Kabanata 15

59.3K 1.4K 907
                                    

Kabanata 15

Girlfriend

Wala kaming klase ngayon dahil magiging abala raw ang lahat. Bukas na kasi ang prom at sisimulan na nilang ayusin ang buong hall para sa lahat ng dadalo. Kansela kaagad ang lahat ng klase sa kaya naman andito ako sa kwarto ko at walang ginagawa. Ayoko naman magbukas ng facebook ko pero kailangan dahil kakausapin ko si Jameson.

Naka active now si Jameson kaya icha-chat ko na sana nang mag pop up na kaagad ang chat head niya. He beep me up first.

Jameson: Hey!

Jameson: I got your gown for tomorrow. Can we meet today? I mean, right now? If you don't mind?

Napaisip muna ako sandali. Wala naman akong ginagawa at hindi naman siguro masama kung papayag ako? Para sa damit naman ang pupuntahan ko e.

Ako: Sige. Saan naman?

Jameson: SM na lang. I'll wait you sa entrance.

Ako: Okay.

Mabilis na idinitalye ni Jameson ang lugar kung saan kami magkikita. Ito ang pinakamalapit na mall sa amin kaya naging pabor na rin sa akin.

Simpleng maong faded jeans at black v-neck shirt lang ang isinuot ko. Nagdala rin ako ng maliit na bag para sa phone, lagayan ng salamin, at wallet ko. Hindi na ako naglagay ng kung ano sa mukha ko dahil hindi naman kailangan 'yon.

"Ma!" tawag ko kay Mama na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. "Aalis lang po ako. May dadaanan lang,"

"Ingat ka!" aniya sabay kaway sa akin. Maagang umalis si Papa kaya naman wala na siya ngayon.

Mabilis akong pumara ng jeep at tsaka sumakay doon. Nagbayad ako ng tamang pamasahe at sumandal sa upuan.

Nang makababa ako ay natanaw ko kaagad si Jameson sa unahan. Tinitignan niya pa ang kaniyang wristwatch.

Hindi ko na siya tinawag. Lumapit na lang ako sa kaniya pero nakita niya na ako kaagad at mabilis na sinalubong. Nginitian ko lang siya.

"Nasa store pa ang damit mo kasi inaasikaso pa nila ang lalagayanan. We can eat first while waiting for it?" aniya kaya tumango na lang ako. Lunch na rin naman na kaya okay na rin ang kumain. Magandang ideya na 'yon.

"Where do you want to eat?"

"Ikaw na ang bahala, James. Wala kasi akong alam na masarap na kainan e," kaswal kong sabi sabay ngiti sa kaniya.

Bahagya siyang napahinto sa paglalakad kaya napatingin ako sa kaniya. Mukha siyang nagulat at namumula pa ang pisngi.

"Bakit?"

Mabilis siyang umiling. "Ang sarap pakinggan ng palayaw ko pag sa'yo galing."

Ito rin ang sinabi ni Leader noon. Talaga bang ganito ang epekto kapag ako ang nagsasabi ng palayaw nila? Para sa akin ay normal lang naman lalo na't sila nga ay Dea ang tawag sa akin.

Pumunta kami sa isang resto. Mahal ang bawat pagkain kaya halos hindi ako makapili. Siya na lang tuloy ang kumuha ng order para sa akin. Puro fast food lang kasi ako e.

Naalala ko bigla ang sinabi ni papa noong nakaraan na dapat ay makita niya si Jameson. Dapat si Jameson ang sumundo sa akin bukas para makita nila siya.

"A-Ano..." nahihiyang sabi ko. Nag-iwas pa ako ng tingin. "Sabi ni papa na... sunduin mo raw ako b-bukas..."

"No need to tell me that one, Dea. Susunduin naman talaga kita." nakangiting sabi niya.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon