Kabanata 7

60.6K 1.7K 571
                                    

Kabanata 7

Kiss



Sakit at kirot ang una kong naramdaman sa aking ulo. Dumilat ako at agad na napaupo. Sinapo ko ang aking noo, pinasadahan ang sentido at hinilot ito.

"Ang sakit..." pabulong kong sabi.

Kahit na masakit pa ang aking ulo ay sinikap kong tumayo sa kinauupuan. Inunat ko ang aking mga braso. Bakit parang pagod na pagod ako?

Nang makita ko ang kabuuan ng lugar ay doon lamang ako natauhan. Ang puting marmol na nakapaligid, ang sahig na nababalot ng pulang carpet...hala ka! Nasaan ako?

Nilingon ko ang kamang hinihigaan ko kanina. Queen sized bed at magulo ang itsura nito ngayon siguro dahil naging malikot ako sa pagtulog kagabi.

Kinabahan ako bigla. Bakit wala ako sa kwarto ko? Kaninong lugar 'to at bakit ako andito?

Lumabas ako ng kwarto at halos takbuhin ko buong kapaligiran. Napahinto lang ako dahil sa pagkamangha. Malinis ang buong lugar. Pinaghalong puti, itim, at abo ang nasa paligid.

Una kong nalingon ang mga paintings na nakasabit sa pader. Puro ito abstract at ang iba ay hindi ko na alam. Wala naman akong kaalaman pagdating sa painting at arts.

"You're awake?" napatalon ako sa isang lalaking nagsalita. Baritono ang boses ng lalaking ito.

Nang tignan ko siya ay halos matumba ako sa aking kinatatayuan. Paano ako napunta sa kaniya? Nasaan si Van kung ganoon? Ano bang nangyari kagabi sa party ni Legend?

Party ni Legend...Oo! Andoon ako kagabi. Ang huli kong natatandaan ay kausap ko si Jameson at pinapainom niya ako ng isang mamahaling alak. Pagkatapos non ay hinatak na ako ni Leader papunta kung saan.

Hindi ko na matandaan ang iba. Lasing na lasing ba ako kagabi o mahina lang talaga ako pagdating sa alak?

"Let's eat." pambasag niya sa katahimikan dahil hindi ako nakasagot.

Lumakad ako patungo sa kinaroroonan niya. I can smell bacon and eggs. Napalunok ako nang wala sa sarili.

"Dea..."

"Y-Yeah?" nauutal kong tugon.

He deeply sighed. "You're spacing out. What's on your mind?"

Ang dami kong tanong sa kaniya pero nawawala lahat kapag tinitignan ko na siya. He's only wearing a white sleeveless top and black boxer shorts. Iniwas ko ang tingin doon dahil nakaramdam ako ng pag-init ng aking pisngi.

"S-Sorry..."

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Paano ba 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko. Iaangat ko na sana ang tingin ko nang mapansin kong iba ang suot kong damit. Malaki at mahaba ang puting t-shirt na 'to. Suot ko pa rin ang pantalon ko kagabi pero nasaan na 'yung itim na sweetheart top?

Nalintikan na ako!

"Leader..." mahina kong tawag. "Anong nangyari kagabi?"

He shook his head. Nilapitan niya ako at ganoon din kabilis ang naging pag atras ko. Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang kabuuan ay kinakabahan na ako. Sumama ba ako sa kaniya kagabi o sapilitan akong sinama? Hinuburan niya ba ako?

"Forget about that, Dea. You're drunk last night so it doesn't matter."

Napanguso ako. Mukhang wala naman siyang balak na sabihin sa akin ang nangyari. Baka hindi naman ganoon kahalaga kaya ayos lang na hindi ko malaman?

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon