Kabanata 10

64.7K 1.7K 348
                                    



Kabanata 10

Caught

"Van, ayos lang naman ako." ani ko sabay ngisi habang siya ay abala pa rin sa pakikipagusap sa doctor na tumingin sa akin.

"It's much better kung sigurado tayo," sagot niya sabay baling sa doctor

Inabala ko na lang ang pagaasikaso sa mga kagamitan ko. Alas siete pa lang ng umaga at pwede na raw kaming umuwi. Sina Leader at Bella ay wala dito sa hospital. Hindi ko lang alam kung babalik pa ba sila o hindi na. Siguro ay magkasama sila ngayon at nakalimutan na ako.

Naalala ko ang eksena namin kagabi ni Leader. He was so worried about me. Umiyak ako nang umiyak sa kaniya hanggang sa nakatulog na ako sa pagod. I feel so safe with him pero tila naglaho 'yon sa tuwing maiisip ko ang reaction niya kasama si Bella. Ang mumunting yakapan nilang dalawa ay nakakabahala.

Why am I even thinking about that? Kung gusto nilang magyakapan ay labas na ako doon! But Leader asked me kung papayag ba akong manligaw siya sa akin. Was it a lie? Isa lang ba ako sa mga napagtripan niya?

"There's nothing serious about your case, Ms. Costello. However, you've sprained your left leg and it will take you few more weeks for it to completely heal." aniya ng doctor. Tanging tango lang ang nasabi ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

Napanguso ako. Mukhang mahihirapan ako nito. Marami pa naman ang natamo kong sugat at kahit ang braso ko ay masakit. Ang kanang palad ko ay napuruhan ng gasgas kaya hanggang ngayon ay mahapdi.

"How about her forehead, Doc? Is it something serious?" si Van.

"Not really. It's just a normal wound and there's nothing to worry about." nakangiting sabi niya sabay tapik sa aking balikat. "You're free to go, Ms. Costello."

Tumango ako at saka kinuha ang phone kong kakatapos lang i-charge. Nakangisi si Van sa gilid ko at inasikaso na rin ako.

May pasok dapat kami ngayon kaso ayaw akong iwanan ni Van kahit na kaya ko naman. Mahihirapan daw ako kung mag-isa ako kaya naman ito ang plano niya. Samahan ako buong araw.

"Dito ka lang. Kukuha lang ako ng wheelchair para hindi ka mahirapan," pagpapaalam niya sa akin.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin habang ako ay tahimik na tinitignan ang mga sugat ko. Nasiraan ako ng bike at kahit ang salamin ko ay nabasag. Magpapagawa pa tuloy ako ng bagong salamin dahil hindi ako kumportable sa contact lenses.

Tanging puting spaghetti strap at shorts lang ang suot ko. Bawal pa akong nagsuot ng T-shirt at pants dahil mahihirapan ako sa ganoon. Mas maayos na rin ito para hindi hassle.

Habang hinihintay ko si Van ay biglang tumunog ang phone ko. It was a call from my mother. Tingin ko ay dapat kong ipaalam ang lagay ko sa kanila. They deserve to know everything becauae I am their daughter.

"Ma..." mahina kong sagot sa kaniyang tawag.

"Good morning, hija. You getting ready for school?" baritonong boses ang bumungad sa akin. This is probably my dad. Mas kinabahan tuloy akong magsabi.

"H-Hindi po..." napakagat labi ako. "Nasa ano po ako...hospital,"

Biglang pumasok si Van. Nakatitig siya sa akin at tulak-tulak pa ang wheelchair. Kumunot ang kaniyang noo kaya naman nilagay ko ang index finger ko sa aking labi para hindi siya magsalita.

"What? What happened to you, Dea? Nawala lang kami ay naaksidente ka na?!" tumaas ang boses ni papa at gusto ko na siyang pakalmahin dahil baka atakihin pa siya ng highblood.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon