Chapter 26

12.8K 476 20
                                    

NANG makauwi si Vixen sa bahay ay agad siyang napaupo sa couch. Tahimik lang siyang nakaupo habang nakahawak sa tiyan niya. At habang nakaupo siya ay nag-iisip siya kung papaano sasabihin kay Jeb na nagdadalang tao na siya. Pinakiusapan rin niya ang pinsang si Jasmine at si Sam na wag muna nila ipagsasabi na buntis siya. Dahil gusto niyang si Jeb ang unang makakarinig nito.

Napaangat ang mukha ni Vixen ng makarinig siya ng mga yapak mula sa labas. At doon ang mukha agad ng nobyo ang nakita niyang papasok.

Bigla naman naglaway ang bagang ni Vixen ng makita niya ang bitbit ni Jeb na plastic bag. "Hey! Baby. Here is your mango float." Anito sabay lapag ng dala sa center table.

Mabilis naman itong binuksan ni Vixen at kumuha ng isa. Itinusok niya ang straw sa plastic cup na pinaglagyan ng mango float bago siya sumipsip dito. Naipikit niya bahagya ang mga mata habang ninanamnam niya lasa ng mango float.

"Mmmm. Thank you, hubby. I love you. Mwaaahhh!" Anito at muling sumipsip sa basong hawak niya. Napangiti naman si Jeb na nakamata sa nobya.

"I love it." Saad nito at muling kinuha ang isa pang baso ng mango float matapus niyang maubos ang una niyang binuksan. Tahimik lang naman na nakamata si Jeb sa dalaga sabay sandal niya ng likod sa couch. "Are you okay, may sakit ka ba?" May pag-aalala namang tanong sa kanya ni Vixen.

"I'm fine baby." Sagot nito agad. "Don't lie. I know your tired," ani Vixen na agad tumabi kay Jeb.

"Magpahinga ka naman. Puro kana lang trabaho. I know na hindi lang tungkol kay Mayor Roxas ang tinrabaho mo this past few months. Paano mo pinagsasabay ang mga yun?" Naiiling nitong aniya.

Alam kasi niyang tinutulungan din ni Jeb ang iba niyang mga kaibigan sa problema ng mga ito. Kaya nga nagtataka si Vixen kung paano nagagawang pagsabayin ni Jeb ang trabaho niya.

"Ayos lang ako. At wag kang mag-alala dahil kapag kasal na tayo ay magpapabinga narin ako sa trabaho ko kay Murillo. Ang kumpanya na lang ang pagtutuunan ko ng pansin." Sagot nitong bahagyang hinalikan sa labi si Vixen.

"Sinabi mo yan ha." Ani Vixen na bahagyang tinuro ang mukha ni Jeb. Kaya natawa naman ito. "Baby, baka sumakit ang tiyan mo. Pangatlong mango float muna yan." May pag-aalang ani Jeb sa nobya ng buksan na naman nito ang isang plastic cup ng mango float.

Sumimangot naman ito kaya napailing na lang na hinayaan ito ni Jeb. At habang nakaupo si Jeb na nakamata sa nobya ay bigla namang tumunog ang tawagan niya. Kaya mabilis niya itong kinuha sa bulsa ng pantalon niya.

"Hey! Napatawag ka?" Bungad niya sa tumawag. "Wala naman, gusto ko lang magpaalam sayo. Uuwi muna ako sa UK." Anang nasa kabilang linya.

"Ganun ba. Kailan ka naman babalik dito sa Pinas?" Tanong niya sa kausap habang hindi inaalis ang mga mata sa nobya.

"Maybe kung marinig kung ikakasal kana. Kahit hindi mo ako padalhan ng invitation card ay pupunta parin ako para asarin ka." Ang natatawang aniya ng nasa kabilang linya. Napailing naman si Jeb sa tinuran ng kausap niya.

"Tangna mo, Wesley. Kahit kailan talaga e baliw ka. Pasalamat ka at hindi alam ng tatay mo ang ginagawa mong kabaliwan dito sa Pilipinas. Dahil kung nagkataon na malaman niya. Tiyak hindi kana niya pababalikin dito ulit." Natatawa rin niyang aniya dito.

"Hindi niya malalaman kung hindi niyo ako ibubuko sa kanya, gago. Kaya once na nalaman niya e kayo ang sisihin ko. Ipapamulto ko talaga kayo sa lahat ng patay sa panahon pa ng hapon sa Pilipinas." Saad nito. Kung nasa harapan lang siguro ito ni Jeb ay baka kanina pa niya ito nasapak.

"F*ck you, gago." Naiiling na lang nitong nasabi. Tawang tawa naman sa kanya ang kausap niya.  "Kailan nga pala ako magiging ninong sa magiging anak mo gago?" Maya ay tanong nito sa kanya.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now