Kabanata 23

61.7K 1.5K 966
                                    

Kabanata 23

Gift

Nagising ako na may iniindang sakit sa katawan. Nakakumot pa ako at hirap na hirap umupo. I feel sore all over my body. Parang wala akong lakas na kumilos.

Iginala ko ang mata ko sa buong lugar. Wala man lang kusina o kahit ano. Tanging flat screen tv, banyo at kama lang ang mayroon. Mag-isa ako sa kama at wala rin akong marinig na tao sa banyo. Wala naman itong pintuan kaya makikita kaagad kung sino ang nasa loob.

Kaagad pumasok sa isip ko ang ginawa namin ni Leader. Hinanap ko siya sa buong kwarto pero sinong niloko ko? Iniwanan niya ako!

Nakakita ako ng note sa gilid, galing kay Leader. Mabilis ko itong binasa.

"Thanks. I had fun." - Leader

Muling uminit ang sulok ng aking mga mata. He fucked and leave? Ganoon lang? Paano naman ako?

Umiiyak ako habang inaayos ang sarili ko. Sira ang blouse ko pero may extra shirt ako palagi sa loob ng bag ko. Wala lang akong uderwear na baon kaya mas naiyak lang ako dahil sinira pala ni Leader ang panloob ko.

Kinuha ko ang salamin kong nasa gilid din at mabilis itong sinuot. Nahihiya akong lumabas dito dahil baka kung anong isipin nila sa akin.

Sinong niloko ko? Kung ano man ang isipin nila ay paniguradong tama. Isa akong maruming babae na iniwanan ng boyfriend niya matapos makuha ang virginity.

Nang tignan ko ang oras ay 7:30 pm na. Tumayo na ako at nilisan ang lugar. Hirap pa akong maglakad pero sa tuwing maalala ko ang nangyari ay unti-unting binabalot ng galit ang puso ko.

Paano niya nagawa iyon sa akin? Hindi niya ba talaga ako mahal? Nabastos ako. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko! Hindi man lang niya ako dinala sa mas maayos na lugar at dito pa talaga sa mumurahin? Pakiramdam ko ay isa akong pokpok!

Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko na nagawang kausapin sila Mama. Naligo kaagad ako at patuloy na umiiyak habang kinukuskos ang katawan ko.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa akin. Kasalanan ko rin dahil hindi ko siya pinigilan pero hindi ko naman alam! Akala ko kasi mahal niya ako kaya kahit papaano ay rerespetuhin niya ako pero hindi. Ginamit niya lang ako.

Kinabukasan ay sinikap kong pumasok. Wala akong pinagsabihan o kinausap tungkol sa nangyari. Hindi ko na rin nakita o nakausap si Leader. Hindi na rin ako umaasa pang kakausapin niya ako.

"Are you okay?" tanong ni Blake kaya tumango lang ako.

Ilang araw pa ang lumipas na para bang namatay ang buong pagkatao ko. Busy ang lahat dahil malapit na ang exam namin pero parang wala lang ito sa akin. Si Van ay bihira ko na rin makasama dahil busy rin.

Si Blake ang madalas kong kasama pero hindi ko siya kinakausap. Pakiramdam ko ay talagang naiwala ko ang sarili ko simula nang mawala si Leader sa akin.

Kahit pala galit ako ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Tumulo ulit ang luha ko.

"Dea, it's been one week at wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Ano bang nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Blake na hindi ko na naman sinagot.

I just closed my eyes. Ang sakit nitong nararamdaman ko. Napakabata ko pa para sa ganito pero nagpadala ako sa emosyon ko. I am just sixteen, turning seventeen next week but I already lost my virginity to someone together with my heart.

Araw-araw kong nararamdaman na para bang may kulang sa akin. Hindi na rin ako nakakausap ng maayos at madalas tahimik. Hindi naman ako tinatanong nila mama dahil siguro ganito naman ako noon. Tahimik lang.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon