sarili. Now she realized she had never really managed to move on. She had never really managed to run away. Naroon pa rin pala siya sa nakaraan. Naiwan pala niya ang puso kay Joshua.

"Don't you think you're being childish?" tanong nito.

"Childish? You think I'm childish?" Nasaktan siya. Tumayo siya bago pa niya ito maihagis sa kabilang bundok. "Papasok na ako..." Hinuli nito ang kanyang kamay at hinila siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang sa halip na sa upuan, sa kandungan ni Joshua siya napaupo. "Let me go, Joshua! Baka may makakita sa atin!"

"Matagal ko nang dapat ginawa ito. Hindi tayo makakapag-usap nang maayos kung palagi kang nakakatakas sa akin."

Lalong nanlaki ang mata ni Jammy nang ipalibot ni Joshua ang mga kamay sa katawan niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkakakulong sa mainit at matigas nitong katawan. Naging sunod-sunod ang paglunok niya. She could feel him everywhere-his hot breath on her forehead, his hard body pressed against her, his arms around her waist. His scent hugged her, trapping her in his arms. The feel of him surrounding her made her heart panic.

"Stop running away from me, Jammy. I can't stand it. I can't take it anymore. You've cut me off eight years ago. I won't tolerate this anymore. Hindi kita pakakawalan hangga't hindi tayo nag-uusap."

"Let me go, Joshua! Baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin..." Natigil siya sa pagsasalita nang sa paggalaw-galaw ay may kung anong matigas na bagay na nabunggo ang puwitan niya. Hindi siya ganoon kainosente para hindi malaman kung ano iyon.

Lahat yata ng dugo ni Jammy ay umakyat sa kanyang ulo. She suddenly felt dizzy and hot. Hindi niya magawang gumalaw. Para siyang kinagat ng ahas sa kandungan ni Joshua.

"Careful, sweetheart. Nakasalalay sa'yo ang 'kinabukasan' ko."

Tumingin siya kay Joshua. He gave her a heartwarming smile. Huminga siya nang malalim. Pilit niyang kinalimutan ang 'kinabukasan' ni Joshua at ibinalik ang atensyon sa pinag-uusapan nila. Ang tagal niyang pilit kinalimutan ang nangyari noon. Ang tagal niyang itinago sa kanyang puso ang lahat ng narinig na sinabi nito noon. Panahon na ba para aminin niya ang kanyang narinig at dahilan ng pagsama ng loob?

Love On Air 2: Araw Gabi (Completed: Published by PHR, 2015)Where stories live. Discover now