Chapter 51

11 2 0
                                    

Parang may kung anong liwanag ang nakita ko. Narinig ko ang mga boses nila. Nagkakagulo. Parang may kung anong itunurok sa braso ko.... mga ilang minuto. Unti-unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog....

...................

" sinungaling ka! Sabi mo bigyan mo kami ng hustisya jennie? Asan na ang hustisya na sinasabi mo? Sinungaling!" Aniya na galit na galit ito...

Lumingon ako. Nakita ko si jennifer. Galit na galit ang mukha. Nakikita ko ang kanyang maputlang mukha, wakwak ang 'tyan at tumutulo ang dugo....

" sinusumpa ko jennie! Ang kamay mo! Ay kamay ko na din! Sino man ang mahawakan mo. Kukunin ko ang buhay na kapalit ng buhay ko!" At humalakhak ito. Humalakhak ito ng humalakhak hanggang sa tuluyan na itong naglaho... napatingin ako sa kamay ko..nagtataka.. sana hindi uubra ang sumpa na ginawa ni jennifer. Ayokong mapahamak ang mga taong mahalaga sa akin..

Nag iiyak ako ng nag iiyak. Naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada, napakadilim  na animo'y nababalutan ng lagim. Takot na takot na ako. Sapo ko ang dalawa kong braso. Nanginginig na ako sa takot, pakiramdam ko, parang may mga matang nakamasid sa akin. Mata na kahit anumang oras kaya akong patayin.. napahinto ako sa paglalakad ng may makita ako sa daan. Babaeng nakaputi. Nakaupo habang nakayuko. Punung-puno ito ng dugo. Humihingi ng tulong...lalapitan ko na sana ng may magsalita sa likod ko.

" wag mong lalapitan kung ayaw mong magsisi" aniya.

Napalingon ako. Wala namang tao ah, nahihiwagaan na talaga ako....

Kailangan ko ng makaalis sa lugar na 'to, parang mapanganib. Lumakad ako ng mabilis hanggang sa naging takbo na ang ginawa kong paglakad.. bahala na basta kailangan kong makatakas sa lugar na nababalutan ng dilim...

Lakad lang ako ng lakad, hanggang napunta ako sa isang silid. Nakita ko ang bangkay ng mga tao. Nagtataka ako, bat ako napunta dito gayong nasa kalsada ako? Tinignan ko isa-isa ang mga bangkay. Nakita ko ang bangkay nina Tita, Ana, Jeffrey At Lola Nora. Napatigil ako sa paglalakad. Lalapitan ko na sana ng may bumulong na naman sa likuran ko.

" wala na sila, katulad mong patay na!" Sabay tawa nito.

" hindi totoo yan! Hindi totoo yan!" Pasigaw kong sabi at nagpahagulgol na ako ng iyak. Iyak na na parang naging panaghoy ng isang kaluluwang hindi matahimik..

Lumabas ako sa kwarto na yun, hindi ko matagalan ang nakikita ko. Nagtatakbo ako at nag iiyak. Hindi ko alam kung san na ako pupunta. Ang dami ko ng nadaanan na silid.. takbo ako sa pasilyo ng hospital, napatigil ako ng may makita ako sa ICU. Nagkakagulo ang mga tao sa loob niyon. Pinagkakaguluhan nila ang isang babae. Nagkakagulo ang mga doctor pilit nilang isinasalba ang buhay ng babaeng iyon... tinignan ko iyon ng maigi. Nagulat ako ng mapagtanto kong, ako nga ang babaeng iyon. Napatulo ang luha ko.

" hindiiiiiii!!!!!!" Sigaw ko na tanging ako lang ang nakarinig.

" hindi pa ako patay!!!, ayoko pang mamatay!" Pahagulgol kong sigaw.

Umiyak ako ng umiyak. Pumasok ako sa silid na iyon. Nakita ko ang katawan ko. Duguan pa rin ito..

"Kailangan gumawa ako ng paraan para mabuhay ako" sabi ko sa aking sarili...

Lumabas ako ng silid. Nagulat ako ng makita ko si Elthon. Parang hindi ako nakita ni hindi man lang niya ako tinignan.

" elthon, tulungan mo ako, tulungan mo ako mabuhay ulit." Sabi ko na tanging ako lang ang nakarinig.

" jennie!" Umiiyak ito. Pumasok siya sa silid.  Tinabunan na ako ng kumot na puti.

" sorry sir, ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya pero hindi na kinaya ng katawan niya.

Nagsisigaw siya. Sinuntok niya ang dingding ng hospital..

" jennie, ang daya mo!" Pahagulgol nitong sabi.

" diba sabi ko babalikan kita, oh! Heto na ako ngayon, pero bat mo ako iniwan?"

Hinawakan niya ang aking mga kamay.

" jennie, nagmamakaawa ako, bumalik ka na sa akin oh" pagmamakaawa nito.

Kitang-kita ko siya habang umiiyak. Tumulo ang luha niya sa mga kamay ko.

Binalingan niya ang doctor.

" doc! Gawin niyo po ang lahat mabuhay lang siya, magbabayad po ako ng malaking halaga. Mabuhay lang po siya" pagmamakaawa nito.

Unti-unting gumalaw ang daliri ko. Pero hindi nila napansin iyon. Nakita iyon ng isang nurse na nakatayo malapit sa higaan ko.

" doc! Nag respond ang katawan niya"

Agad naman napatingin ang doctor sa katawan ko. Agad niyang inexamine agad.

" clear! Nag respond ang pasyente! We need to hurry!" aniya.

Binalingan nila si Elthon. Nagulat sa nangyari.

" sir sa labas muna po kayo".

" gawin niyo po ang lahat, mabuhay lang siya"

Tumango lang ito....

Naghihintay naman sa labas si Elthon. Nakaupo sa silya. Patayo-tayo at paupo-upo ang ginawa niya. Palakad-lakad ito. Hindi mapakali....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now