Kabanata 12

53.8K 1.4K 308
                                    

Kabanata 12

Lose


Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa kaniya. Sunod-sunod ang naging pag lunok ko at pigil ang bawat malalim na paghinga. Ganito kalakas ang epekto sa akin ni Leader. Sa tagal nang hindi naman pagkikita ay hindi ko aakalain na magiging ganito ang reaksyon ko.

Humaplos ang kaniyang palad sa aking pisngi. Napapikit ako dahil sa init ng kaniyang palad. "You're cold..."

Siguro ay nanlalamig na ako dahil kanina pa ako dito. Malakas ang ulan at hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makakauwi.

Nanatili pa rin akong tahimik. Umigting ang kaniyang panga na naging dahilan kung bakit sunilay ang kaniyang dimple.

"You're now okay with Jameson?" biglang tanong niya.

"H-Hindi ko naman siya nakaaway e," mahinang tugon ko sabay iwas ng tingin.

Nanatili ang kamay niya sa aking pisngi. Ang sunod kong naramdaman ay ang mainit niyang hininga sa aking noo. Mas lalo akong napalunok at patuloy ang kabog ng dibdib ko.

"You're gonna be his date?"

Mas dumikit ang kaniyang katawan sa akin. Hindi ako nakagalaw. Bakit ba bigla na lang siyang andito? Ang tagal niya akong hindi kinausap. Anong dahilan ara lapitan niya ako ngayon?

"Wala naman masama kung pumayag ako..." diretso ngunit mahina kong sabi.

Hinawakan niya ang baba ko. Inangat niya ito kaya nagtama ang paningin naming dalawa.

Mukhang kumikislap ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakakahilo ang kaniyang tingin pero gusto ko ito sa pakiramdam. Masarap siyang titigan. Sobrang sarap.

Walang salita niya akong siniil ng halik. Napapikit ako ng mariin habang ang dalawang kamay ko ay humawak sa kaniyang matigas na dibdib.

He kissed me passionately. I feel so high.

He nibble my lower lip, I gasped for it. He tightly cupped my cheeks while his other hand silently went into my back, pushing me closer on his body.

Pakiramdam ko ay mali itong ginagawa namin pero hindi ko mapigilan. Hindi ito tama! Walang namamagitan sa amin at isa pa, nasa labas lang kami ng school. Maaaring may makakita sa ginagawa namin. Hindi ito pwede.

Sinikap ko ang buong lakas ko para maitulak siya. Nagawa ko siyang mapabitiw sa aming halikan. Nakaawang pa ang bibig ko, hinihingal.

Namumula ang kaniyang labi nang pasadahan niya ito ng kaniyang dila.

Hindi na ako nagsalita. Kumawala na ako sa kaniya at walang sabing tumakbo kahit batid ko kung gaano kalakas ang ulan. Kakasugod ko nga lang ay basang basa na kaagad ako.

"Dea!" sigaw niya sa pangalan ko pero patuloy ako sa pagtakbo.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Bakit ba sa tuwing hahalikan niya ako ay para bang lumulutang ako? Bakit ba ako pumayag? Ayokong makasira sa kung anong relasyon nila ni Bella. Iniwasan niya ako sa hindi malaman na dahilan at hindi pwede itong ginawa niya.

Ang tanga ko.

Kaagad akong napaharap nang hatakin niya ang braso ko. Walang tao sa paligid. Sobrang lakas ng ulan at pareho kaming basa na dalawa.

Bawat patak ng ulan na tumutulo sa kaniyang mukha ay napakagandang tignan. Bumakat pa ang kaniyang matipunong katawan sa suot niyang uniporme. Siguro bumakat na rin ang suot ko bra?

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon