Chapter 12

14.4K 503 36
                                    

KARARATING lang nila Vixen sa bahay nila Alex ni Jeb ng bigla siyang hinawakan ni Jasmine sa kamay. Agad siya nitong inakay papasok ng bahay nila Ellah na asawa ni Alex. Kaya wala siyang nagawa kundi ang magpaakay sa pinsan.

"Ngayon sabihin mo sa amin ang lahat." Ani Jasmine sa kanya na kinakunot ng noo niya. "About what?" Taka niyang tanong.

"Kung ano ang namamagitan sa inyo ni Jeb." Sagot nito sa tanong niya. Agad naman siyang napatango ng makuha ang ibig sabihin ni Jasmine. Pero, wala naman silang relasyon ng binata. "Yeah! Kaya nga hindi kayo naghalikan at nagyakapan habang magkatabing natulog kanina." Mapang uyam na anang isa niyang isip. Sa isiping iyon bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi at hindi makatingin sa dalawa.

"Wala naman kaming relasyon." Mahina nitong aniya na sapat na para marinig ni Jasmine at Ellah.

"Hindi ako naniniwala. Si Jeb pa, kagaya rin yan ng mga pinsan at kaibigan niya." Ani Jasmine sa kanya. Naguguluhan naman siya sa tinuran ng pinsan niya dahil wala naman talaga silang relasyon ni Jeb at isa pa ilang araw pa nga lang sila magkasama sa iisang bahay e. Kaya paano sila magkaroon agad ng relasyon.

"Alam mo ba kung anong ugali ang magkakapareho ang asawa namin at ang mga kaibigan nila?" Nakangiti namang tanong sa kanya ni Ellah. Mabilis naman siyang umiling. "I don't know?" Kibit balikat nitong aniya.

"Hindi uso sa kanila ang ligawan. Sa amin nga ng asawa ko araw lang ang binilang ko when he kissed me. At doon na nagsimula ang relasyon namin. Walang ligawan dahil hindi sila marunong manligaw e. But it's okay. Dahil ang importante ay mahal ko si Alex at mahal niya ako." Ani Ellah na ngumiti. Halata sa mukha nito ang kasiyahan.

"Tama si Ellah, cous," pagsang ayun naman dito ni Jasmine. "Si Axel nga hindi man lang umabot ng 24 hour ng tangayin niya ang pagkainosente ko. Kaya nabuo si Asher Jade. Pero, hindi ko pinagsisihan na nangyari iyon. Nagkahiwalay man kami pero hindi ibig sabihin ay dahil sinaktan niya ako, nagkalayo kami dahil sinubok kami ng tadhana kung hanggang kailan masusubok ang pagmamahalan namin. Ang see, magkasama na kami ngayon at ang anak namin." Si Jasmine na halata ang saya sa mga mata niya.

Sa tinuran ng dalawa ay hindi niya maiwasang umasa na sana ganun din si Jeb. Pero, alam niyang masamang umasa. Kaya mabilis niyang ipinilig ang ulo.

"Hindi naman siguro ganun si Jeb. I mean, hindi naman ibig sabihin na magkakaibigan sila ay pareho na sila ng mga ugali. At isa pa kanina lang ako natulog sa kwarto niya dahil sinamahan ko siya doon. Hindi daw kasi siya makatulog." Kagat labi nitong aniya. Nagkatinginan naman ng dalawa.

"Gusto mong isa-isahin kung tanongin ang girlfriend ng mga kaibigan nila?" Paghahamon sa kanya ni Jasmine.

"About what?" Boses na kinalingon nila. "Hey! Come here sis. Ayaw kasi maniwala ng isang ito na hindi uso ang panliligaw sa magkakaibigan." Ani Jasmine. Agad naman lumapit sa kanila ang bagong dating.

"Hi! Ako si Erica kung nakakalimutan mo, pinsan ko ang asawa ng dalawang ito," nakangiti nitong pakilala kay Vixen na agad naman nakipagbeso-beso dito. "By the way, anong pinag-uusapan niyo?" Ang nakangiti paring tanong ni Erica ng makaupo siya.

"Sinasabi namin sa kanya na hindi uso ang panliligaw sa mga asawa natin at sa mga kaibigan nila." Sagot ni Jasmine.

"That's true. Dahil yang asawa ko matapang yan, walang sinasanto. Pero, hindi naman marunong manligaw. Bigla akong inungasan niyan. Nakipagdeal sa akin tapus no choices naman ako kundi pumayag sa gusto niya. At alam mo bang bigla na lang niya akong inari na parang girlfriend niya. Samantalang hindi naman nanligaw. Over protective rin siya. Kung pwede lang siguro niya patayin ng isang pitik ang mga lalaking nakatingin sa akin ay ginawa na niya. Pero, kahit na ganun siya ay minahal ko parin siya at sa paglipas ng mga araw ay mas lalo ko pa siyang minahal ng subra." Ani Erica na nakangiti rin.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now