Kabanata 25

70.7K 1.8K 718
                                    

Kabanata 25

Daughter

"Drink your milk, Freeda!" sigaw ko mula sa kusina habang hinahalo ang baso na may lamang gatas.

Nakita ko si Freeda na walang emosyon at naglalakad papalapit sa akin. I can't help but smile at my 5-year-old daughter. She's very genius at nakakatuwang isipin na sa murang edad ay naging malawak ang pag-iisip niya.

She likes reading books but sometimes she spent her day watching some documentaries on tv. She's not my photocopy, hindi rin naman niya ganoon kahawig si Leader. They have the same lips, she got my nose and the color of my hair. But her eyes... it reminds me of someone. She has the same eyes as Devy.

But my daughter inherited his father's dimple! Gusto ko sanang makitang ngumiti ang anak ko para sana lumabas ang dimple niya but she's stubborn. Mainit ang ulo parati.

Lumapit ako sa kaniya para ayusin ang kaniyang buhok. Umiinom lang siya at sinulyapan ako nang matapos. "Done."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Very good, baby!"

"Thank you po," she simply said while trying to show her genuine smile but it's more on like a smirk.

Pakiramdam ko tuloy ay dinasalan ni Devy ang anak ko kaya parang naging replica niya ito. Kahit awra niya ay nakuha ng  anak ko.

Bumalik na si Freeda sa panonood ng tv sa sala. Hinayaan ko lang siya at tsaka ako napaupo sa katabi kong upuan sa aming dining area. Sa limang taong lumipas ay nakapagpundar ako ng sarili naming bahay. It was just a condo unit pero malaki na ito para sa aming dalawa. Lumipat kami sa Quezon City dahil dito rin nagtatrabaho si Van. Nandito kasi ang kumpanya na pinamamahalaan niya kaya mas naging madali sa amin ang mapadpad sa lugar na ito.

Nagkaroon ako ng maliit na business. Flower shop ito at maganda naman ang naging takbo. Hindi na rin ako bumalik sa pag-aaral pa dahil abala ako kay Freeda. Tahimik lang naman madalas ang anak ko at lagi lang nakamasid sa mga bagay. Her favorite flower is baby's breath. She's helping me to arranged some flowers at natutuwa akong masaya siya sa ganoon.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kila Papa. Gusto kong makilala nila ang anak ko pero hindi ko naman alam kung nasaan siya. Si Leader naman ay balita ko nakapagtapos na. Hindi naman na ako galit sa kaniya pero hindi ko rin alam kung kaya ko na ba siyang makita ulit.

"Hindi ko talaga alam kung kanino nagmana ang inaanak ko na 'yan!" sabi ni Van isang araw nang bisitahin niya kami ni Freeda.

May ugali naman siyang nakuha kay Leader pero mas lamang pa rin ang pagiging misteryosa ng anak ko. Kahit ang mga kaklase niya sa nursery school na pinapasukan niya ay hindi niya ka-close. Iniisip ko nga kung may galit o hinanakit ba si Freeda pero wala naman. Kusa kasi itong lalapit sa akin kung may gusto siyang sabihin o kung may iniisip siyang hindi niya maintindihan.

"Pero ang ganda talaga ni Freeda! Mas maganda pa nga sa'yo at hindi man lang naging kamukha ng tatay niya."

Ngumiti lang ako. Hindi ko naman sinektro kay Freeda ang tungkol kay Leader. Alam niyang buhay ang tatay niya, alam niya rin na hindi namin ito pwedeng makasama. Hindi niya na tinanong kung bakit pero kapag mas lumaki na siya, I'll explain everything to her. I don't want her to feel unwanted because she's not and will never be.

Freeda has been the source of my strength. Kahit pa bihira siyang ngumiti at hindi palasalita ay malalaman mo sa mga kilos niya kung gaano ka niya kamahal. Sa mga simpleng kilos niya ay napaparamadam niya na sa'yo ang tunay na nararamdaman niya.

"You can always talk to Leader, Dea." suhestiyon ni Van, "he's just somewhere in Manila! Hindi naman iyon kalayuan dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo."

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon