Kabanata 24

65.3K 1.9K 646
                                    

Kabanata 24

Leave

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakauwi sa  bahay. One thing's for sure is, it's already midnight. Tulog na yata sila Mama ngayon at mag-iisip na lang ako ng alibi kung sakaling tanungin nila ako kapag nakita nila ako.

Nasa pinto pa lang ako ay naririnig ko na ang mga boses nila. Sigurado rin akong nandoon si ate Anna dahil siya ang mukhang umaawat kila Papa.

Anong nangyayari?

Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga gamit ko. Naka impake ang mga ito at mukhang pinagkasya lang sa isang maleta at malaking bag.

Napanganga ako.

"M-ma..."

"Ano ito, Dea?!" aniya sabay bato sa akin ng P.T. na ginamit ko kanina.

Hindi ako nakapagsalita. Paano nila nakuha iyan sa kwarto ko? Ang alam ko ay itinapon ko ang isang 'yan!

Tinignan ko ang reaction nila. Seryoso at galit si Papa habang si Mama ay mukhang iiyak na. Ate Anna is smirking while staring at me, mukhang nasisiyahan.

"Sa'yo ba 'yan?!" sigaw ni Mama sabay lapit sa akin, "Dea, sumagot ka!"

Tumango ako at napaiyak na. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay lumagapak na sa mukha ko ang malaki at magaspang na palad ni Papa. Natumba ako sa pwesto ko sa sobrang lakas no'n at ramdam ko rin ang pagdugo ng gilid ng labi ko.

Umiyak lang ako.

"Ginawa naman namin lahat para sa'yo! Saan ba kami nagkulang?! Anong pumasok sa kokote mo at nakipagtalik ka sa nobyo ng ate Anna mo?! Binuntis ka pa!" gigil na sabi ni Papa habang si Mama ay nakahawak sa likod niya.

"Pa, Leader is not the father of that child. Believe me! Siguro ay kaklase ni Dea ang ama niyan, 'yung madalas niyang kasama." si ate Anna.

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam na ganito pala kasama si ate Anna. Sobrang sama niya na dehado na nga ako ay mas ginigiit niya pa ang mga kasinungalingan niya!

"P-papa..." sinubukan kong lumapit pero mukhang itutulak niya ako kaya kusa na akong umatras.

I cried so hard that I could only hear my sobs while listening to their insults. Sila ang pamilya ko, hindi ko naman inaasahan na matatanggap nila ako but I really need them now. Sila na lang ang natitirang pwede kong sandalan!

"Malandi ka!" sigaw ulit ni Papa, taas baba ang dibdib habang nakaduro sa akin, "hindi ka namin pinalaki para maging isang puta! Sana pala ay naniwala kami kay Anna at hindi sa'yo!"

"M-makinig naman po kayo!" pagmamakaawa ko habang ipinagkuskos ang dalawang palad.

"Ayoko nang marinig pa ang mga kasinungalingan mo! Wala kang kwentang anak!"

"Pa..." tawag ni Mama sabay yakap mula sa likuran ni Papa. Umiiyak na rin siya pero hindi niya ako nagawang lapitan.

Kinuha ni Papa ang mga gamit ko at binato iyon sa akin. Iniwasan ko ang mga ito dahil kinakabahan ako para sa anak ko. Hindi pwedeng matamaan ang tiyan ko at hindi rin ako makakapayag sa ganoon.

"Leave this house! Leave!" gigil na sigaw ni Papa, "Simula ngayon ay hindi na kita anak! Huwag ka nang babalik pa rito!"

Susugurin niya pa sana ako pero mas sinunod ko ang sigaw ng aking isip. I need to get out of here. I am no longer safe in this house! Hindi safe dito ang anak ko.

Tumakbo ako habang hawak ang mga bagahe ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong dis oras ng gabi. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang magpahinga pero iniisip ko pa lang ang kaligtasan ng anak ko ay mas lumalakas ang loob ko na magpatuloy.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon