Chapter 30

14 1 0
                                    

Naglalakad kaming tatlo sa kalsada. Napakatahimik naman nila. Walang imik sa isa't-isa. Bakit kaya?

"Hmmf! San tayo pupunta?" Pukaw ko sa katahimikan na kanina pa nagaganap.

Napatingin sila sakin.

"Oh! Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Diba sabi mo may lakad kayo ngayon ni elthon? Oh! San kayo pupunta jennie? Atsaka sumama lang ako kasi ayokong mag isa sa bahay"

" huh? Wala kaming lakad ngayon ni jennie!"

Tumingin sakin si elthon. Yumuko na lang ako. Napahiya. Ngumiti si elthon.

"Tayo lang lang ba jennie ang may lakad?" Tanong sakin ni elthon habang gumingiti.

"Parang date yun ah" pahabol niya pang sabi.

Lumayo na lang ako sa kanya dahil alam ko nakatingin samin si edward.

Napatingin na lang sila sakin, pakiramdam ko pinagtatawanan nila ako. Haist! What the f***. Nakakahiya.

"Jennie, hintayin mo naman kami oh, ang layo mo na sa amin". Tawag sakin ni edward.

Huminto ako, ayokong makita nilang namumula ang aking mga pisngi. Ayokong mahalata nila na nag 'blush' ako.

Lumapit sila sakin sa ako inakbayan ni edward, nakita iyon ni elthon, yumuko na lang ito...

Ngumiti ako.

"Alam mo bro! 'Tong si jennie, pag inlove namumula ang mga pisngi, diba jennie?" Tanong sakin ni edward.

Haist! Wala talagang mapagtripan ang dalawa 'to! Napapailing na lang ako habang nakangiti.

" ako na naman ang pinagtitripan mo niyo huh?"

Tumawa silang dalawa. Takot akong mahalata na nag blush talaga ako.

" jennie, alam mo bang ang cute mo" ani elthon.

Napangiti ako at napayuko.

"Uyy! Nag blush siya elthon" puna sakin ni edward.

" ano ba! Ed"

Nag inis-inisan ako para hindi ako mahalata.

" hmmf, i love you jennie" edward.

Napatingin ako kay edward. Pilit ngumiti. Alam kong napatingin din samin si elthon.

"Tara! Malapit na tayo sa sakayan." Ani elthon.

At hinawakan ni elthon ang kamay ko. Napatingin ako kay elthon ganun din si edward.

Napahinto si elthon. Napatingin sa kamay naming dalawa. Napatingin si elthon kay edward.

" bro! Walang ibig sabihin nito, kaibigan lang kami ni jennie, wala ka dapat ikaselos." Parang may gumuhit na sakit nung tumingin ako sa mga mata ni elthon. Alam kong nasasaktan siya. Nasasaktan din naman ako, hindi si edward ang gusto ko kundi si elthon. Kung alam niya lang na siya ang gusto ko. May pag asa siguro na maging kami. Mahal na mahal kita elthon sigaw ng puso at isip ko.

" oo naman bro! Basta magkaibigan lang kayo huh?" Ani edward at ngumiti ito. " dahil mahal na mahal ko 'tong si jennie, wala ng makakaagaw pa sa kanya" inakbayan niya ako. Napatingin ako kay edward.  Napatingin din ako sa kamay ko na kanina pang hawak ni elthon.

Napayuko ako. Biglang inalis ni elthon ang kamay niya sa kamay ko.

"Tara!" Pilit ngumiti ni elthon at nagpatiuna na ito..

Habang si edward naman nakaakbay sakin.

" ed! Diba sabi ko magkaibigan lang tayo?" Sabi ko sa mahinang tinig.

"Mahal kita jennie" sabi ni sakin ni edward.

" pero alam mo naman kung sino ang mahal ko diba?" Tanong ko sa kanya.

Inalis niya ang kamay niya sa mga balikat ko.

" alam ko na kung sino siya"

Tumingin siya sakin. Napakaseryoso niyang makatingin. Napayuko ako.

"Si elthon diba? Si elthon na kababata ko sa states, si elthon na matalik kong kaibigan para na nga kaming kapatid, si elthon na kaagaw ko dyan sa puso mo. Si elthon na mahal mo, wala naman talaga akong panlaban sa kanya eh, ano ba naman ako sayo? Isang hamak na kaibigan lang diba? Hanggang dun lang ang papel ko dyan sa puso mo"

"Sorry" hinging paumanhin ko. Napailing siya.

"Alam ko na jennie, hindi mo ako kayang mahalin"

Napaluha siya. Sinipa niya ang bato ng may makita siya sa daan.

Napakagat labi na lang ako.

Alam ko nasaktan ko si edward. Humihingi ako ng paumanhin sa kanya, hindi ko talaga siya kayang mahalin. Si elthon pa rin ang laman ng puso ko. Siya pa rin.

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now