Chapter 36

8 1 0
                                    

"Jenny" tawag sakin sa labas ng kwarto.

Haist! Nakakainis talaga ang tumatawag.

"Jenny!"

Napatingin ako sa pinto ng mapagtanto kong boses nga iyon ni edward. Agad-agad akong bumaba ng kama at binuksan iyon.

Pagbukas ko, si edward nga. Ngumiti ito.

"Oh, edward? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, na miss lang kita" aniya sabay yakap sakin.

Napa isip ako't nagtataka, bat kasama ko na ngayon ang mga taong matagal ng patay maliban na lang kay edward. Patay na rin ba siyang katulad nina mama? Malaking tanong sa isip ko.

"Edward?" Tawag ko sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Tinignan niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" agad tanong ko sa kanya.

Tumawa siya.

" syempre dinadalaw ka. Bakit bawal na ba kitang bisitahin?"

Umiling ako. Naglakad at umupo sa kama. Naguguluhan ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon.

Umupo na din sa tabi ko si edward.

"Oh! Jennie, anong problema?"

Tumingin ako sa kanya.

"Naguguluhan ako edward, bat andito ka? Bat kasama natin sila?"

"Huh? Bakit ayaw mo na silang makita?" Tanong niya sakin.

Maging kay edward parang may pinagbago. Hindi ba niya alam na patay na ang pamilya ko?

Pero siya mismo ang nagdala sa amin sa hospital nung nangyari ang trahedya. Pero hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sa amin noon. Kasi sa mga panahon na yun himbing akong natutulog sa mismong kwarto ko o ng kakambal ko. Basta ang alam ko, nasa hospital na kami. Kahit hindi ko masyadong makita kung sino ang nagdala sa amin sa hospital nakakasigurado akong si EDWARD yun dahil ramdam ko.

"Jennie naman, ang lalim naman ng iniisip mo" pukaw niya sakin habang sumasagi sa isip ko ang mga nangyari noon sa amin.

"Huh? Wa-wala edward"

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Alam ko tinignan ako ni edward.

" san ka pupunta jennie?" Pahabol niyang sabi sakin.

Narinig ko iyon, pero hindi na ako nagsalita. Patuloy lang ako sa paglalakad... napahinto ako ng makita ko ang pamilya ko sa salas. Tinignan nila ako. Parang galit ang mga ito. Mababangis ang mga mukha.

"Jennifer?" Tawag ko sa kanya.

Pero hindi siya tumitinag sa kinauupan niya. Natatakot na ako. Nanginginig na ako sa takot, dahil pakiramdam ko bumangis ang kanilang mga itsura. Akmang tatayo na sila na paatras naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paatras ako ng paatras.

Paatras ako ng paatras hanggang parang naramdaman kong parang may nag aabang sa likod ko.. napahinto ako. Unti-unti akong lumilingon.

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at yayain tumakbo palayo sa pamilya kong parang nagngangalaiti.

"Takbo lang ng takbo, wag kang huminto, alam kong nandyan pa sila sa likod natin"

Habang tumatakbo pilit kong tignan ang kanyang mukha. Pero ayaw niya iyon ipakita.

"Sino ka? Bat lagi mo akong tinutulungan?" Tanong ko sa kanya.

Pero hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Parang wala lang siyang narinig. Nagkibit balikat na lang ako.

Alam kong si elthon ito. Ramdam kong si elthon ang kasama ko ngayon... alam kong ligtas na ako dahil kasama ko na ang lalaking lihim kong minamahal....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now