Chapter 22

13.7K 478 22
                                    

NANG tawagan ni Frank si Jeb tungkol sa kasong hinanda nila para kay Mayor Roxas ay agad siyang nagpaalam sa nobya. Dahil gusto niyang personal na marinig ang tungkol sa kakaharapin nitong kaso.

"Kumusta ang sugat mo?" Agad na tanong ni Frank sa kanya. "Nagiging mabuti na," tangi nitong sagot.

"Kamusta ang kaso ni Mayor Roxas?" Agad niyang tanong. "Don't worry. I'm sure na hindi siya makakalabas ng kulungan pagkatpus isampa sa kanya ang mga kasong hinaing sa kanya. Here. Basahin mo." Ani Frank sabay abot nito ng file kay Jeb. Agad naman itong tinanggap ni Jeb at binuksan.

"Son of a bitch," naisatinig niya habang natatawa ng mapakla. "Totoong sa kanya ito?" Paniniguro niya kay Frank.

"Yeah! That asshole own that. Kaya siguro niya gustong mahawakan ang lalawigan nila para walang makakontrol sa kanya. Kaya talamak ang bintahan ng druga doon dahil siya ang may hawak. At alam yan ni Governor Cataluna. Siguro dahil ayaw niya ng gulo kaya nanahimik na lang siya." Paliwanag ni Frank sa kanya.

"Mabuti naman kung tuluyan siyang mabulok sa kulungan at hindi na makapanggulo pa. Gusto kung matahimik si Vixen at ligtas siya palagi. Ayaw naman kasi siyang ikulong na lang palagi sa bahay." Anitong napabuntong hininga.

Napailing naman si Frank na napangiti. "Kailan mo gustong lumagay sa tahimik?" Tanong nito sa kanya.

"Kapag wala ng Mayor Roxas na manggugulo. Gusto kung hingin ang kamay niya sa parents niya sa probinsya. Pero, gusto ko mo nang matapus ang problemang ito." Sagot nitong kakakitaan mo ng saya ang mukha.

"Siya nga pala, ano ang mangyayari kay Tina. Ayaw kung manggugulo rin ang babaeng yun?" Maya ay tanong niya. "Makukulong din siya. Dahil nakipagsabwatan siya kina Roxas siya sa pagkidnap kay Ale na akala nilang si Vixen. Kaya kasuhan siya ng kidnapping. Hindi natin pweding palampasin ang ginawa niya. Dahil malamang na gagawa at gagawa ulit siya ng panibagong gulo kapag hinayaan natin siya." Sagot nitong kinatango ni Jeb.

"That's good. Sige, balitaan muna lang ulit ako sa mangyayari sa kaso. Kailangan ko nang umuwi. Nasa bahay sina Mom and Dad kasama ni Vixen." Paalam nito sabay tayo.

"Sige. Pakikumusta na lang ako kay tita at tito." Ani Frank sa kanya. Isang tango lang ang sinagot niya bago siya lumabas sa opisina ni Frank.

Agad siyang pumasok sa loob ng elevator ng marating niya ito. At bago ito sumara ay meron biglang humabol sa kanya para sumakay rin.

"Hey! Pauwi kana?" Tanong nito agad kay Jeb. "Oo, ikaw?" Balik tanong niya dito.

"Yeah! Kukunin ko lang ang yung mga gamit ko sa bahay. I have a new mission." Sagot naman nito. "Saan na naman?" Curious niyang tanong dito.

"Pakistan." Tangi nitong sagot. Mataman itong tiningnan ni Jeb sa mukha at wala siyang mabasa sa mukha ng kasama. Kaya nagkibit balikat na lang siya.

"Don't forget me kapag ikinasal kana, fucker." Saad nito kay Jeb ng marating nila ang parking lot. "Ikaw. Kailan ka rin mag-aasawa Laurel?" Tanong niya dito bago niya binuksan ang pinto ng kotse niya.

"I don't know. Baka wala na akong pag-asang mapabilang sa inyo. Maybe last try na lang at susuko na ako kapag wala parin nangyari." Seryuso nitong sagot. "Sige. I have to go." Paalam nito at agad sumakay sa kotse nito. Bahagya siyang binusinahan ni Spade na siyang kausap ni Jeb bago nito pinaharurot ang sasakyan palayo.

Agad rin naman pumasok sa loob ng kotse niya si Jeb at pinaharurot ito. At habang nagmamaneho siya ng sasakyan ay napapaisip siya. 'Siguro, panahon na para tumigil ako sa pagtratrabaho kay Murillo. Ang kumpanya at si Vixen muna ang pagtutuonan ko ng oras at panahon.' Anito sa isip.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now