Kabanata 18

53.3K 1.3K 182
                                    

Kabanata 18

Flirt

Kaagad akong inuwi kagabi ni Leader dahil may aasikasuhin din siya kasama ni Legend. Ako man ay naguguluhan dahil sa mga nangyari sa prom. I wasn't able to say sorry to Jameson for ruining his night.

Walang pasok ngayong araw. Ang balak ko lang talaga ay basahin ang syllabus namin at mag-aral buong araw pero imposible ata iyon dahil alas otso pa lang ng umaga ay tumatawag na sa akin si Leader.

"You can study! Hindi naman ako mag-iingay!" parang batang sabi niya kaya napailing na lang ako at hinayaan siyang panoorin ako.

It was a video call. Tumawag siya sa Skype ko kaya nakabukas ngayon ang laptop at ayon siya, nakatunganga lang sa akin habang nilalaro ang labi niya.

Tumunog ang aking phone. I've received a text from Van. Kaagad ko itong kinuha para basahin.

Van:

Kamusta kagabi? May sapakan daw?

Natawa muna ako bago ko siya nireplyan.


Ako:

Inaway ni ate Anna si Bella kaya inaway din siya ni Bella.

Van:

Ang warfreak talaga ni Anna! Nako! Nakakatakot ang mga babae ngayon.

Ako:

Bakit naman?


"Dea," mariining tawag ni Leader kaya napatingin ako sa kaniya. Kunot ang kaniyang noo at seryoso. "Akala ko ba ay mag-aaral ka?"

"Oo nga–"

"Panay ang text mo! Who's that?" naiiritang aniya kaya napabuntong hininga ako at ipinakita sa screen ang usapan namin ni Van.

Nanatiling seryoso si Leader at hindi sumagot. Napilitan akong i-off ang phone ko para hindi na siya mainis. Nginitian ko pa bago ako bumalik aa pagbabasa habang siya ay gumugulong naman ngayon sa kama niya.

"I want to kiss you right now, baby..." napapaos niyang sabi.

Awtomatiko kong nabitiwan ang libro na hawak ko. Nilingon ko siya at halos pagsisihan ko iyon dahil pumupungay ang kaniyang mga mata na para bang inaantok na hindi.

Siguro ay nagugutom lang si Leader kaya kung anu-ano na ang mga nasasabi. Bumalik na lang ako sa pagbabasa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Nasa tapat pa lang ako ng school namin ay kakaiba na ang kabang nararamdaman ko. Parang may mali sa araw na ito.

May nadaanan akong kumpol ng mga kababaihan. Nakatingin sila sa akin noong una pero kaagad din na nagbulungan habang sinusulyapan pa ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Dea!" narinig ko ang sigaw ni Van kaya kaagad ko siyang nilingon. Humahangos pa siya pero hinawakan niya na ako sa braso at mabilis na hinila papunta kung saan.

"Bakla ka!" aniya habang patuloy kami sa paglalakad. Tumigil kami sa dulo ng building namin kung saan wala gaanong tao. Hinintay ko lang ang sasabihin niya.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan.

"Anong nangyari sa prom? Bakit ikaw ang usap-usapan? Anong ginawa ni Leader sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Van pero may ideya na ako. Alam kong dahil ito sa biglaang paglapit sa akin ni Leader kahit na may gulo pa noong gabing 'yon. Maraming nagtaka at naguluhan kaya siguro ganito ang nangyari.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon