Chapter 5

80 4 0
                                    

Habang naglalakad ako, parang may sumusunod sakin. Kinakabahan na ako. Nahihiwagaan ako sa mga nangyayari ngayon.

Napahinto ako at lumingon. Wala namang tao ah..nagpawalang bahala na lang ako.

' kailangan ko ng umuwi' sa Isip ko.

Ngumiti ako at patuloy ng naglakad

................

Sa wakas nakarating din. Bubuksan ko na sana ang pinto pero parang may napansin ako. Bukas yung pintuan?! Sa pagkakaalam ko, ni lock ko ang pintuan nung palabas na ako.

'Parang may tao sa loob ng bahay ah, sino na naman kaya?'

Naghanap agad ako ng kahoy, pang proteksyon lang sa sarili ko!

Unti-unti Kong pinasok ang bahay. Nagpalinga-linga habang hawak ang kahoy. Pinasok ko ang kusina, pero walang tao. Umakyat ako ng bahay, pero walang tao.

" wala namang tao ah! Pero bat bukas ang pintuan sa baba, hmmf."

Lumabas ako ng kwarto ni mama, at pumunta sana sa kwarto ni bunso ng may naaninag ako sa mismong kwarto ko. Parang may tao doon.

Dahan dahan kong tinahak ang kwarto ko. ' sino kaya ang nasa loob niyon?'

Ng NASA harap na ako ng kwarto, nagulat ako ng biglang may sumigaw sa loob niyon. Boses babae, ang nakakapagtaka, bat parang boses ko, ang narinig ko?

Unti-unti kong binuksan ang pintuan, ng mabuksan ko na ito, tumambad sakin ang isang babaeng nakaupo habang nakayuko sa gilid ng kama ko. Umiiyak ito habang may binubulong, Hindi ko maunawaan kung ano ang binubulong niya..

Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumayo, halos lumuwa ang sikmura ko ng makita Kong duguan ang katawan niya. Halos tanggal ang lamang loob ng katawan niya.

Unti-unti akong umaatras...

At unti-unti niyang inaangat ang kanyang mukha.

Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mukha.

Kamukha ko siya?! Panong nangyari?

Umiiyak siya habang nakatingin sakin, pero unti-unti siyang ngumiti hanggang sa ngumisi, patay malisya! Ngising demonyo!

Natatakot na ako,

Atras ako ng atras.

Nag iba na ang itsura niya. Itsurang galit!

" ikaw ang may kasalanan kung bat ako namatay?!"

Ang boses niya parang hinugot sa ilalim ng hukay..

" wala akong kasalanan sa pagkamatay mo!"

Bigla ngumisi! Pinipilit niyang lumakad, lakad parang Zombie.

Atras ako ng atras!

"Wag kang lumapit! Wag kang lumapit!"

Hanggang nagulat ako sa sumunod na  nangyari..

Tumakbo siya papunta sakin..

" waaaaaaaggggggggg!!!!!!"

Sigaw ko, sigaw na parang hinugot sa ilalim ng hukay!

Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Hanggang sa natumba ako..

....................

" anak? Sama ka na sa amin, gusto ka na namin makasama" anang isang boses matanda.

Bat madilim? Wala akong ibang makita kundi dilim...

" hello? Sino po sila? Sino pong anak?"

" ate, San ka?" Anang isang batang babae.

Nagpalinga-linga ako at napalingon..wala namang tao ah.. Sino ang nagsasalita?

" magpakita kayo please? Sino kayo? San ako?, sagutin niyo ang tanong ko?"

Napapaiyak na ako sa nangyayari sakin ngayon...

"Tuloooongggggg!!!"

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now