Chapter 8

15.5K 555 45
                                    

MATAPUS maghapunan nila Vixen sa bahay ng pinsan niya ay agad din siyang bumalik sa bahay ni Jeb. Sa pagkakataong bubuksan na niya ang pinto ay may biglang tumikim sa likod niyang siyang kinalingon niya.

"Yes?"

Mataray niya itong hinarap.

"Who are you?" Mataray namang tanong ng kaharap niya. "I'm Vixen. And you are?" Taas kilay nitong sagot.

"Tina," maarti nitong sagot. "Where is Jeb?" Maya ay tanong nito matapus nitong suriin mula ulo hanggang paa si Vixen.

"Wala siya dito." Anito kay Tina na tila hindi naniniwala sa naging sagot niya. "Tsk! Don't lie with me, dahil alam kung nandyan siya sa loob," saad nito sabay paikot nito ng mga mata. "Umalis ka nga dyan." sabay tabig niya kay Vixen." Napanganga naman si Vixen sa inasta ng babae na tila pag-aari nito ang bahay at tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng kabahayan. Kaya napasunod naman dito si Vixen.

"Jeb, where are you honey?" Malanding tawag ng babae kay Jeb. Ngunit walang Jeb na sumagot sa kanya. "Nasaan si Jeb?" Mataray nitong tanong kay Vixen ng balingan niya ito.

Nagkibit balikat naman si Vixen bilang sagot habang nakahalukipkip ito. "Alam kung alam mo kung nasaan siya, kaya sabihin muna sa akin." Anitong tinaasan lang niya ng kilay.

'At bakit ko naman sasabihin sayong higad ka kung nasaan siya'. Gusto sana niya ditong sabihin. "Hindi ko nga alam kung nasaan siya. Ang alam ko lang meron siya dinner with his parents." Malumanay niyang sagot.

Tila naiinis naman itong tumalikod sa kanya. Ng ihakbang nito ang mga paa para lumabas ay siya namang pagdating ni Jeb.

"Jeb. Honey. Mabuti naman at nandito kana, saan ka ba galing? I miss you." Ani Tina sabay pulupot nito ng mga kamay sa binatang napakunot ang noo.

Napailing naman si Vixen na tinalikuran ang dalawa.

"Wait. Who are you?" Naguguluhang tanong ni Jeb kay Tina na biglang bumagsak ang balikat ng itulak niya ito bahagya. "Honey. Nakalimutan muna ba, diba dinala mo nga ako dito. And we fck here." Walang prenong sagot ni Tina sa kanya na siya namang kamuntikang ikadapa ni Vixen habang paakyat sa hagdan dahil sa narinig.

"I'm sorry. Pero hindi kita matandaan. " Anitong kinadismaya ni Tina. "At paano ka nakapasok dito? I mean sa loob ng subdivision?" Nagtataka nitong tanong dito. Hindi kasi basta-basta nakakapasok ang kung sino-sino lang sa loob ng subdivision.

"Pinapasok ako nila Austin." Malungkot nitong sagot. "That moron." Naisatinig nito sa isip. "Humanda ang gago na yun sa akin." Mahina nitong aniya sabay tingin sa gawi ni Vixen na mukhang hindi makapaniwala sa tinuran ni Tina na narinig niya. Maya't maya ay naiiling itong tumalikod at tuluyang iniwan sina Jeb at ang nagpakilala sa kanyang si Tina.

"Jeb. I really miss you. Hindi mo ba ako namiss?" Malambing niyang aniya kay Jeb sabay yapus niya sa binata. Ngunit muli din binaklas ni Jeb ang kamay ni Tina na nakayapus sa kanya.

"I'm sorry. Dahil hindi kita kilala at hindi ko rin matandaan na dinala kita dito." Saad nito kay Tina sabay kuha niya ng tawagan.

"Hello. Pumunta kayo dito sa bahay." Anito ng meron sumagot sa kabilang linya na agad din niyang pinatay ang tawagan.

Minuto ang lumipas ay agad na dumating ang tinawagan niya. "Sir?" Anang mga ito kay Jeb.

"Get her out here." Tangi nitong aniya bago tumalikod. "Yes, sir." Pagtalima ng mga ito.

"Hoy. Jeb, hindi mo pweding gawin ito sa akin." Biglang pagpupumiglas ni Tina ng hawakan ng dalawang guards ang mga kamay niya. Tila wala namang narinig si Jeb na tumatawag sa kanya. Tuloy-tuloy na umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay niya kung saan ang silid niya. Wala siyang pakialam kung sino man ang babaeng nakaharap niya. Kung totoo man ang sinasabi nitong meron nangyari sa kanila ay wala din siyang pakialam dun dahil hindi naman niya pinilit ito.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon