Chapter 35

19 2 0
                                    



Parehas kaming napa 'aray! Ni jennifer. Namilipit kami sa sakit.

"Ligtas na kayo" aniya. Boses lalaki.

Napaangat ako ng tingin.

Nabigla ako. Walang mukha ang kaharap ko. Pero alam ko kung kaninong boses yun. Kay ELTHON!

" sino ka?" Tanong ko sa lalaki na nagligtas sa amin.

" hindi mo na kailangan pang malaman" sabi niya sakin at tumalikod na siya sa amin.

Nagtataka ako. Sino kaya ang lalaking yun na nagligtas sa buhay namin ni jennifer?

"Kailangan muna natin magtago dito, delikado pa sa labas" sabi ni jennifer.

"Kilala mo kung sino ang lalaking nagligtas satin?"

" hindi mo na kailangan pang malaman, ang hirap sayo jennie, hindi mo pinapahalagahan ang mga tao, nandyadyan naman para sayo" galit niyang sabi sakin.

Nagtaka ako. Anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya? Hindi ko talaga maintindihan si jennifer.

"Jennifer anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig. Hindi niya sinagot ang tanog ko sa kanya.

Inulit ko iyon.

"Jennifer, anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan" sabi ko sa kanya.

Agad niya akong tinignan. Tinignan niya ako ng masama.

"Dahil sayo jennie, namatay kaming lahat; makasarili ka!, dapat sayo pinapatay din!"

Nagtaka ako.

"Bakit dahil sakin? Jennifer ano bang ginawa ko?" Umiiyak na ako. "Sabihin mo sakin, para naman malaman ko."

Tumingin siya sa malayo.

"Magpahinga ka na jennie, alam kong pagod ka na"

At umalis na siya.

Naiwan akong naguguluhan. Gulung-gulo ang isip.

Hindi ko alam kung san pupunta si jennifer. Bahala na. Humiga ako. Pinikit ang mga mata... nagising ako ng may narinig akong nagsasalita.

Minulat ko ang aking mga mata. Umupo at nagpalinga-linga.

Tumayo ako at nag ayos ng buhok. Lumabas ako ng bahay.

Nakita kong may kausap si jennifer.

Dalawang matanda. Hindi medyo katandaan. At isang batang babae. Tinignan ko lang sila.

Agad akong tawagin ni jennifer.

"Jennie! Halika! Andito sina mama, papa at bunso"

Napatingin ako kay jennifer at napatingin ulit ako sa mga kasama niya, na ngayon nakatingin na sa akin.

"Anak! Halika" tawag sakin ni mama.

"Na miss ka namin anak, halika dito sa tabi ko".

Napaluha ako. Lumapit ako sa kanila at umupo.

" oh! Bat ka umiiyak anak?" Tanong sakin ni mama.

" masaya lang ako ma, kasi kasama ko na kayo ngayon".

Hinawakan ako ni mama sa kamay.

" unso, musta ka na? Na miss kita ah"

Ngumiti sakin si unso.

"Mas na miss ka namin ate!"

Niyakap ko si unso. Pero bakit parang may kakaiba? Siguro nababaguhan ako kay unso.

"Anak! Sasama ka na sa amin?" Tanong sakin ni papa.

Napatingin ako agad kay papa. Umiling ako. Napayuko.

" bakit anak?" Tanong sakin ni papa.

"Pa, alam kong patay na kayo. Ayokong sumama sa inyo"

Hinawakan ako ni unso sa kamay.

" ate jennie! Gusto ka na namin makasama" aniya.

"Sorry unso"

Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Alam kong nagtinginan silang lahat sakin. Basta ayokong sumama.

Alam kong tinawag ako ni jennifer. Ni hindi man lang ako lumingon. Pumasok ako sa kwarto at ni lock iyon.

Dito muna ako pansamantala, dito muna ako. Magmumukmok.

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now