Chapter 42

10 2 0
                                    

Tumatakbo ako ng may mabangga ako.

"Araykup!" Hinihimas-himas ko ang aking ulo. Napatingin ako sa harap ko. Isang lalaki ang nabangga ko. Tulad ko hinihimas din niya ang kanya ulo. Napatingin siya sakin. Agad-agad siyang tumayo at tinulungan din akong tumayo.

" ok ka lang miss?" Tanong niya sakin ng may pag aalala.

Tumango lang ako. Agad akong umalis

Paika-ika akong lumakad. Napahinto ako ng tawagin ulit ako ng lalaki.

" miss hintay!"

Lumingon ako.

Inabot niya sakin ang isa niyang kamay. Mukhang makikipag shake hands ito.magpapakilala.tinignan ko lang iyon.

" im elthon, ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya sakin.

" jennie" mahina kong tugon. At umalis na ako. Isa naman siguro mamatay tao yun. Magpapakilala then pag nakuha na ang atensyon. Papatayin lahat ng kapamilya mo. Napaluha ako ng sumagi sa isip ko ang nangyaring karumal-dumal na nangyari sa pamilya ko. Hindi ko matanggap na wala na sila. Wala na akong jennifer na kasama sa kulitan, awayan, asaran, kalaro. Wala na ang kakambal ko na mahal na mahal ko. Wala na sina mama at papa si unso. Wala ng magpapayo sakin kung ano ang tama at mali. Wala ng mag aalaga sakin. Wala na ang pamilya kong mahal ako. Wala na si mama na magaalaga sakin at ipagtatanggol ako sa mga may umaaway sakin. Wala na sila at lahat ng yun ay kasalanan ko. Kasalanan ko dahil nagtiwala ako sa lalaking yun! Mas pinili ko siya kaysa sa pamilya ko! Walang akong kwentang anak! Wala.

Tumutulo ang luha ko habang naglalakad. Naiisip ko ang mga masasaya naming alala. Napayuko ako. Napahinto ako ng may napansin akong sumusunod sakin. Unti-unti akong lumilingon. Paglingon. Isang lalaking may hawak na kahoy ang bumulaga sakin. Pinalo ako sa ulo.

" blog!"

Nagdilim ang paningin ko. Nakita ko ang mukha ni edward. Nakangisi ito.

"Akala mo makakatakas ka sakin jennie? Nagkakamali ka!" Aniya at humalakhak ito.

Ramdam kong binuhat niya ako. Hanggang sa hindi ko na makaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nawalan ako ng malay.

..................

Narinig ko ang wangwang! Ng ambulansya. Ang bigat ng ulo ko. Hindi ko man lang madilat ang aking mga mata. Hindi ko magalaw maski katawan ko. Ramdam kong nagkakagulo ang mga tao sa loob ng sasakyan. Parang merong nilagay sa ilong ko at tinusok sa kamay ko. Manhid ang buong katawan ko. Naisip ko, ito na ba ang mga taong tutulong sa akin? Sana sila na.

Pilit kong idilat ang aking mga mata pero hindi ko kaya. Ano kaya ang nangyayari sakin, mamatay na kaya ako?

.....................

Naramdaman kong binaba nila ako sa sasakyan habang nakahiga ako. Ramdam ko din nung itulak nila ang kama na may gulong. Dinig ko ang mga taong nagkakagulo...

Ramdam kong ipasok nila ako sa isang silid. Ramdam ko din na may itinusok sila sa braso ko. Hanggang sa unti- unti akong umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko, inaantok ako, hanggang tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari... basta ang alam ko nakatulog. Mahimbing ng mahimbing...

............................

Nasa madilim na lugar ako. May naaninag akong tao. Papalapit ito ng papalapit sa akin. Isa na naging dalawa hanggang sa naging apat ito. Nakaputi ito... papalapit ito ng papalapit sakin.....

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now