Kabanata 2

77.8K 2.3K 589
                                    

Kabanata 2

Kid


ISANG taon ang lumipas simula nang masaksihan ko ang pangyayaring iyon. Tumatak sa akin ang imahe ni Leader na may kasamang babae pero kalaunan ay lumipas din naman ito sa aking isipan. I guess it's normal since other people said that he's always seen with different girls who has the same age as him.

Matagal niya na yatang ginagawa iyon kaya nagiging normal na lang ito sa paningin nang iba.

"Ma, aalis na po ako," pagpapaalam ko kay Mama na ngayon ay inaayos ang pagkain para sa umagahan. Tinanguan niya lamang ako at binalingan ko naman si Papa.

"Pa..."

"Ingat ka sa eskwelahan, Dea. Mag-aral ka nang mabuti," ito ang pabaon niya sa akin at hindi ako nakasagot. Ngumiti na lang ako at tipid na tumango.

This is my last year as a junior high student and I couldn't wait for next year.

Narinig kong umismid si Ate Anna at inirapan ako. Lagi siyang ganiyan at para bang malaki ang galit sa akin samantalang nakukuha naman niya ang lahat ng naisin niya.

I was born in a good family. We're not rich but not poor either. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, kung minsan pa ay sumosobra ito ro'n. I'm the youngest daughter and ate Anna tends to see me as a threat and I don't know why.

Bago ako makaalis ay inabutan ako ni Mama ng isang daan, baon ko raw sa eskwela.

"Mag-ingat ka, Dea," pahabol ni Mama.

I nodded my head as a response. Tipid akong ngumiti bago inayos ang bisekletang gagamitin ko.

MABILIS akong nakarating sa school dahil walang sagabal sa daan. Inayos ko ang aking biseklat at nginitian ang guwardya na nagbabantay sa mga ito.

"Maraming salamat po!" nakangiti kong ani.

I fixed my glasses as my long black hair got swayed with the strong wind while I'm walking at the middle of our corridor. Nagyuko ako ng tingin habang inaayos ang iilang buhok kong hinahangin na ngayon.

1-Venus, that's my section for this year. Puro planeta ang mga section namin at masuwerte ako dahil kaklase ko pa rin si Van.

Huminto ako sa tapat ng aming silid at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may nakita na akong lalaking nakaharang sa bukana nito.

I pouted my lips as soon as I recognized him. Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula nang bakasyon, hindi ko rin inaasahan na siya ang unang sasalubong sa akin.

Mariin ko siyang tinitigan. Mas gumanda ang hubog ng kaniyang katawan kumpara noon. Tanaw na tanaw ko rito ang kaniyang dimple at kinang ng kaniyang hikaw sa kanang bahagi ng tainga. He looks really, really attractive—a gorgeous human being. I had to look away when he unconsciously licked his lower lip.

Sandali akong napailing dahil sa biglaang pag-init ng aking pisngi.

"Ano, Legend? Kaklase mo ba?" nakangising tanong ni Leader sa kaniyang kapatid na mukhang kaklase ko.

Kilala rin itong si Legend dahil isa siyang Ellington. Who wouldn't know them? Sa paaralan yata na ito ay matunog talaga ang apelyido nila.

"I don't know, Kuya. Why are you so nosy? Bumalik ka nga sa building niyo!" naiiritang saad ng kaniyang kapatid.

Napatigil sila nang mapatingin sila sa akin. Para akong manlalambot sa tingin ni Leader kaya kaagad akong yumuko at hindi alam kung saan dadaan. Sarado ang pinto sa likod kaya itong nasa harapan lang ang pwede kong daanan.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon