Kabanata 3

69K 2K 769
                                    

Kabanata 3

Punch



Buong araw ako naging tulala pagkatapos ng nangyari sa canteen. Si Van ay patuloy akong inuusisa kahit na wala naman akong alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi ko rin naman alam kung bakit gano'n si Leader dahil ang huling usap namin ay noong nakaraang taon pa.

"Baka naman kursunada ka ni Leader?" biglang sabi ni Van habang inaayos ko ang aking gamit dahil papauwi na kami.

"Imposible 'yan, Van."

"Paanong imposible? Maganda ka at malaman!" pinasadahan niya ang katawan ko. I immediately blush because of what he said. "Ang sexy mo pa nga! Mukha kang 18!"

Umiling ako at sumunod na lang sa kaniya papalabas ng classroom. Patuloy siya sa pagsasalita habang ako ay tahimik lang at nakayuko habang naglalakad. Biglang tumigil si Van sa paglalakad kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Ngumuso siya sa harapan namin. Nasa labas kami ng court at mukhang may laro ngayon ang mga Grade twelve.

Tumili si Van kaya napatalon ako sa gulat. Hinatak niya ako papunta sa loob ng court at hinayaan ko lang siya. Hindi naman ako aarte dahil mukhang gusto niya lang manood.

"Go Edrick!!" sigaw ni Van sa aking gilid. Inayos ko ang salamin ko para makita ang mga naglalaro. Puro ito Grade twelve at mukhang practice game pero nakasuot sila ng jersey.

Nakita ko kaagad si Leader na may suot na Ellington 05. Kalaban ng grupo nila sila Jameson at mukhang seryoso silang pareho.

Sa kalagitnaan ng hiyawan ng mga nanonood ay nanatili akong tahimik. Nakatingin lang ako sa kanila pero ilang lingon ang ginawa ni Leader hanggang sa tumigil ang kaniyang titig sa pwesto ko. Kumindat siya at kasabay noon ang pagwawala ng buong sistema ko.

Ano 'yon? Para saang ang ginawa niya?

"Kinindatan niya ako!" sigaw ng isang babae na nasa ibabang harap ko.

Nakanganga si Van at niyugyog ako. "Haba naman ng hair mo?"

Nagkalapit si Jameson at Leader. Bantay sarado si Jameson kay Leader na ngayon ay nakangisi pa rin. Kahit nasa malayo ay kumikinang ang kaniyang hikaw.

Lumapit si Leader sa tainga ni Jameson at mukhang may binulong. Mabilis ang buong pangyayari dahil biglang sinuntok ni Jameson si Leader.

Nagtilian ang lahat at isa-isang umawat ang mga kasamahan nila. Kinakabahan ako pero nanatili akong nakatayo at nalilito na rin. Hinawakan ako sa kamay ni Van na naguguluhan din.

"Fuck you, Ellington! I told you to back off!" dinig kong sigaw ni Jameson habang hawak siya ng mga kasamahan niya.

Leader is smiling like nothing happened. He touched the side of his lip. Pumutok ito pero hindi ko alam kung bakit nakadagdag lang ito sa kapogian niya. Iniwas ko ang tingin ko.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Mas tumindi ang kabog nito.

Humalakhak si Leader at 'yon ang huli kong narinig bago kami namin nilisan ang court. Tipid kong nginitian si Van.

"May sapakan pa talagang ganap, 'no? Ano kayang problema?" nagkunwaring nag-iisip si Van pero nakatingin naman sa akin. "Baka ikaw?"

Sinimangutan ko siya. Nababaliw na ba talaga ang isang 'to? Baka may makarinig sa kaniya at pagmulan pa ng tsismis!

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon