Chapter 62

3 1 0
                                    


Nakarating kami ni Miguel sa bahay.  Wala pa rin kaming imik. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ni Miguel ng pinto. Bumaba ako.  Inalayan pa niya ako sa pagbaba.  Hinawakan ni Miguel ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

" jennie"

Napatingin ako kay Miguel.

Napatayo kami sa tapat ng bahay ni Elthon. Saktong lumabas din si Elthon. Napatingin ito sa amin.

" mahal kita jennie" ngumingiti ito sa akin. Unti-unti niyang inilalapit sa labi ko ang kanyang labi. Hangganga tuluyan na akong hinalikan ni Miguel.  Lahat ng yun nakita ni Elthon.  Nakita ko din na napayuko siya at pumasok na sa bahay.

Napayuko ako.

" bakit jennie? " tanong sakin ni Miguel.

Umiling ako. Napatingin sa kanya at pilit ngumiti. Hinawakan ni Miguel ang aking mga kamay ko. Hinalikan niya iyon.

" mahal na mahal kita jennie,  sana maging akin ka na" aniya. Hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako ng aking mga mata.

" alis na ako huh? " aniya.

Tumango lang ako.

Sumakay na siya ng kotse at pinaandar niya na iyon. Naiwan akong mag isa sa labas ng bahay habang tinitignan ang papalayong kotse ni Miguel.

Napayuko ako at napabuntong hininga. Pumasok na ako sa bahay.  Binuksan ko ang pintuan ng bahay.  Pagkapasok ko,  nakita ko si Elthon nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape.  Habang nagbabasa ng magazine. Napatingin kami sa isa't-isa.  Ako na ang unang bumawi ng tingin.  Nagtuluy na ako sa hagdan.  Napahinto ako ng tawagin niya.

" jennie! " tawag niya sa pangalan ko... " musta ang date niyo? " aniya.

Napatingin ako sa kanya. Pilit ngumiti.

" ok lang naman.  Ma-masaya kahit papano" nasabi ko na lang.

" ahhh, mabuti naman. "

Tumango lang ako,  tumalikod na ako sa kanya,  napakagat ako sa labi ko. Muntik na naman tumulo ang luha ko.

Nagsimula na akong umakyat ulit ng hagdan.

" masaya ka ba sa kanya jennie? " napahinto ulit ako. Kung alam lang talaga niya na siya ang tunay kong mahal.

Nag thumbs up lang ako.  At nagtuloy na sa pag akyat.

Pumasok ako sa kwarto.  Napasandal ako sa pintuan. Napabuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mga luha. Lumapit ako sa kama.  Inilapag ko ang aking bag sa kama.  Pumasok ako sa banyo..

Naghilamos ako,  nakita ko pa ang mukha ko sa salamin..  Nakita ko ang mukha ko na punung-puno ng lungkot sa mga mata. Napabuntong hininga ako.


                                   Now playing
                              Kung akin ang mundo
                               By: Khalil Ramos

Lumabas ako ng banyo.  Magpapahinga na siguro ako... Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Elthon,  nakaupo sa kama.

" jennie,  mag usap tayo" panimula nito.

Mag usap? Totoo ba ang naririnig ko?  May pag uusapan kami?

" tungkol naman saan? " tanong ko sa kanya. Nagkunwari akong busy nagligpit ng mga gamit.

Tumayo ito at lumapit sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

" jennie, sorry" hinging paumanhin nito.  Napatingin lang ako sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay,  nagulat ako ng hawakan niya ang aking mga kamay. Tinignan niya ako sa mga mata.  Hinawakan niya ang aking pisngi.

" jennie,  sorry kung napaka torpe ko"

Tinignan ko lang siya sa mga mata.... Napayuko ito.

" noon ko pa 'to gustong sabihin sayo jennie"

Kinakabahan na ako sa susunod na sasabihin ni Elthon.

" hindi ako masaya na nakikita kong magkasama kayo ni Miguel.  Nasasaktan ako jennie" aniya.

Napatingin ulit ito sa mga mata ko.

" hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Kung bat ako nasasaktan ng ganito" napapaluha na ito.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti ako.

" alam mo masaya ako ngayon" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

" sorry kung ngayon lang ako jennie huh? Ayoko kasing masaktan ka eh,  natatakot akong saktan ka"

Napayuko ako. Namula ang aking mga pisngi.

" mahal kita Jennie,  pero huli na ako.  Kayo na ni Miguel" aniya napayuko din ako.

Napaangat ako ng tingin. Gusto kong sabihin sa kanya na walang kami ni Miguel. gustung-gusto kong sabihin yun sa kanya. Ngayong alam ko na,  na mahal din niya ako.

Mysterious (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang