Chapter 20

13.6K 490 43
                                    

HABANG nakasunod si Jeb sa green dote na nakikita niya gamit ang GPS na nakakunekta sa sasakyan niya bigla siyang inunahan ng isang BMW R 1200 RS. Bahagya siyang tinaasan ng driver nito ng gitnang kamay. Napailing naman siya ng makilala ang driver ng motorbike na nauna sa kanya.

"Gago, talaga." Anito at binilisan din ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. Hindi rin siya nagpatalo sa taong nakasakay sa motorbike na mabilis ang pagpapatakbo sa unahan niya. Agad niyang diniinan ang pagtapak ng accelerator kaya sa isang iglap ay halos lumipad ang sinasakyan niyang MBW i8 sa tulin ng pagtakbo nito.

Natigil lang ang dalawa sa pag-uunahan ng makita ni Jeb ng green dote na sinusundan niya. Agad iniliko ni Jeb ang kotse niya kung saan lumiko ang driver ng motorbike. Sa isang matagong lugar itinago ng lalaki ang dala nitong motorbike at ganun din ang ginawa ni Jeb. Ang akala ni Jeb ay sila lang ang nandoon. Ngunit nagkamali siya dahil meron na pala silang mga kasamang nauna na doon.

"Anong status dyan sa location mo, Ho?" Rinig ni Jeb na tanong ni Frank gamit ang earphones. "Okay. That's good. Maghintay muna tayo ng tyempo bago tayo susugud." Ani Frank.

Dahil naghihintay muna sina Jeb ng utos ni Frank kung kailan sila susugud sa kinaruruonan ni Ale ay agad niyang inilabas ang tawagan.

"Baby, kumain kana ba?"

Message niya sa nobya. Hindi naman nagtagal ng sumagot ito.

My Vixen:
Oo, tapus na. Ikaw anong ginagawa mo?

"Meron lang kaming kunting trabahong gagawin ngayon. Kasama ko sina Frank." Sagot niya sa tanong ng nobya.

My Vixen:
Mmmm. Okay. Mag-iingat ka dyan ha. I miss you.

Ng mabasa niya ang message ng nobya ay lihim siyang napangiti. Kung pwede lang siguro siyang magpagulong-gulong sa tuwa ay ginawa na niya.

"I miss you too, baby," sagot naman niya. "At kapag ginabi ako baby ay matulog kana ha. Wag muna akong hintayin. But don't worry dahil uuwi din ako agad as much I can. I love you." Muli ay message niya sa nobya.

My Vixen:
Okay. I love you, too.

Matapus niyang mabasa ang reply ng nobya ay muli niyang ibinalik ang tawagan bulsa ng suot niyang jeans.

SAMANTALA sa isang liblib na lugar dinala nila Tina ang taong dinukot nila. Panay ang ngisi niya sa tuwing napapatingin siya dito. Nakikinita na niya ang salaping makukuha niya ngayon kapalit ng taong dinukot nila.

"Anong nakakatuwa?" Tanong sa kanya ng inaakala niyang si Vixen. "Wala naman. Masaya lang ako at makakaganti narin ako sayo. Kawawa ka naman. After this, ano kaya ang gagawin ng boyfriend mo?" Tanong nitong nakangisi.

Kung hindi lang siguro nakatali ang mga kamay at paa ni Ale ay kanina pa niya sinipa ang pagmumukha ni Tina sa inis niya sa babae.

"Anong gagawin niya? Syempre hindi ka parin niya papansinin. Dahil sigurado akong hahanapin niya ako kahit saan niyo pa ako itago." Sagot nitong medyo hirap sa paggaya ng boses ni Vixen. Mabuti na lang at meron siyang tinatagong talent sa panggagaya ng boses ng iba. Kaya napaniwala niya ang mga itong siya talaga si Vixen.

"Hahanapin," anito sabay tawa. "Bago ka niya mahanap e nahanap naman niya akong kapalit mo." Saad nitong kinatawa ni Ale.

"Tangna. Ang laki ng tiwala niya sa sarili niya," anito sa isip. "Oh! Talaga. Dapat na ba kitang batiin ngayon na?" Tanong niya dito.

"Wag kana magtapang-tapangan dahil wala na sa tabi mo si Jeb. Nag-iisa ka lang dito. Walang tutulong sayo dito." Ani Tina na nginisihan lang ng kausap niya.

"How sure you are?" Nakangisi niyang tanong. "And you know, unfair kayo e. Itinali niyo ako samantalang marami naman kayo dito. Ibig lang sabihin niyan e kayo ang takot sa akin, hindi ako." Ani Ale. Nababasa niya ang tumatakbo sa utak ng kausap. Kaya kampate siyang inisin ito ngayon.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now