Chapter 23

13K 473 20
                                    

LUMIPAS ang mga araw at ng masiguro ni Jeb na hindi na makakalabas ng kulungan si Mayor Roxas ay agad niyang inaya ang nubyang pumunta sa probinsya. Natuwa naman ang dalaga dahil makakauwi na rin siya ng probinsya. Ilang taon rin siyang nakakauwi sa kanila.

"Thank you." Nakangiting ani Vixen habang nasa daan sila ng nobyo. Binabaybay nila ang daan palabas ng Maynila.

"Your always welcome, baby." Nakangiti niyang sagot sabay abot sa kamay ni Vixen at dinala niya ito sa kanyang labi. "Namiss ko ang probinsya namin. Ang tagal ko rin hindi nakauwi doon." Anito sabay hilig sa balikat ni Jeb. Napangiti naman ang binatang nakatuon ang mga mata sa daan.

Ilang oras din ang naging byahe nila ng mapaupo ng tuwid si Vixen. Nakangiti siyang dumungaw sa bintana ng sasakyan na nakabukas.

"Wow. Finally. Nandito na tayo." Anito kay Jeb. "My God. Tingnan mo ang ilog na yan, palagi kaming pumupunta dyan noon elementary pa kami. Dyan kami madalas maligo. Tapus kapag nalaman ni Mom ay kinukurot talaga niya ako sa hita." Nakangiwi niyang pagkwekwento sa binata. Nangingiti namang nakikinig si Jeb sa nobya.

"Wait. Pwede pakitabi ang sasakyan. Gusto kung kumain ng minatamis dyan oh! Nagtitinda parin pala si aling Nora at mukhang lumaki pa ang pwesto nila." Anito. Agad naman itinabi ni Jeb ang sasakyan at napailing na lang siya ng maunang lumabas ng sasakyan si Vixen.

"Hello. Aling Nora, kamusta po kayo?" Bati niya sa may kantadaan naring ginang. Bahagya naman siyang sinuri ng ginang na tila kinikilala siya nito.

"Vixen. Ikaw na ba yan?" Anang ginang na napaawang ang mga labi. "Opo. Ako nga po. Namiss ko po kayo at ang mga luto niyo." Nakangiti niyang aniya.

"Ang tagal mo rin kasi nawala. At ngayon mo lang atah naisip umuwi dito." May tunong hinampo ng ginang. Napangiti naman si Vixen na yumakap sa ginang.

Habang nakamata sa mga ito si Jeb ay alam niyang close talaga sa ginang ang nobya sa klase ng pag-uusap ng mga ito. Ang mga taong nandoon ay mataman rin nakatingin kay Vixen lalo na ang mga kalalakihang naroon.

"Kasama mo ba yang gwapong lalaki, iha?" Maya ay tanong ni Aling Nora sa kanya. Agad naman lumingon si Vixen.

"Opo. Baby, come here. Aling Nora, ang boyfriend ko po. Si Michael Jeb Hernandez." Pakilala niya dito sa nobyo. "Kumusta po?" Magalang namang tanong ni Jeb sa ginang.

"Ayos lang iho," sagot nitong tila meron inaalala. Nababasa naman ni Jeb ang iniisip nito ngunit mas pinili niyang manahimik na lang. "Nagawi kana ba dito minsan iho. Kasi parang nakita na kita dito. Kung hindi ako nagkakamali meron kang kasama noon na hindi rin nalalayo sa edad mo?" Tanong ng ginang.

"Opo. Nung sinundan namin ang kaibigan namin dyan sa hacienda ng mga Castillo. At napadaan po kami dito." Sagot naman niya sa tanong ng ginang na napatango.

"Oh! Siya, maupo na muna kayo at pumili ng makakain niyo. At hindi lang minatamis ang seneserve namin ngayon dito iha." Ani Aling Nora. Agad naman nakita ni Vixen ibang pagkaing hinahaing nila doon. Mukhang nag-improve na nga ang kainan ni Aling Nora na noon ay maliit lang.

Agad naman silang naupo at binasa ni Vixen ang nasa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang menu. Tahimik siyang natawa habang binabasa ang mga nakasulat dito.

"Magandang araw po, meron na po ba kayong napiling kainin?" Tila kinakabahang tanong ng babaeng lumapit sa kanila. "Um. Baby, anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa binata.

"You know what I want to eat, baby." Seryuso nitong sagot na kinapula ng mukha ni Vixen. Dahil iba agad ang naisip niyang gustong kainin ni Jeb. At dahil nagiging dirty minded siya ay bahagya niyang ipinilig ang ulo.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now