Chapter 13

14.2K 530 34
                                    

MATAPUS maligo ni Jeb ay agad siyang nagsuot ng damit. Ng maisuot niya ang mga damit ay agad itong nag-isip kung papaano niya makakatabi sa pagtulog si Vixen. Ngunit halos maglilimang minuto na ang dumaan ay wala parin siyang mabuong plano. Kaya mabilis siyang napasabunot sa sariling buhok.

"Fuck."

Agad siyang lumabas ng silid niya, naisip niyang bumaba sa kusina para kumuha doon ng maiinom niya. Ng tumapat siya sa silid ni Vixen ay agad naman itong bumukas. Kaya agad siyang naapaangat ng mukha.

"Ipis."

Biglang lumabas sa bibig ni Jeb. Sa takot naman ni Vixen ay agad siyang napalundag sa binata. "Nasaan ang ipis?" Takot nitong tanong sa binata.

"Huh? I think pumasok sa loob." Anito. "What? Paano ako matutulog, I can't sleep in my room. Takot ako sa ipis." Saad nito sa binatang lihim na natawa. Dahil hindi man lang napansin ng dalaga na binaliktad lang ni Jeb sa pagbasa ang nakasulat sa damit niya.

"It's okay, doon kana lang matulog sa kwarto ko. Ipapalinis na lang natin bukas ang kwarto mo." Anito sa dalaga. Muli siyang bumalik sa kwarto niya kasama si Vixen.

Hindi alam ni Jeb kung magpapasalamat ba siya sa damit ng dala o ano. Dahil dito ay nagkaroon siya ng chance para makatabing matulog ang dalaga.

Dahil natatakot parin si Vixen na baka biglang may ipis na umakyat sa paa niya ay patakbo siyang sumampa sa kama ng binata. Natawa naman si Jeb sa inakto ng dalaga.

"Wala bang ipis dito sa kwarto mo?" Maya ay tanong ni Vixen kay Jeb. "Wala. Pero meron kakaibang ipis dito na gagapang sa buo mong katawan," gusto sana niyang sabihin sa dalaga. "I don't know?" Kibit balikat nitong sagot bago siya sumampa sa kama.

"Jeb. Paano kung may biglang ipis na pumasok dito. I'm scared." Anito sa binata na agad rin sumampa sa kama at nahiga.

"Come here," aya nito sa dalagang nakaupo sa ibabaw ng kama. Agad naman itong umusog at nahiga sa tabi ni Jeb. Kaya agad inangat ng binata ang ulo ni Vixen at pinaunan niya ito sa isa niyang braso. "Don't worry, hindi makakapasok ang ipis dito. At isa pa nandito naman ako para bantayan ang ipis na gagapang sayo." Saad niya sa dalaga.

"Thanks," anang dalaga at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Sa gulat ni Jeb ay bahagya siyang natigilan. Kaya ng mapansin ito ng dalaga ay mabilis siyang napayuko at feeling niya ay gusto niyang kutusan ang sarili sa ginawa. "I'm s-sorry." Anitong di makatingin kay Jeb.

Ng mahimasmasan naman si Jeb ay agad niyang inangat ang mukha ni Vixen at walang sere-seremonyang siniil niya ito ng halik. Hindi agad nakahuma si Vixen sa nangyari kaya bahagya siyang natigilan at ang mga mata niya ay dahan-dahan niyang kinurap. Ng maramdaman niya ang labi ni Jeb sa labi niya ay agad siyang napakapit sa balikat nito. At unti-unti niyang ibinuka ang mga labi at hinayaang makapasok ang dila ng binata sa loob ng bigbig niya.

"Hmmm!"

Habang magkahinang ang kanilang mga labi ay bahagyang napaungol ang dalaga. At ng maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa nila habol ang hangin.

"Nakakabaliw ang labi mo," maya ay ani Jeb. "I can't stop my self not to kiss you." Dagdag pa nito. Hindi naman alam ni Vixen ang isasagot kaya nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi.

"Naging boyfriend mo ba yung anak ni Roxas?" Maya ay tanong niya sa dalagang tahimik lang na nakahiga. "Huh? Si Emerson ba?" Tanong naman nito sa kanya.

"Yes."

"Bakit?"

"I'm just curious. At isa pa, mas gwapo naman ako dun." Anitong kingiti ni Vixen ng lihim. Gusto sana niyang subukan ang binata pero naisip niyang baka mainis ito at palabasin pa siya nito ng silid niya. Kaya hindi niya iyon ginawa.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now