Kabanata 13

55.7K 1.5K 378
                                    

Kabanata 13

Sick



Buong gabi akong dilat. Iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni Leader sa akin. Ang hirap paniwalaan pero ang sarap din paniwalaan. Ang saya sa pakiramdam pero nakalabahala rin.

Kinaumagahan pagkagising ko ay masama ang pakiramdam ko. Nanlalamig ako at nahihilo. Nanghihina akong tumayo sa higaan kahit pa namumungay ang mga mata.

Sinikap ko pa rin kumilos at gawin ang morning routine ko. Hindi nabasa ang nga gamit ko dahil sa bag na dala ko. Sinabihan na rin ako ni Mama na magdala na lang ng payong para hindi ako umuuwing basang sisiw.

"You look horrible!" bungad ni ate Anna nang makaupo ako sa kaniyang harapan para makakain ng agahan.

Umiling na lang ako at nginitian sila papa kahit na nanghihina ako.

"Ayos ka lang ba, Dea?" tanong ni Mama.

Tumango ako. "A-Ayos lang po..."

"Kung may sakit ka ay 'wag ka na lang pumasok," ani papa sabay tingin sa akin.

"Wala naman po..." sagot ko na lang at tsaka ngumiti para hindi na sila mag-alala pa.

Alam kong may sakit ako. Pakiramdam ko rin ay kanina pa ako namumutla pero kailangan kong pumasok. Marami kaming aasikasuhin sa school dahil malapit na ang periodical exam kaya kailangan na naming mag-aral nang mabuti.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako para makapasok na. Maaga pa naman pero mukhang sasakay ako ng jeep para makarating kaagad sa school dahil nananakit talaga ang ulo ko.

Habang nag-aabang ako ng jeep ay ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin. Para akong babagsak o hihimatayin ano mang oras pero nilalabanan ko ito.

Isang beses akong napapikit at akmang babagsak na sa kinatatayuan pero may biglang sumalo sa akin. Malambot ang kaniyang mga kamay at nasisiguro kong babae ito.

Pumungay ang aking mga mata habang tinitignan ang babaeng nakaalalay sa akin ngayon.

Her hair is very unique. Hati sa gitna ang kaniyang buhok, ganoon din ang kulay nitong itim sa kanan at puti sa kaliwa. Matangos ang kaniyang maliit na ilong. She has a soft pinkish lips with her natural rosy cheeks.

"Ayos ka lang?" pormal na tanong niya gamit ang isang malalim na boses.

Hindi ako kaagad nakasagot. Nakasarado ang kaniyang mga mata at hinihintay kong ibuka niya iyon pero hindi nangyari. Doon ko lang naisipang ibaba ang tingin ko para makita ang hawak niya. Hindi ko alam kung ano 'yon pero itim ito at mahaba. Pinangtutukod niya sa lapag.

Umayos ako ng tayo habang siya ay nakangisi lang sa akin.

"Salamat..." nasabi ko na lang habang nakatingin pa rin sa hawak niya.

"Espada itong dala ko..." aniya sabay hugot nito para tumambad ang makinang na talim nito. Kahit kalahati lang ang nakita ko ay nakakakilabot na. "Gusto ko lang na makita mo dahil mukhang kanina mo pa sinisipat."

Paano naman niya nalaman na tinitignan ko ang isang 'yon kung gayong nakapikit siya?

Hindi ako nakapagsalita. Para akong nanginig sa kinatatayuan ko. Iniwas ko ang aking tingin at sakto naman na dumating ang jeep na sasakyan ko kaya mabilis kong ipinara 'yon at kaagad na sumakay.

Ilang saglit bago umalis ang jeep dahil may mga sumasakay pa. Napatingin ako sa labas at nakatayo pa rin doon ang babaeng may itim at puting buhok.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon