Chapter 14

13.8K 531 31
                                    

NANG marating ni Jeb ang kotse niya ay agad siyang pumasok dito at mabilis niya itong inistart. Bago niya ito pinausad ay binasa muna niya ang address kung saan siya dapat pupunta.

"Tangna niyo." Anito at agad niyang pinausad ang sasakyan. Mabilis siyang lumabas ng subdivision nila na hindi nalalaman ng mga kaibigan ang gagawin niya. Alam niyang may kanya-kanya rin ang mga itong kinakaharap na problema kaya ayaw na niyang dumagdag pa sa kanila. Kaya pa naman niya ang problemang kinakaharap kaya hindi muna niya kailangan ang tulong nila sa ngayon.

Halos mahigit isang oras din ang naging byahe ni Jeb bago niya narating lugar na sinasabi ng tumawag sa kanya kanina. Kaya agad niyang ipinark ang sasakyan sa matagong lugar ng hindi ito makita.

Bago siya lumabas ng sasakyan niya ay isinuot muna niya ang baseball cap niya. Matapus niya itong maisuot sa ulo ay maingat niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Ng makalabas siya ng sasakyan ay dahan-dahan naman niya itong isinara ng hindi lumilikha ng ano mang ingay. Ng maisara niya ang pinto ng sasakyan niya ay mabilis niyang binunot ang dalang revolver sa tagiliran niya at ikinasa agad ito.

Agad na naglakad si Jeb na panay tingin niya sa paligid. At ng marating niya ng abandunadong gusali ay mabilis siyang nagkubili ng makita niya ang isang lalaki na nagbabantay sa bungad nito. Ng makita niyang tumalikod ang lalaki ay mabilis siyang lumapit dito ng walang kaingay-ingay. Mabilis niyang pinalo sa ulo ang lalaki gamit ang hawak niyang baril. Kaya agad nawalan ng upirat ang lalaki. Agad niyang hinila ang lalaking walang malay tao at ikinubli niya ito sa madamong bahagi ng lugar. At bago niya ito iniwan ay sinugurado muna niyang mahigpit ang pagkakatali niya sa kamay at paa nit ng itali niya.

"Wag kana sana magising, gago." Mahinan niyang aniya dito bago niya ito iwan. Maingat siyang pumasok sa loob ng gusali ng pakubli-kubli sa bawat sulok nito habang nakikiramdam siya ng taong naroon.

"Pare, sa tingin mo pupunta ang boss ng lalaking yan dito?" Rinig ni Jeb na anang isang lalaki. "Hindi ko rin alam. Pero, malay mo kumagat." Sagot naman ng isa.

"Siya na siguro ang pinakatangan boss at isasakripisyo niya ang buhay niya alang-alang sa taohan lang niya." Muling anang lalaki sabay tawa nito na rinig ni Jeb.

"Tanga pala ha. Let's see kung sino ang tanga sa atin." Anito. At sa bilis ng bawat galaw niya ay tumama agad ang isa niyang paa sa mukha ng lalaking nagulat sa bigla niyang pagsulpot. "Fuck you bastards." Anito sabay sipa naman niya sa isa at ang isa ay mabilis niyang sinuntok sa mukha.

"Aaahhhhh!" Daing ng isa na tinamaan ng paa ni Jeb sa mukha. Kaya sinamantala niya agad ito at bigla niyang nilipad sabay tama ng kamay niya sa likod nito.

"Gago, barilin mo." Utos nito sa kasama niya habang pinipilit na makatayo. Bigla naman ngumisi si Jeb. At bago pa maikasa ng lalaki ang baril para barilin siya ay nauna pang pumutok ang hawak niyang baril. Kaya mabilis na nabitawan ng lalaki ang hawak niyang baril kasabay ng pulang likido sa kamay nito.

"Aaaahhhh! Tangina mo. Ang kamay ko." Sigaw ng lalaki. Tinawanan lang ito ni Jeb sabay baril niya ulit sa binti ng lalaki. At ang lalaking sinipa niya ay mabilis naman niyang ikinasa ang baril ng makatayo siy ng tuwid.

"Bang. Bang."

Alingaw-ngaw ng baril sa loob ng pasilyo kasabay nito ang pagbulagta ng katawan nang isang lalaki.

"Mga ugok." Naiiling na ani Jeb. Bago pa kasi siya mabaril ng lalaki ay mabilis niyang binaril ito sa magkabilang hita niya. Agad na sinipa ni Jeb ang baril ng dalawa palayo sa katawan nila bago niya iniwan ang mga ito.

Mabilis niyang hinakbang ang mga paa at hinanap kung nasaan ang pinagkakatiwalaan niyang tao.

"Subukan mong lumapit at ipuputok ko itong baril sa bungo niya." Biglang natigilan si Jeb sa paghakbang ng makita niya ang lalaking itinutuk niya ang baril sa ulo ng tao niya.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon