Chapter 21

13.6K 494 11
                                    

MATAPUS magamot ang sugat ni Jeb ay agad din silang umalis ng hospital ni Ale. Hinatid naman siya nito hanggang sa bahay niya. Kaya agad niyang binuksan ang gate ng bahay niya gamit ang remote control.

"Thanks. You can sleep here tonight. Marami namang bakanting kwarto sa bahay." Ani Jeb.

"Salamat na lang, doon ako matutulog sa bahay nila kuya X." Tanging sagot nito sabay saludo bago tumalikod.

Ng mawala sa paningin ni Jeb si Ale ay saka siya umalis sa kinatatayuan at pumasok sa loob matapus niya maisara ang malaking gate. At ng buksan niya ang malaking pinto ay agad niyang nakitang nakabukas ang TV sa malaking sala. Kaya naglakad siya ng walang ingay patungo sa sala.

"Alam kung nandyan ka." Boses na nagpatigil sa paglalakad niya. "Hey! Baby," kakamot-kamot niyang aniya. "But gising ka pa?" Tanong niya dito sabay upo sa tabi nito.

"Paakyat na sana ako e para matulog." Malamig nitong aniya. "Baby, what's wrong?" Taka niyang tanong.

"Wala naman. Teka! But di mo pinapasok yung kasama mong babae?" Tanong niya sabay tingin sa bungad ng pinto. Napangiti naman ng lihim si Jeb.

"Are you jealous baby?" Natatawa nitong tanong. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga. "Ano naman sayo." Pabalang nitong sagot.

"Nagseselos ang baby ko," natatawa nitong aniya. "Wag kana magselos. Si Ale lang naman yung kasama ko at isa siyang tomboy. Kasama ko siya sa trabaho kaya magkasama kami." Paliwanag nito. Tila hindi naman naniniwala ang dalaga sa paliwanag niya.

"Nagpanggap siyang ikaw kanina, kaya ko siya kasama. At kung hindi niya ginawa yun ay baka ikaw ang nakidnap nila Tina." Muli ay anitong ipinagtaka naman ni Vixen.

"Anong nangyari sayo?" Ang pagseselos ni Vixen ay nauwi ito sa pag-aalala ng makita niyang nangiwi si Jeb ng masagi niya ang balikat nito. "Meron akong tama sa balikat. Pero, maliit lang naman kasi daplis lang." Anito.

"Oh! My God. Bakit hindi mo agad sinabi. Pumunta ka ba sa hospital para magamot yan?" Puno ng pag-aalalang tanong niya sa binata. "Yes. Baby. And I'm fine." Anito.

"Halika at kumain ka muna ng makapagpahinga ka agad." Aya niya sa binata. Agad naman itong nagpatianod. Sa kusina agad sila pumunta at agad kinuha ni Vixen ang mga pagkaing niluto nila kanina. Agad niya itong ininit habang nakamata sa kanya ang binata.

"Tinuruan nila ako kanina kung paano magluto. At hindi naman ako nahirapan sa tinuro nila." Anito habang hinahanda niya ang makakain ng nobyo. Kahit papaano ay natatandaan na niya ang tinuro nila sa kanya kanina kaya hindi na siya nangangapa kung ano ang dapat niyang gawin.

Matapus maihaing ni Vixen ang pagkain ng binata sa harapan nito ay agad naman itong tinikman ni Jeb. "Mmmm!"

"Ano ang lasa ng pagkain?" Tanong nito. "Pwede ng mag-asawa ang nagluto nito." Anitong kinanguso ng dalaga.

"Sinong may gawa niyang tama mo sa balikat?" Maya ay tanong ni Vixen habang kumakain ang binata. "Hmmp. Isa sa mga taohan ni Mayor Roxas ang may gawa. Sinundan kasi namin si Ale kanina kung saan siya dinala nila Tina," anito na bahagyang tumigil sa pagsasalita dahil sumubo muna ito ng pagkain.

"So, ayun nga hindi namin alam na marami palang tao si Roxas doon sa loob ng warehouse na pinagtaguan nila kay Ale. Kaya nung papasok kami sa loob ng Warehouse ay sinalubong naman kami ng taohan ni Mayor Roxas. Hindi namin napaghandaan kaya tinamaan ako." Saad nito sa nobya.

"Mabulok na sana sa kulungan ang gagong iyon." Naisatinig naman ng dalaga. "Um. I'm sure na mangyayari iyon baby. Patong-patong kasi ang hinahandang kaso para sa kanya." Anito habang kumakain parin.

The Mind Reader Hunk(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon