Chapter 10

14.8K 501 50
                                    

AGAD na pinaupo ni Vixen si Jeb habang nasa loob parin sila ng conference room. Tahimik namang nakikiramdam lang sa kanila ang mga kasama nila.

"Tawagin niyo yung babaeng nagbigay ng sakit sa mga ulo niyong lahat." Utos ni Vixen sa kanila. Ng tumingin sila kay Jeb ay agad naman itong tumango. Kaya mabilis na tumalima ang isa sa kanila.

"I'm sorry kung nakikialam ako. Ayaw ko lang nakikitang ganyan ka. Mas gusto ko yung Jeb na siraulo kung makipag-usap sa akin. Hindi ang Jeb na kinakatakutan nila sa trabaho." Mahina niyang aniya kay Jeb na sapat na para marinig ng binata.

"It's okay," anito sabay hawak niya sa kamay ni Vixen ng maupo ito sa tabi niya. "Kaya hindi kita iniwan doon sa office ko, kasi ayaw kung makita mo akong ganito. Ayaw kung bigla kang matakot sa akin." Aniya.

Magsasalita pa sana si Vixen ng biglang bumukas ang pintuan. Kaya agad silang lahat napatingin doon. Agad naman tumaas ang kilay ni Vixen ng makita niya ang babaeng maarting pumasok sa loob.

"So, ikaw pala ha. Ngayon ka sa akin, malantud ka." Ani Vixen sa isip sabay tayo. "Let me handle this." Pabulong na ani Vixen sa punong tainga ni Jeb.

"Have a set, Miss Tina Morales," ani Vixen na hawak ang isang papel na agad rin niyang inilapag sa ibabaw ng mahabang mesa. "Pero, mas mabuting wag kana lang umupo. Hindi ka naman karapat dapat na maupo." Anitong kitang-kita naman ang pag-ismid ng kinakausap niya. Pero, tila wala itong pakialam sa tinuran ni Vixen dahil naupo parin ito.

"Pwede mo bang ipaliwanag kung bakit nagsinungaling ka sa kanilang lahat?" Ang tinutukoy ni Vixen ay ang mga taong naroon sa loob ng conference room.

"At sino ka naman para sagotin ko ang tanong mo. And I think you don't have a right para magtanong ng ganyan sa akin." Nakangising anito kay Vixen. Bahagya naman huminga ng malalim ang dalaga dahil kunting-kunti na lang ay masasapak na talaga niya ang babae.

"She's have a right to asked you whatever she want. Kaya sagotin mo siya ng maayos habang nasa loob ka ng kumpanyang pag-aari ko." Galit na ani Jeb. Bigla naman napalunok ang babae sa tinuran ng binata dito.

"Narinig mo yun, kaya sagotin mo ang tinanung ko sayo bago kami tumawag ng police at sila ang mag-interrogate sayo." Muling ani Vixen.

"Dahil gusto kung magtrabaho dito. Gusto kung magkaroon ng chance na makasama dito si Jeb kaya ginawa ko yun." Taas noo naman niyang sagot.

"Gusto lang bumukaka e. Kaya gustong malapit kay Jeb. Bweset." Ani Vixen sa isip. Kunti na lang ay gusto na niya itong kaladkarin palabas. Maya ay binalingan niya ang binata at tiningnan ito sa mga mata. Gusto sana niya ditong sabihin na, palayasin muna ang babaeng iyan dito. Dahil ayaw kung nakikita ang pagmumukha niya. Pero, nahihiya naman siyang sabihin ito dito. Kaya huminga na lang siya ng malalim. Wala naman kasi siyang karapatan para utusan ang binata. Hindi siya nagtratrabaho sa kumpanya nito at hindi rin naman siya girlfriend nito o ano. Kasama lang niya ito dahil kinakailangan niya ng protection.

"Your fired. My company doesn't need you here. At ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung nagsisinungaling tungkol sa isang bagay. Paano ka namin mapagkakatiwalaan kung sa unang pagkakataon pa lang ay nagsinungaling kana. Kaya, pack your things bago pa kita ipalabas sa mga security guards ng sapilitan." Seryosong ani Jeb.

"Pero, Jeb__

_all of you go back to your work now," utos niya sa mga itong agad naman tumalima. "and you, kailangan ko pa bang tawagin ang mga security guards para palabasin ka." Anito ng hindi parin umaalis sa kinauupoan niya si Tina kahit na nakaalis na ang ibang mga kasama nila maliban sa kanilang tatlo na naiwan sa loob.

"How dare you Jeb for doing this for me," galit nitong aniya sa binata. "Matapus mong magpakasasa sa katawan ko ganito lang ang isusukli mo sa akin." Puno ng panunumbat nitong aniya. Napahilamus naman ang binata. Halatang nagtitimpi lang ito dahil napupuno na siya kay Tina.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now