Kabanata 28

69.2K 2K 1.5K
                                    


Kabanata 28

Broken


Pinaupo niya ako sa isang malaking sofa na kulay puti. Nakakahiyang upuan ito dahil baka marumihan o ano. Bakit ba naman kasi mukhang mamahalin ng buong lugar na ito?

"Feel at home, Dea" Umupo siya sa harapan ko at dumekwatro. He ordered the maid to give us some snacks while we're sorting things out.

Iginala ko ang paningin ko. Kung sosyal ang condo niya noon, mas triple ang bahay na ito. May malaking chandelier sa gitna at ang sala kung nasaan kami ngayon ay may carpet pa. Centralized din ang aircon at ramdam ko ang malamig na hangin mula ro'n.

"Are you willing to work for me?" bigla niyang tanong kaya nawala ako sa pagsuri sa kapaligiran.

"Oo..."

"Why?"

"Because I need to save money..." for our daughter's future. I want to give her the world if I could.

Tumaas ang kaniyang kilay. Inilapag sa harapan namin ang dalawang baso na may orange juice at finger snacks. Walang gumalaw sa amin ng mga iyon dahil nanatili ang kaniyang tingin sa akin.

"Where's your parents? Bakit hindi ka nag-college?" diretso niyang tanong.

Naningkit ang mga mata ko. Paano naman niya nalaman na hindi ako nakapag kolehiyo? Wala naman akong nabanggit na ganoon sa kaniya dahil sina Van at Blake lang naman ang nakakaalam no'n.

Pinaimbestigahan niya ba ako? Pinasundan? Kung ganoon, malaki ang posibilidad na alam niyang may anak ako?

"I don't know where they are..." I said, trying to show him a sincere smile. I'm okay. Ayos lang naman dahil hindi na rin ako umaasang mapapatawad nila ako. It's been years but I still don't have any news about them.

Napayuko ako. Lahat sila ay isang malaking kasalanan ang tingin sa akin dahil nabuntis ako. Isa raw ako sa mga halimbawa na maagang lumandi. They can't blame me for that without knowing my reasons. Having sex with Leader was the least thing that I would do before but sometimes, our plans don't go to what we're exactly expecting.

If they think Freeda was a huge mistake in my life, then that's their perspective. She's the reason while I'm still striving for the best of best. Mahal na mahal ko si Freeda na kahit ipagtabuyan nila ako ay gagawin ko pa rin ang lahat para lang hindi maapektuhan ang anak ko.

"Dea..." napaangat ako ng tingin dahil sa yugyog at tawag ni Leader sa akin.

Napahawak ako sa pisngi kong basa. Did I just cried in front of him?

Mabilis ko itong pinunasan at nagawa pang iiwas ang tingin kay Leader. He looked so worried, I can clearly see it in his eyes. Iyan ang mga matang minahal ko noon na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin.

Mas naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib. I wanted to cry so bad pero hindi dapat. Ayoko nang maging mahina. Sinusubukan ko naman gawin ang lahat para hindi na ako panghinaan ng loob dahil maaapektuhan si Freeda.

"Hey, what's wrong?" punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang boses, "what happened?"

Umiling lang ako habang pinupunasan ang mga luha kong wala atang balak na huminto sa pag agos. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, ang hirap-hirap dalhin. Ano bang meron dito at bakit hindi ko mabitiwan hanggang ngayon?

"You need to talk, Dea. Paano ko malalaman kung bakit ka umiiyak?" pagpupumilit niya.

"A-ayos lang ako..." mahina kong sabi sabay tanggal ng salamin ko para ilapag iyon sa table. Mas naging madali sa akin na punasan ang mga luha ko dahil wala na akong suot na salamin.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon