Chapter 19

13.9K 462 31
                                    

HINDI alam ni Vixen kung papaano napapayag ni Jeb ang kanyang ama. Ang alam kasi niya mahirap suyuin ito pagdating sa kanya. Marami nga siyang manliligaw noon na anak mayayaman naman pero hindi pumasa sa kanyang ama. Pero pagdating kay Jeb ay parang sa isang pitik lang nito ay pumayag agad ang ama niyang maging nobyo niya ito.

"Yung totoo, paano mo napapayag si Dad na maging girlfriend mo ako?" Tanong ni Vixen kay Jeb habang nakaupo sila malapit sa swimming pool sa likod ng bahay. Matapus kasi magpaalam ng parents ni Vixen ay doon agad sila pumunta ni Jeb. Two nights and one day lang kasi ang inilagi ng mga ito doon at bumalik rin sila agad ng probinsya.

"It's a secret baby. Usapang lalaki sa lalaki iyon." Nakangiti nitong aniya na kinasimangot ng dalaga. "Baby, magtiwala ka lang sa akin. Gagawin ko ang lahat makasama ka lang at maprotektahan." Dagdag pa nito. Kaya agad na lumambot ang puso ng dalaga sa narinig.

"Tse! Pasalamat ka at mahal kita." Anitong kinangiti ng binata kaya mabilis siya nitong hinalikan sa labi. "At napapansin ko, wala kana atang kasawa-sawang halikan ako sa labi." Saad pa nito sa binata na ngumisi lang.

"Nakakabaliw kasi ang mga labi mo. Kaya don't blame me kung araw-araw o oras-oras ay hinahalikan kita." Saad nitong kinailing ni Vixen.

"Kanino palang bahay yan?" Maya ay tanong niya kay Jeb sabay turo niya sa bahay na katabi lang ng bahay ni Jeb. "Um. Yan, kay Andrie Dela Rosa. Isa sa mga kaibigan namin." Sagot naman nito.

"Siya ba yung Filipino bachelor's na tinaguriang billionaire?" Paniniguro niya kay Jeb. Dahil kung hindi siya nagkakamali ay nakita na niya ito noon sa front page ng isang magazine.

"Yeah! Siya nga yun." Napatango naman siya. "Pero mas gwapo ako dun." Dagdag nitong kinatawa ni Vixen.

"Alam ko. Kaya nga ikaw ang mahal ko." Anito sabay paikot niya ng mga mata. Kaya mabilis itong kinabig ni Jeb at mahigpit na niyakap. "I love you, baby."

"I love you, too. Kaya wag kang magseselos sa kung sino-sinong lalaki dyan. Kasi ikaw lang ang mahal ko at gwapo sa piningin ko." Anito at sunod-sunod namang tumango ang binata. Kaya gumanti rin ng yakap ang dalaga sa binata. Ilang minuto rin na nakayakap si Vixen sa binata habang nakahilig ang ulo niya sa balikat nito ng tumunog ang tawagan ni Jeb. Kaya bahagya siyang lumayo sa binata. Agad naman tiningnan ni Jeb kung sino ang tumatawag. At ng makita niya ang nakaregester na pangalan sa tawagan niya ay agad niya itong sinagot.

"Hey! Bro."

"Hernandez, handa kana ba?" Tanong sa kanya nito. "I'm always ready, bro." Sagot nito.

"Good. Pumunta kana lang dito sa opisina at ng matapus na natin ang kasong hawak mo." Saad sa kanya ng kausap. "Copy that bro." Pagtalima niya bago siya pinatayan ng kausap ng tawagan. Kaya muli niyang ibinalik sa bulsa ng suot niyang jeans ang tawagan.

"Baby, kailangan kung pumunta sa opisina ni Murillo. Meron lang kaming pag-uusapan." Paalam niya sa dalaga. "Okay. Pero, mag-iingat ka." Anito sabay haplos niya sa mukha ni Jeb.

"I will, baby," nakangiti nitong sagot sabay halik niya sa labi ng dalaga na agad naman siyang sinagot. "Stay here okay. Babalik rin agad ako kapag natapus kami sa trabahong gagawin namin. At kapag nagutom ka, magpahanda ka sa kanila ng makakain mo ha. I love you." Habilin nito sa dalaga.

"Oo, don't worry about me. I'll be fine. I love you too. Hihintayin kita dito." Anito bago siya yumakap sa binata. Gumanti rin naman ito ng yakap sa kanya.

Matapus magpaalam ni Jeb sa nobya ay agad itong tumayo at umakyat sa silid nila ng dalaga. Agad siyang nagbihis bago niya isinukbit sa tagiliran niya ng baril at mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse kasama ang tawagan niya bago siya lumabas ng silid.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now