Chapter 78

3 2 0
                                    


" salamat huh? Dahil nandito ka ngayon para samahan ako"

Inakbayan niya ako.

" oo naman Jennie,  basta pag kailangan mo,  andito lang ako bilang kaibigan mo na handang dumamay sayo" aniya.

Napangiti ako ng bahagya. Napatingin sa kanya.

" Bakit kaya ganun Edward noh?  Ginawa ko naman ang lahat para lang sa kanya,  pero bat ganun pa ang igaganti niya sakin? Nagkulang ba ako?  Hindi pa ba ako sapat sa kanya? "  may namumugtong mga luha sa aking mga mata.

" jennie, hindi ka nagkulang,  sadyang barkada ko lang ang sira dahil sinaktan ka,  alam mo kung ako sa kanya"

Napatingin ito sa akin,  sabay punas ng aking mga luha.

" iingatan at aalagaan kita,  kasi ang swerte ko dahil may Ikaw"

" ang sakit pa rin Edward. Hindi ko na alam ang gagawin ko" napapaiyak na ako.

Niyakap niya ako.  Dinamayan sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.

.........................

Araw-araw akong nagmumukmok. Ni ayaw kumain.  Nasa loob lang ako lagi ng kwarto.  Walang gana sa lahat.  Laging umiiyak.

" jennie,  halika na kumain na tayo,  buksan muna ang pintuan" anito.  Sa labas ito ng kwarto.  Kumakatok.

" wala akong gana Edward,  mauna ka ng kumain"

Sabi ko dito habang nakahiga,  yakap-yakap ang unan habang nakakumot.

" hindi pwedeng hindi kumain,  ilang araw ka ng walang kain. Halika na,  sige ka papayat ka niyan"

" ok lang Edward.  Kumain ka na"

"Jennie" tawag nito sa akin.

Pinikit ko na lamang ang aking mga mata. Habang tumutulo ang aking mga luha.

Ang hirap kalimutan ng taong minahal mo na ng sobra pero nakuha ka pang lokohin. Idinilat ko ang aking mga mata.  Napaupo ako. bigla napako ang tingin ko sa isang lamesa.  May kutsilyo doon. Tumayo ako. Tinungo ko ang lamesa. Kinuha ko ang kutsilyo.  Ito na ba ang sagot sa mga problema ko ngayon? Ito na ba ang tatapos? Pagod na din ako. Pagod na pagod na ako.

Unti-unti kong sinusugatan ang aking sarili.  Pakiramdam ko manhid na ang buong katawan ko.  Hindi ko ramdam ang sakit ng hiwa. Tumulo ang sariwa kong dugo sa sahig. Tinignan ko lang iyon.  Napapangiti.  Napapaiyak.  Para na akong baliw.

Baliw na nga ako.  Baliw na baliw.... Wala na akong pakialam ngayon sa sarili ko.  Gusto ko ng mamatay.

Napatingin ako sa may salamin. Nakita kong may nakaupo doon. Babae!  Tumatawa ito habang ginagawa ko ang paghiwa ko sa aking sarili.

Tinignan ko ulit ang babaeng iyon.  Hindi ito tumitingin sa akin. Nakaupo ito habang suklay nito ang kanyang mahabang buhok. Nakatingin ito sa salamin. Namumutla.  Puno ng dugo ang kanyang mga damit.

Sa bawat paghiwa ko,  humahalakhak naman ito. Halakhak ng isang kaluluwang hinugot sa ilalim ng lupa. Nakakatakot ang boses nito.

Pakiramdam ko,  parang mauubusan na ako ng dugo.  Biglang dumilim ang paningin ko.  Hanggang tuluyan na akong bumagsak at nawalan na ng malay.

......................... 

Nasa madilim ako ng kalsada.  Naglalakad. 

" san ako? " natanong ko sa aking Sarili. 

" Edward? " tawag ko sa pangalan gustong tumulong sa akin.

Natatakot na ako sa lugar na 'to.  Walang tao.  Wala akong makitang tao. Kanina pa ako naglalakad dito pero wala akong makita kahit bahay man lang na pwede kong tuluyan.

Naglalakad lang ako sa kalsada na yun,  walang katapusang lakad...  Hindi ko alam kung pano ako napunta dito.  Basta ang alam ko nasa loob ako ng kwarto.  Pero bakit pag gising ko nandito na ako sa lugar na 'to?  San na si Edward para tulungan ako.  Tuluyan na din ba akong iniwan ni Edward?  Napaluha ako....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now