Kabanata 27

68.3K 1.7K 1.2K
                                    

Kabanata 27

Stole

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa loob ng opisina ko at hindi ko alam kung paano. I felt so exhausted earlier that I couldn't even think straight. I just saw my first love, the father of my daughter, flirting with someone.

Inayos ko ang aking itsura bago lumabas ng opisina. Tatawagin ko na sana ang pangalan ni Hannah nang makita ko si Leader na nakaupo pa rin sa sofa at nakatingin na sa akin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Aatras na sana ako nang mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. He towered over me like I am some kind of tiny creature in between his arms.

"You ignored my hand shake, huh? Where's your manners now?" nanunuyang sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi ako nakasagot. Binuksan niya ang pinto ng aking opisina at kamuntikan na akong matumba dahil nakasandal ako sa pinto pero mabilis niya akong hinapit sa baywang, napasubsob sa kaniyang dibdib.

Dalawa lang kami sa loob ng maliit kong opisina. Sinarado niya pa ang pinto bago ako tinignan muli.

"Speak up, Dea," naging malamyos ang kaniyang boses sabay haplos sa aking pisngi. "You're still the innocent Dea that I've known before."

Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong umiyak! Bakit ba niya ako ginaganito? Hindi na ito maaari dahil hindi na kami mga bata! May anak na rin ako kaya hindi ko alam kung bakit umaasta sjyang ganito ngayon?

"Dea..."

"Le-Leader..." mahina kong sabi, "ano bang k-kailangan mo?"

"I just want to see you," simpleng sabi niya sabay ngisi. "You looked good. Masarap siguro magmahal ang asawa mo?"

Napanganga ako. Saan niya naman nakuha ang ideya na 'yan? Ni wala nga akong asawa dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ng mahal na mahal ko! Pero hindi na iyon kagaya noon na magpapakatanga ulit ako. I've learned my mistakes. I have Freeda now, hindi ko na kailangan ng mga taong alam kong sasaktan lang kami.

Napatingin ako sa orasan, 4:30 pm na. Malapit na ang uwian ni Freeda.

Buong lakas kong tinulak si Leader. "Leave, Leader."

"What? Why?" mas nainis ako dahil sa itsura niyang natatawa pa, "takot kang mahuli ng asawa mo?"

Napapikit lang ako ng mariin. Nababaliw na talaga ang isang ito. Akala ko ba ay may nililigawan siya? Bakit nandito siya ngayon sa akin?!

"Pwede ba, Leader? Wala akong panahon sa'yo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng siniil niya na ako ng halik.

Hindi ko sinagot ang halik niyang nakakalasing para sa akin. Hindi pwedeng mahulog na naman ako sa kaniya. This is just one of his ego tripping!

Tinulak ko siya kaya napahiwalay ang labi niya sa akin. He's now smiling like an idiot!

"Tell your fucking husband that I stole a kiss from his hot and sexy wife," bulong niya sabay kindat sa akin.

Mabilis siyang lumabas ng opisina ko. Sumunod ako sa kaniyang paglabas para sana murahin siya nang makita ko ang gulat na itsura ni Hannah habang nakatingin sa aming dalawa ni Leader.

Alam kong gulat si Hannah dahil galing lang naman sa opisina ko ang crush niyang si Leader. 

"Susunduin niyo na si Freeda, ma'am?" tanon ni Hannah, palipat-lipat ang tingin sa amin ni Leader.

Tinignan ako ni Leader na mukhang nagtataka kung sino si Freeda.

"Oo, Hannah. Ikaw na ang magsara, a? Alis na ko. Salamat!"

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon