Kabanata 5

61.2K 1.8K 572
                                    

Kabanata 5

Number


Hindi na nasundan ang chat sa akin ni Leader o baka naman nasundan ngunit hindi ko nabasa dahil hindi ako nagbukas ng facebook ko?

Lumipas ang isang araw at hindi rin siya nagpakita sa school. Hindi ko alam kung ayos lang ba ito sa akin o hindi pero may kung ano akong nararamdaman na parang may kulang sa araw ko. Parang nawalan ng kulay dahil lang sa hindi ko siya nakita kahapon.

"Dea, may package ka!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto para takbuhin ang distansya papunta sa aming pinto.

Nakabihis na ako ng uniform ko. Itong package lang talaga ang hinihintay ko dahil Friday ngayon. Excited tuloy ako.

"Kayo po ba si Desdemona Astrea Costello?" tanong sa akin ng delivery boy. I nodded my head as an answer. "Ah..."

Matagal niya akong tinitignan. Napakurap-kurap pa ako dahil hindi ko alam kung bakit mukhang hindi siya makapagsalita. Do I look bad? Is there something wrong?

"Hello?" I said as I waved my hand on his face.

"Ay! Pa-pakipirmahan na lang p-po!" nanginginig niyang inabot sa aking ang isang form kaya pinirmahan ko iyon kaagad at kinuha ang phone na aking binili.

Nginitian ko siya bago ko isinarado ang pinto.

"What's that?" rinig kong tanong ni Ate na nasa sala at hindi pa nakabihis.

"Phone po," sagot ko at pupunta na sana sa kwarto pero hinablot niya sa aking ang box at tinignan pa ito.

"Cheap." halos mapaaray ako nang ibalik niya sa aking ang phone dahil pahampas niyang ibinigay 'yon na tumama sa dibdib ko.

I just shrugged my head.

Pagdating sa kwarto at binuksan ko na ito kaagad. Paano kaya nasabi ni Ate Anna na cheap ito kung gayong touch screen naman at built in pa ang battery?

Inayos ko ito. Rose gold ang kulay nito. Nilagyan ko lang ng memory card na kasama sa freebies at simcard para magamit ko na. Nakakatawa nga na may kasama rin silang clear case kaya nilagay ko na rin.

Binuksan ko ito at nakita kong full charged siya. Manghang mangha ako kaya nilagay ko na ito sa aking bag para madala ko sa school.

Pagdating ko sa classroom ay hinanap kaagad ng mata ko si Van. Nakahalukipkip lang siya sa kaniyang silya. Lumapit ako sa kaniya para at tipid na ngiti ang unang ipinakita.

"Hoy, Dea! Nagsuklay ka ba?" inirapan niya ako.

Kinapa ko ang buhok ko na magulo pala. Pinasadahan ko ito ng aking daliri pero bigla akong sinabunutan ni Van. Mahina lang naman ito at pabiro pero nabigla ako.

"A-Ano?" medyo nauutal pa ako.

Hinawi ko ang kamay niya at siya naman ay nakasimangot. "Kahit wala kang ayos e, ang ganda mo pa rin! Nakakairita ka, Dea!"

Tinawanan ko siya at tsaka ko kinuha sa bag ko ang aking phone. Masaya ko itong ipinakita sa kaniya at nanlaki pa ang mata niya.

"You bought a phone?!"

Tumango ako. Kinuha niya ang phone at sinuri pa ito. Walang wala ang phone ko sa phone na meron siya ngayon. Latest pa nga ang gamit niya e.

"Maganda na 'to! Ang linaw ng camera o," aniya sabay pakita ng camera sa akin na malinaw nga. "Strike a pose!"

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon