Chapter 29

13.8K 462 28
                                    

AFTER the preparation of Jeb and Vixen wedding ay agad nilang itinakda ang exact date ng kasal nila. Kaya ng sumapit ang araw na pinakahihintay nila ay halos hindi mapakali si Jeb.

"Ngayon, ramdam muna ang naramdaman namin noon?" Nakangising tanong ni Axel sa kanya. "Wag ka lang maihi sa pantalon mo Hernandez ha. Nakakahiya sa mga bisita." Sabat naman ni X.

"Sabihin mo lang kung naiihi ka Hernandez. Maraming mga tanim sa paligid oh! nandito naman kaming magtatakip sayo." Nakangisi ring ani Rain.

Napailing na lang si Jeb sa kabaliwan ng mga kaibigan niya. Kung noon ay siya ang nang-aasar sa mga ito ngayon siya naman ang binubuksa nila.

"Tigilan niyo sa kakaasar yan, baka siya ang biglang manganak kesa kay Vixen." Sabat naman ni Mark na natatawa sa kanya.

"Tangna niyo talaga. Kaibigan ko ba kayo?" Masama ang tingin niyang tanong sa mga itong nagsitawanan lang. "Kaya nga kami nandito para i-full support ka. What friends for kung hindi niya sasamahan ang kaibigan niyang nanginginig ang tuhod dahil ikakasal na." Si Tyrone na gustong kutusan ni Jeb.

"Hindi takot kumalabit ng gatilyo sa mga halang ang bituka. Pero bakit ngayon nanginginig ang tuhod niya?" Ang natatawa namang tanong ni JB.

Kung hindi lang siguro niya mga kaibigan ang mga ito ay baka inisa-isa na niyang pagsisipain ang mga ito. Dahil hindi naman nakatulong ang mga ito kundi mas dinadagdagan lang nila ang kaba niya.

Nakatayo sina Jeb sa ginawang wedding venue ng kasal nila ni Vixen sa hacienda ng mga Cataluna. Isang ranch wedding kasi ang theme ng kasal nila. Ang buong paligid ng pagdadausan ng kasal nila ay napapalamutian ng kulay maroon at gray.

At ang lahat ng groomsmen ni Jeb at siya ay nakasuot sila ng full gray american suite. At ang mga necktie naman nila ay kulay maroon. Samantala ang mga bridesmaids ay naka maroon gown naman silang lahat.

"The bride is coming." Imporma sa kanila ng wedding organizer. Kaya lahat naman sila ay umayos ng tayo.

When the wedding march play ay halos pagpawisan ang mga kamay ni Jeb. Excited ito na ewan. Excited siyang makita ang nobya after three days na hindi niya ito nakita. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niyang mawalay sa tabi ni Vixen. Pero, dahil sa pamahiin kunong hindi dapat magkita ang ikakasal bago ang kasal nila ay nahiwalay sa kanya si Vixen.

Halos mapraning si Jeb sa kakaisip kay Vixen habang nasa bahay ito ng magulang niya. Siya naman ay nagstay sa bahay niya na soon ay magiging bahay na nila ni Vixen habang hinihintay niyang sumapit ang araw ng kasal nila. Kaya ng sumapit ang date ng pinakahihintay nilang araw ay halos lumipad siya papunta sa tahanan ng mga Cataluna. Dahil kahit tatlong araw lang na hindi niya nakatabing natutulog ang nobya ay subrang pangungulila na niya dito.

"Oh! Umayos ka na bro, dahil nandyan na si Vixen." Pabulong na ani Wesley. Ito ang tumayong best man niya. Dahil hindi ito pumayag na hindi siya ang maging best man ni Jeb.

"Alam ko. At bakit ka ba nandito?" Nakasimangot niya ditong tanong. Mahina naman itong natawa sa kanya. "Hindi pa tayo tapus, gago." Muli ay anito kay Wesley.

Hindi pa kasi niya nakakalimutan ang ginawang kabaliwan ng mga kaibigan niya. At si Wesley ang may pakana ng lahat.

"Chillax bro, kasal mo ngayon." Si Wesley na nagpipigil na wag mapahagalpak ng tawa. "Don't talk ta me." Nakasimangot niyang aniya kay Wesley.

"I can't do that, bro. Dahil ako lang naman ang gwapo mong best man dito." Sagot nitong natatawa.

"Ehmm! Do I look beautiful, Hernandez?" Si Simon na biglang sumingit sa usapan ng dalawa na muntik na nilang ikahagalpak ng tawa. "Why? Do I look ugly?" May hinampo pa nitong tanong na agad binatukan ni Chase.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now