Chapter 69

5 1 0
                                    

Araw-araw akong inalagaan ni Miguel. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya.

...................

Tuluyan na kaming nakalabas ng hospital. Umuwi kami sa bahay ni Miguel. 

Pagkapasok namin sa loob ng bahay.  Nagpalinga-linga ako. Napahinto ako sa may pintuan. Napatingin ito sakin.  Hinawakan niya ang kamay ko.

" oh,  jennie"

Napatingin ito sa akin. Hinawakan ang kamay ko. 

" halika ka na jennie,  kailangan mong magpahinga." Aniya.

Ngumiti ako sa kanya. Nagtuloy na kami sa loob ng bahay.  Pinuntahan namin ang aking kwarto.  Pagkapasok namin. Napatingin ako sa paligid nito. Kulay ' Pink' iyon. Ang ganda naman ng loob. Unti-unti akong pumasok.  Inilapag ko ang dala kong unan.  Inilagay lang ni Miguel ang gamit ko sa gilid.

" jennie,  maiwan muna kita dito huh?  Babalikan kita mamaya" pagpapaalam nito.

Tango lang ang sagot ko.  Tuluyan na itong lumabas ng kwarto at sinarado ang pinto. Naiwan akong mag isa sa loob niyon.

Umupo ako sa kama.  Hinimas-himas ko ang kama. Bigla akong napatingin sa banyo,  parang may kung ano doon na niyayaya akong pumasok. Tumayo ako,  at nilapitan ang banyo. Unti-unti ko iyon binubuksan. 

" jennie,  kumain na tayo" aniya ng boses lalaki sa likod ko.

Bigla kong naisarado ang pintuan. Napalingon ako

" sige,  susunod lang ako"

Tumango lang si Miguel at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.  Isinaradk niya iyon. Napako ang tingin ko sa aking bag. Ang dami ko pa palang ayusin. Napabuntong hininga ako.  Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ko si Miguel sa loob ng kusina.

Naabutan ko pang naghahanda si Miguel ng makakain namin.  Nilapitan mo iyon.  Inamoy isa-isa ang pagkain. Ang babango nito. Hinila ko ang upuan at umupo ako doon.  Parang nagutom ako sa bango ng inihanda niyang pagkain..

Tumingin ito sa akin habang inilalapag nito ang inihinda niyang pagkain.

" kumain ka na jennie,  kailangan ng katawan mo yan" aniya

Tumango ako at nagsimula ng kumain.  Sumalo na din ito sa akin...

Halos sumakit ang tyan ko sa dami ng aking kinain.  Pagkatapos namin kumain.  Pumasok ako sa kwarto upang maligo at matulog na din. Kailangan ko ng pahinga... Parang napagod kasi ako. Papasok na sana ako ng banyo ng kumatok si Miguel. Pumasok ito. Napatingin ako sa kanya.

" oh!  Miguel,  ano ang kailangan mo? " tanong ko sa kanya.

" wala,  masaya lang ako na bumalik ka na sakin." Ngumiti ito.

" ahh," ngumiti din ako.

" maliligo ka? " tanong nito sakin

Tumango lang ako.

" sige maligo ka muna" aniya.

Tumango ako at tumalikod na sakanya. Pumasok na ako sa banyo. Naligo..

Pagkatapos kong maligo,  lumabas na ako ng banyo.  Nakita ko pa rin si Miguel sa loob ng kwarto ko.  Nakaupo ito sa kama.  Halatang hinihintay niya ako.

Napatingin ito sa akin.  Ngumiti. Napangiti na din ako.

" sorry medyo natagalan" hinging paumanhin ko sa kanya.

" ok lang jennie,"

" may kailangan ka Miguel?"

" wala,  na miss lng kita,  atsaka wala naman akong ginagawa sa labas. Pwede mo ba akong samahan umupo,  magpahangin sa labas" aniya.

Alanganin akong tumango. Napilitan akong samahan siya. Lumabas na siya ng kwarto.  Nagbihis na din ako. Pagkatapos kong nagbihis lumabas na ako ng kwarto.  Sinamahan siyang magpahangin sa terrace nito.

Wala kaming imik habang nakaupo. Napatingin ako ng hawakan nito ang kamay ko. Tumingin ito sa akin habang nakangiti.  Pakiramdam ko parang may mali,  hindi ko maipaliwanag basta yun ang pakiramdam ko.  Parang hindi ko nararamdaman ang pagmamahal na sinasabi nito.  Siya daw ang lihim kong minamahal. Kung siya man yun bat hindi ko maramdaman sa kanya.  Napilitan akong ngumiti. Oo nahulog na ang loob ko sa kanya.  Pero parang may kulang.  Hindi ko maipaliwanag iyon... Hinalikan nito ang kamay ko.

Mysterious (COMPLETE)Where stories live. Discover now